Chapter 12

3.8K 66 3
                                    


*Cassandra's P.O.V*

"Hoy sis, wala akong tiwala sa Howie na yan" Tignan mo si ate napaka. Hindi niya alam ang ibig sabihin ng blind text mate

"Ate naman eh. Kaya nga mamaya ay magkikita kami, mag bablindate kami" *pout*

"Aly, hayaan mo na. Uso naman ngayon ang blind dates. Ikaw naman cass, kung panget wag kang magpapakilala pero kung gwapo, ligawan mo na" sabi ni ate Calla

"Ok ate, kaya lab na lab kita ehh" Kahit may pagkatanga rin siya katulad ni ate Aly ay love ko parin siya

"Osiya, kailan ang date mo?" Nakakakilig pakinggan na may date na ako

"Mamaya po ate"

"Okay mag-prepare ka na, Si Riley nalang kukuha ng pwesto mo pag-dating niya"

"Kk" Ngumiti ako ng bongga bongga

"Paano yan? Mag-isa lang ako sa kitchen?" Ang kj talaga ni ate, kailan kaya siya mag-kakaroon ng boyfriend?

"Kaya mo na yan" Tinapik ni ate Calla yung balikat ni ate Aly at umalis at dali-dali hinabol ni ate Aly si Ate Calla

Nawala ang atensyon ko sakanila nung may nag-text saakin

From Howdie:

Mag-kita tayo sa favourite place ko. Alam mo naman yun. Mag-damit ka ng red para makilala kita <3

Wahhh kinikilig na talaga ako. Sa lahat ng text ni Howdie saakin ay nakakakilig, may heart pa sya sa dulo.

Sinabi niya saakin yung favourite place niya nung una palang kami nag-chchat pero yung pinag-tataka ko ay yung lugar na gusto niya ay hindi makilalang lugar.

Para siyang private place na madilim. Alam ko yung lugar na yun kasi minsan dumadaan kami ni Aly at lagi ko syang tinatanong kung ano yung lugar na yun. Kaya alam ko yung lugar na yun.

Tumayo ako at hinubad ang aking apron ng ma-realize ko na hindi pala red yung suot ko. Shocks! Dali-dali ako lumabas at nag-para ng jeep papunta sa bahay ko, medyo malayo yung bahay namin ni Aly kaya nag-ride ako ng jeep and pag-baba kailangan mong lumakad kasi nasa loob-looban yung bahay namin.

Nung dumating ako sa bahay ay pinili ko yung favourite kong t-shirt na mickey mouse. Red siya at may mickey mouse sa gitna.

Dali-dali kong pinara ang trycicle na nakita ko sa labas ng bintana ko para madali akong lumabas sa lugar na 'to. Lumabas ako sa bahay ko at sumakay sa trycicle na nakahinto sa tapat ng bahay ko.

Maya-maya ay nakarating na ako sa bayan at binayaran ang trycicle driver.

Nag-hintay ako sa may kalsada para sa isang jeepney papunta sa lugar na yun. Maya-maya meron nang dumaan at pinara ko agad.

Sumakay ako at binayaran ang driver.

"Diretso lang po" Tinanggap niya yung bayad.

Maya-maya ay naging sobrang pamilyar ang lugar na 'to. Ito yung lugar kung saan minsan namin dinadaanan nila Aly. Dalawa ang way nang daanan na 'to nung napansin ko na maling daan ang dinaanan namin

"Manong hindi po ba kayo dadaan sa kabila?" Tanong ko sa jeepney driver

"Hindi ineng, dito talaga ang dinadaan ko tuwing nagt-trabaho ako" sagot naman niya sa tanong ko

"Sige manong, para na ho" Pinara niya yung jeep niya sa gilid. Buti hindi pa malayo ang lalakadin ko.

Lumakad ako sa kabilang street. Yung totoo? Wala bang street light dito oh ano? Wala ni isang ilaw ay nandito. Yung tanging ilaw ko ay yung palubog na araw na maya-maya ay mawawala rin.

Lumakad ako nang mabilis para maabutan ko yung park na paboritong lugar no Howie hanggang hindi pa nawawala ang ilaw ng araw.

Medyo malayo ang park at umuunti na ang mga tao sa paligid ko. Lumubog rin yung araw at wala akong makitang ni isang spark ng ilaw. Wala rin tao sa lugar na 'to.

Maya maya ay may nakita akong konting ilaw at yun ay galing sa park. Sign na 'to na malapit na ako sa park.

Finally, nandito na ako sa tapat ng park at ni isang tao ay wala akong makita. Isang patay-sindi na light bulb lang ang nakikita ko sa gitna ng park.

Dahan-dahan at walang ingay kong nilakad papunta sa gitna ng park kung saan nakalagay ang sobrang creepy na patay-sindi na ilaw.

Hindi ako gumalaw pa at tinitignan ko lang ang paligid ko.

Ng biglang may humawak saakin galing likod. Haharap sana ako pero tinakip niya yung bibig ko gamit ang isang panyo. Ano 'to? Nakikidnap ba ako? Mamatay na ba ako?

Sinubukang kong kumawala pero sadyang sobrang lakas niya. Unti-unti ako nakaramdam ng mahina na ako at antok.

Ang huling naalala ko lang ay yung pag-wala ng buhat ang mata ko at sunod na rin ang katawan ko.

*Blake P.O.V*

Sinindi ko yung sigarilyo ko at lumibot-libot sa isang street na walang ilaw. Bakit ako nandito?

Well, simula nung nawala si Ma'am Calla. Kulang na kami sa mga adventures. Hindi na din nakakapag-libot libot kaya sobrang bored ako.

Hindi rin ako sa mood mambabae. Old style na kasi yun.

Lumalakad lang ako at iniisip kung paano ko babaguhin si boss nung nahinto ako sa tapat ng park. Nakuha lang niya ang atensyon ko dahil may patay-sinding ilaw itong park na 'to.

Pero hindi ko inaasahan na may tao din pala dito. Isang babae at isang lalake. Naka-yakap yung lalake sa babae. Back-hug if girls would call it. Weird lang na dito sila nag-dedate.

Kanina na gumagalaw na babae na akala ko ay kinikilig ay tumigil na sa pag-galaw. Tinanggal ng lalake ang yakap niya sa babae nung ma-realize ko na straight nahiga yung babae sa sahig at parang walang malay.

Sh!t. Narealize ko ngayon na kinikidnap niya yung babae. Kinuha ko yung baril galing sa likod ng pantalon ko at nag-mamadaling tumakbo papunta sakanila.

Hahawakan niya sana yung babae pero bago niya ginawa yun ay sinuntok ko muna siya.

Blake pogi rule 101: wag excited. Suntok muna bago baril.

Napa-halik siya sa sahig pero tumayo agad siya. Nagulat ako nung nag-labas rin siya ng baril.

Babarilin ko sana siya ng sinuntok ko ulit siya. Pero ngayon sa pag-tayo niya ay nag-si ilawan na ang paligid. Pulis. Yan ang unang pumasok sa isip ko.

Dali-dali kong nilagay sa likod ng pants ko ang baril na hawak ko kanina.

May lumapit na isang pulis at hinuli yung lalake. Binagay niya ako ng pamatay na tingin pero hindi siya umuubra

Muntik ko nang makalimutan. Ang babaeng kikidnapin niya. Lumapit ako sakanya at kitang kitang ang fresh niya luha galing sa mata niya.

"Ka-ano mo siya, sir?" Tanong saakin ng isang pulis.

"Hindi ko siya ka-ano. Nakita ko lang na sinubukang kidnapin ng lalakeng yan itong babae na 'to" Sagot ko na hindi man lang tumitingin sakanya. Hindi ko lang maalis ang tingin ko sa babae na 'to.

"Eh bakit po kayo umiiyak" Umiiyak? Hinawakan ko ang mukha ko at oo nga. Umiiyak ng ako. Bakit ako umiiyak?

"Naawa lang siguro ako" Tumango siya sa sagot ko. Tumayo ako nung dumating yung ambulansya at tinulungan silang kunin ang katawan ng babae.

"Sir, sama po kayo saamin para maka-punta rin po kayo sa hospital" Tumango ako sa sinabi ng pulis at sinundan siya papunta sa police car niya.

__________________________

Thank you po sa suporta sa book 1&2 ng Mtamb.

Hindi po ako maka-update agad kasi birthday ko po before yesterday.

Anyways, Enjoy sa pagbabasa

-Jankhan😶






















The Return Of The Wife {Book 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon