Chapter 11

3.8K 73 3
                                    

*Bullet's P.O.V*

"N-Nakita m-mo b-ba y-yun?" Nauutal na tanong saakin ni Blake. Paano ko hindi makita yun?. Tumango lang ako sa tanong ni Blake.

"K-kamukha niya" sabi ulit ni Blake

"Siya kaya yun?" diretso at walang utal na sabi ko pero kinakabahan parin ako.

"H-hindi impossible" Dalawa kami kinakabahan. Ayaw lang namin makita ni boss ang incident na yun pero may part talaga saakin na gusto kong makita ang reaction niya.

"O! Nandito na pala ang kape. Hindi niyo kami ginising?" Napatingin kami kay Jax kinukuha na ang kape.

"Kasi gusto namin ubusin niyan at hindi ka bibigyan" palusot ko

"Hoy Cross, okay lang maging panget pero ang pagiging selfish? Malala na yan. Tsk tsk" ano raw? Ako panget? Ako selfish? Barilin ko kayo 'to? Grabe mag-salita.

"Hoy anong pinag-sasabi mo? Ikaw nga diyan ang kakambal ng demonyo" haha take that.

"Ulol" with matching dirty finger pa.

"Haha pikon" sabi ko para maging mas pikon siya.

"Manahimik ka nga" sabi niya at tinulukuran ako

"Shit what's that noise?" Shit. Nagising si bossing deym

"Si Bullet po/Si Jax po" sabay namin sinabi

"Ano ako ikaw kaya" sabay ulit namin sinbi

"Boss, kape po" inabutan ni Blake si boss ng isang expresso at kumuha ng latte at kinuha naman yun ni boss

Binigay niya rin kami ng Magbayad-kayo-saakin-mamaya look. At tinuro turo rin niya kaming dalawa ni Jax habang hindi nakatingin si Boss. Binigay lang namin siya ng pamatay na tingin pero ngumiti lang siya ng nakalokoloko.

*Calla's P.O.V*

"Hihihi. Ayyy enebeyen yiee kinikilig eketch" Kanina pa tumatawa at kinikilig 'tong si Cass sa harap ng cellphone niya

"Hoy Aly, may topak ata kapatid mo" bulong ko kay Aly na nasa tabi ko ngayun

"Matagal na may topak yan" Sabi ni Aly na ngayon ay naghuhugas ng pinggan dito sa lababo

"Pfft. Makasalita parang di mo kakambal ah. Pero yung totoo ano ba talaga meron sa cellphone niya?" Curious lang naman talaga ako kung anong meron sa cellphone at kanina pa siya kilig na kilig dun.

"Edi tanungin mo siya" sagot ni Aly

"Talaga? 'Ge punta na ako" nagsimula na ako lumakad patungo sakanya

"Hi cass! Anong meron sa cellphone mo?" Tanong ko sakanya making sure very clear yung words ko

"Mga apps, pictures, videos, messages, calls.... Ano pa ba?.....Ahh meron rin itong weather app. Malalaman mo kung kailan uulan or kung ano yung mga degree celcius ng panahon" At ngumiti siya ng bonggang bongga.

Sabi saakin ni Mj na ganyan raw ako nung college kaya ngayon iniisip ko na kung ganun ako. Grabe lang sila mag-tiis

"Pfft." Nilingon ko si Aly na nagpipigil ng tawa. I shot her a death glare pero hindi siya tumitingin saakin.

"Ang tanong ko ay 'ano yung tinitignan mo?'" 2nd attempt ko sakanya

"Tinitignan ko? Ikaw." Totoo ang kasabihan 'Struggle are real'

"Ano ang tinitignan mo kanina bago ako pumunta dito sa pwesto na 'to"

"Ahh yun? Tinitignan ko yung cellphone ko"

"Hoooh Anong tinitignan mo sa cellphone mo bago ako pumunta sa pwestong 'to?" I hope she understand. Kung hindi edi ewan ko nalang

"Hindi ako tumitingin. Nag-tetext ako" Binigyan niya ako ng inosenteng look pero nanggigil na talaga ako sa loob-looban ko

"Nag-tetext o tumitingin sa cellphone ay pareho lamang" gigil na gigil na sabi ko

"Hindi naman sila pareho. Yung tumitingin, tinitignan lang pero yung nag-tetext ay nagt-type ako" deep breath lang Calla. Wag mo siyang sapakin at wag na wag mo siyang barilin

"Hoy tama na yan at ikaw naman sis. Wag ka ngang tanga" Buti nalang at dumating si Aly kundi kanina ko pa siya sinapak para mawala ang pagiging tanga niya

"Huh? Hindi naman ako ta---" I cut her off dahil sobrang sakit na talaga ang ulo ko.

"Okay. We get it. Hindi ka tanga at magkaiba na rin ang nag-tetext at ang pag-tingin lamang" Hinawakan ko ang ulo ko na kanina pang masakit at minasahe nito

"Sino ba ka-text mo sis?" Tanong ni Aly na halatang nag-pipigil ng tawa. Barlin ko kaya? Wag na baka multuhin pa ako niyan.

"Ahh. Si Howie ihhhh. Enebeyen" May pabebe style pa si Cass. Wait, Sino si Howie? Boyfriend niya?

"Sino si Howie?" Tanong ni Aly

"Howie Melendez" Sabi ni Cass na halatang kilig na kilig at kunti nalang ay umuhi dito sa sahig.

"Hoy, nakita mo na ba yung Howie Melendez na yan?" Back to strict mode si Aly

"Syempre hindi pa. Yan ang tinatawag na Blind Text Mate. Palibhasa ikaw kasi ate hindi ka nakikipag text" Aakmang sasabunatan na siya ni Aly pero pinigilan ko siya at binigyan ng Alam-mo-naman-na-tanga-ang-kakambal-mo look.

Nag buntong hininga siya at tumingin kay Cass.

______________________

Sorry po dahil short update lang ito pero sobrang laki ng effort na binigay ko dito. Sana tumawa po kayo sa Not-so-funny jokes ko

-Jankhan2









The Return Of The Wife {Book 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon