Chapter 30

2.1K 39 6
                                    


*Calla's P.O.V*

Pagkababa ko, bumati saakin si at Flor. Nakahanda na yung pagkain sa lamesa. Pansin kong isa lang yung set sa lamesa.

"Ate Flor, nakakain na po ba kayo?" Alalang tanong ko. 2pm na. Eh ako naka-meryanda ako habang nasa biyahe.

"Wag mo na kong pansinin. Kain na." Naglagay siya ng sandok sa kanin at sa kaldereta na luto niya

"Samahan mo na ako ate! Mag-isa lang ako oh" Sabi ko habang umuupo

"Ok lang ineng. Kain na" Ngumiti lang siya

"Ate. Samahan mo na ako kundi hahatakin talaga kita" Biro ko na kinatawa naman niya

"Sige sige. Kuha lang ako plato" Umalis siya sandali para kumuha ng plato niya.

Nakaupo ako sa may dining table, good for 6. Maya maya dumating na si ate Flor.

"Ate, may nabanggit ba sayo si Mr. Morales tungkol sa pags-stay ko dito" Di ko na napigilan tanungin habang sumasandok ng ulam.

"Aba ineng depende. Ano ba yung dahilan nung magkita-kiya kayo?"

"Painter ho ako. He hired me as his personal painter" At sumubo na ako

"Hmm. Ewan ko basta lagi rin dito natutulog yung secretary niya dun sa may guest room at minsan yung asa--" Naputol yung sasabihin nung nag-ring ang landline. Tumayo siya at kinuha yun

Di naman kalayuan yung landline kaya nadidinig ko mga sinasabe ni ate Flor

"Opo sir; Kumakain na ho; Wag magpa-pasok ng bisita; Okay ho sir; Eh si mam Imy?; Okay ho; Pati ho si mam Bettina?; Okay ho sir. Salamat ho" Bumalik siya sa kinauupuan niya.

Madami rn babaeng pinapasok ni Ash dito. I don't feel special anymore. Tina-ry ko i-change yung topic

"Naku Ate ang sarap ng niluto mo" Sumubo pa ako ng isa pa. Punong puno na bibig ko. I mean, di talaga ako umaarte. Masarap talaga.

"Bolerang bata" Natatawa niyang sabi

"Nga pala ate, may sariling pamilya na po ba kayo?" Tanong ko habang nangunguya

"Meron, may asawa na ako at tatlong anak" Madami rin anak ni Ate Flor.

"Buti naalagaan niyo pa po sila kahit papaano"

"Aba oo, di naman ganun kasama si Sir Ashton. Lagi niya ako pinapa-leave kung kailangan talaga" Pang-explain niya

"Ilan na po ba kayong nagtatrabaho dito?" Tanong ko

"6 months palang ineng" Tumango tango lang ako. 2 months ng pag-alis ko

"Ubusin mo yan at maya maya dadating si sir Ashton" Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko

"Ok po ate"

***

"Slut"

"Whore"

"Mang-aagaw"

"Feelingera"

Sa lahat ng masasakit na salita na sinabe saakin nandiyan siya.

Ang tanging Girl Best Friend ko.

BUT...

Those words na saakin pinamukha. It's the same words to describe her.

The Return Of The Wife {Book 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon