Chapter 10

15 0 0
                                    

"Thank you Mr. Cruz........." Narinig ni Carrie na kausap ng Ate niya ang VP for Discipline nila. Di niya alam kung anong mukhang ihaharap niya sa mga tao sa school bukas pati sa Ate niya. Naluluha na siya pero wala siyang magawa. Di nya maipagtanggol ang sarili niya, di niya alam kung may maniniwala sa kanya. Pero isa lang ang alam niya, si Jacob ang kakampi niya.

/flashback/

Palabas na ako sa office ni Mr. Cruz ng may lumapit sakin.

"Alam ko hindi ka okay kaya di kita tatanungin." sabi ni Jacob sakin. Napatingin lang ako sa kanya.

"Uwian na. Kasama ko kanina sila Jonathan pero nauna na sila. Hinahanap na kasi siya ng nanay nya." sabi nito uli. Di ko talaga alam kung bakit di ako makapagsalita, dala narin siguro ng nangyari kanina.

"Wala kaming training ngayon. Hmmm. Ano, ihahatid na kita sa inyo." mabilis na sabi nito. Medyo nag-lag ako ng konti at nagtaka. Di ko alam kung anong isasagot ko kaya tumango nalang ako. At naglkad kami palabas.

Tinext ko na si Mang Berto na di ako magpapasundo. Napagkasunduan namin ni Jacob na maglalakad nalang kami pauwi.

"Carrie?" naunang nagsalita si Jacob habang naglalakad kami.

Tumingin ako sa kanya. "Hmmm?"

"Di ko alam kung bakit pero....."

"Pero?"

"Di ako naniniwala sa sinasabi ni Therese." sabi niya habang nakatingin sakin.

Nagulat ako. Di ko akalain na sasabihin niya yun. Pangalawang beses na niyang sinabi sakin yun. Bumilis na naman yung tibok ng puso ko.

"Thank you Jacob. Thank you kanina." Yun nalang ang nasabi ko. Sobrang di ako makapag-isip ng maayos.

"Gusto mo sa park muna tayo?" sabi niya at tumango naman ako. Malapit lang yung park sa school. 6 pm na kaya wala ng tao. Umupo kami sa swing ng biglag out of nowhere bigla akong nagsalita.

"Bakit sakin ka naniniwala? Mas matagal mo ng kaibigan si Therese. Ako wala pang taon at hindi rin naman tayo close." Oops. Medyo mataray ang pagkakatanong ko sa kanya. Sana di niya mamis-interpret.

"Hindi ko alam. Basta yun ang alam ko." matipid na sagot nito. Ewan ko pero buglang nabago ang ihip ng hangin ng biglang tumayo si Jacob.

"Ang lungkot lungkot mo. Ayaw ko ng nakikita kang ganyan. Ngumiti ka naman." Tss. Ano 'to, mambubully na naman?

"Alam mo naman yung nangyari kani---" ng bigla akong binasa ni Jacob gamit ang isang hose na di ko alam kung san galing.

"Oh my, Jacob ano ba!!!" sigaw ko pero parang walang naririnig tong lalaki nato at tuloy tuloy parin sa pambabasa.

"Di kita titigilan hangga't di ka tunatawa diyan." sabi pa ng lalaking to.

"Jacob! Stop! Basang basa na ako!" sigaw ko sa kanya.

"No! Kalimutan mo na yung nangyari kanina."

"Arrrrrg. Are you crazy? You think makakalimutan ko yun? Siguradong kakalat yun sa school. And worst malalaman yun ng parents ko!" sinisigawan ko na talaga siya, sa tingin ba niya di ganun nalang yun.

"Wag mo silang pansinin Carrie. Ang importante wala kang ginawa at mali ang binibintang sayo." Tss talaga. May point naman siya. Pero bakit niya ako binabasa? Napaka-bully talaga neto. Kakalimutan ko muna yung nangyari. Tumigil siya sa pambabasa, lalapit na sana ako pero binasa na naman ako.

"Grrr! Jacob tama na! Basang basa na ako."

"Habulin mo muna ako!" sabay kindat ng mokong nato. Natawa naman ako dun at mukhang nakita niya akong tumatawa.

"Sus! Yan lang pala gusto mo para ngumiti ka dapat kanina ko pa pala ginawa." sabay kindat uli. Nainis na ako pero tumatawa parin ako. Tumakbo ako at nagpahabol naman ako loko. Grabe paikot ikot kami at basang basa na ako ng bigla naman akong madapa at napaupo. Di naman ako nasugatan at nakitang papalapitna sakin si Jacob.

"Carrie! Uy ano! Okay ka lang ba? Bakit ka kasi tumatakbo!"

"Eh ikaw eh nagpapahabol ka!"

"Aba hinahabol mo naman ako." kumindat uli yung loko. At nakita kong binitawan na niya yung hose. Eto na yung signal ko. Kunwari masakit yung tuhod ko kaya napaupo na si Jacob at tumayo naman ako sabay kuha sa hose.

"Uy Carrie. Bitawan mo yan." takot na takot si Jacob.

"Huh! You wish!" at tawa naman ako ng tawa.

"Please. Ayaw kong umuwi ng basa Carrie." nagmamakaawa na si loko at nakataas yung mga kamay niya.

"Ble! Ayaw ko nga.!" at ayun na, binasa ko na sya.

"Carrie tama na! Tsk. Kapag nabawi ko yan lagot ka sakin." sabi niya.

"Kung makukuha mo pa. Hahahaha." at binasa ko siya uli.

"Ah ganun ha!" Nagulat nalang ako at tumtakbo na siya papunta sakin. Nataranta ako at tumakbo din habang nakatapat sa kanya yung hose at naghabulan.

"Stop! Pagod na ako Jacob." napaupo ako at binitawan ko na yung hose. Napaupo din si Jacob sa tabi ko. Basang basa kami at nagkatinginan sabay nagtawanan nalang kami. Hindi ko alam pero masaya ako ngayon. Nakalimutan ko yung mga nangyari. Bigla akong napatingin sa relo ko, mag-8 o'clock na.

"Naku. Gabi na Jacob! Kailangan na nating umuwi!" sabi ko habang tinatapik ko siya sa balikat.

"Grabe ka naman Carrie! Iuuwi mo na ako? Naku lagot ka sa nanay ko!" at papikit-pikit pa yung mata nito.

"In you dreams! Seriously, I need to go home na."

"Joke lang. Eto naman. Gusto lang naman kita patawanin eh."

"Tss. Halika na." At umuwi na kami. Hinatid ako ni Jacob. Buti nalang at malapit yung park sa bahay namin. Bago ako pumasok sa gate humarap ako kay Jacob.

"Jacob. Thank you. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon." sabi ko.

"Wala yun. Ikaw pa lakas mo sakin." aba't kumindat na naman ang loko.

"Seriously, thank you. Napasaya mo din ako." at nginitan ko din siya at pasok sa bahay.

Basang basa parin ako kaya dumiretso ako sa kwarto. Nagshower nadin ako. Hindi ko alam kung bakit pero naisipan kong bumaba. Bigla kong nakita si Ate na may kausap sa phone.

/end of flashback/

Napatingin si Ate sa kinatatayuan ko. Alam ko din na alam na niya yung nangyari. Di siya nagsasalita. Bumaba ako at nilapitan siya.

"Ate Clara let me explain."

"I don't know baby girl." sabi niya at iniwasan niya ang tingin sakin.

"Ate, di ko ginawa yun. Wala akong ginawa." Shit. Naiiyak na naman ako.

"Alam ko naman yun. I know you're not capable of doing that. You're a sweet girl." at ngumiti siya. Parang nawala yung tinik sa dibdib ko at napangiti.

"Sige na, umakyat ka na at matulog. May pasok ka pa bukas." at kiniss ako ni Ate sa noo. Umakyat na ako at natulog.

Nagising na ako. New day ahead. Same routine. Pababa na ako at kakain na ng breakfast. Nakita kong pababa na si Ate Clara, nagtaka ako bakit ang aga niyang nagising usually tanghali na siya nagigising eh. Tumingin siya sakin, napangiti ako. Pero iba yung reaksyon ni Ate Clara. Lumapit siya sakin. Di ko napigilan at nagtanong na ako.

"Ate Clara, what's wrong?" kinakabahan na talaga ako.

Medyo nag-aalangan pa siyang sumagot. Huminga muna siya ng malamim at... "Alam na nila Mommy at Daddy yung nangyari. And they're on their way back here."

> End of Chapter 10 <

Slides of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon