Chapter 40

1.7K 31 7
                                    


*Calla's P.O.V*

Graduation passed.

Sa huling tatlong buwan ng schooling, di ako nakapag-attend ng classes. Buti nung pinuntahan ko yung school, pinayagan ako mag-special test.

Yun nga lang mas mahirap siya at mas mahaba kaya binigyan ako ng 5 days para makapag-catch up sa studies. Naghingi ako ng notes sa representative ng classroom since anlayo ni Mj di ko reach.

Tinanong ko din siya kung naka-pag exams siya kahit nasa probinsya siya at oo, online final exams. Kaya magisa lang ako sa Friday mag-eexam.

Simula nangyari kahapon sa park, naguguluhan ako. Di ko maintindihan. Hirap intindihin.

Di bale haharapin ko siya mamaya. Sa ngayon, pagtitiisin ko muna itong cursive writing ni ate representative para makapag-review.

Nakick out na rin ako bilang president sa club, not that I mind at si vice na namamahala. Mahirap din talaga maging business management student. Grabe.

***

10:41PM

Halos tatlong oras na ko nagaaral sa kwarto at ngayon lang ako nauhaw kaya bumaba ako para uminom ng tubig.

Lagi kami nangiiwan ng nakabuka na dim light sa may kusina 'just in case' although di ko talaga alam ang dahilan.

Pag gabi di na ako umiinom ng malamig na tubig kaya imbes sa ref ako pumunta, tumungo ako sa may medyo madilim na parte ng kusina na medyo malayo-layo sa ilaw para kumuha ng maligamgam na tubig

Siguro antok na ko o kaya yung pansin ko nakatuon lang sa iniinom ko na tubig kasi di ko namalayan na may tao sa likod ko at naramdaman ko yung hininga niya sa tenga ko.

Muntik ko na maibuga yung tubig pero pinilit ko nalang lunukin. Lumingon ako ng mas mabilis pa sa alas-kwarto pero wrong move kasi muntikan na ko madulas. Buti nalang napahawak ako counter agad para i-balance ang sarili ko.

Ngayon kaharap ko na siya ngayon. Kahit di ko siya makita, alam kong di Ash ito. Matangkad. Macho. Mabango. Psh.

"Be careful" Bulong niya. Jusq bakit kailangan pang bumulong? Ngayon ko lang narealize na naka-yuko siya sa may leeg ko at ramdam na ramdam ang mainit niyang hininga. Pati yung dalawa niyang kamay nasa magkabilang sides ng bewang ko.

Sobrang intimate ng posisyon namin.

"U-uhh" Gumalaw ako kunti para mabalik siya sa realidad pero dedma lang. Hanggang sa ako na gumawa ng first move na umalis sa bisig niya.

Kahit di ko makita expresyon niya, naramadaman ko inis niya nung ginulo niya buhok niya sabay -

"Damn" Ang pagmura niya ng mahina.

"Uhm ano - May gusto sana linawin sa'yo pero bukas nalang" Kita ko yung tango niya edi tumango din ako.

"Matutulog ka na ba? Sige goodnight" Pagpapaalam ko sakanya

"No. I'll take a cold shower first." Kahit confused, tumango lang din ako. "By the way, never wear that clothes again near me or - better - anyone"

At siya na unang nagwalk-out saamin. Tinignan ko ulit damit ko at nakalimutan kong naka-oversized white, thin T-shirt with no bra and short pajama shorts.

Shucks kahiya!

***

Pagkatapos nung kagabi, uminom ulit ako ng tubig. Malamig na tubig. Pero ngayon pinagsisihan ko na kasi nagkaroon na at ako ng ubo.

Ngayon papunta na ko sa kusina at wala akong gustong kainin o inumin bukod sa mainit.

Naabutan ko siya sa lamesa na nagbabasa ng dyaryo at humihigop sa kape niya. Napansin ko din wala si Ate Flor, baka pinabakasyon.

"I gave Ate Flor three months leave since her niece is giving birth. She always wanted to be a grandma" Napansin niya na pala Yung presence ko. Pero since wala talaga ako sa mood, tumango lang ako.

Nagtimpla ako kape at umupo sa may tapat niya. Yung mata ko lagi bumabagsak parang pagod na pagod.

Nakayuko lang ako nang bigla naramdaman ko kamay niya sa leeg ko. Umangat ako ng tingin halata yung gulat ko pero tumaas ulit kamay niya sa noo ko.

"Your neck's hot but your forehead isn't" Napaawang ako ng bibig. Anlamig ng kamay niya para binabaran sa yelong tubig.

"Medyo masakit nga po lalamunan ko" Dahan-dahan ko Sabi para di pa lumala Yung sakit.

"I'll take you to the doctor" Hala siya?

"Naku Sir! 'Wag na po. Uminom lang ako ng malamig na tubig kagabi. Mawawala din 'to bukas" Napataas ata ako ng boses masyado kasi sumakit nanaman ang lalamunan ko.

"Tss I'll send you some medicine later" Kinuha niya yung suit jacket niya na nakasabit sa likod ng upuan niya at umalis.

Narinig ko yung pagsara ng pinto at ang pag-andar ng kotse niya hanggang di ko na marinig.

*Bullet's P.O.V*

Pag pumapasok si Boss, lagi siya naka busangot pero ngayon di naman siya nakangiti, di rin siya blooming. More on parang nag-aalala siya.

Di man kita sa mukha, halatang-halata sa mata. Di man mapapansin ng iba pera kaming tatlo, naguguluhan din kami.

Nandito kami sa office niya. Kaming tatlo naka-tambay lang habang siya chine-check ata yung mga sales niya worldwide.

"Buy some medicines for tonsil" Utos niya saamin ng hindi tumitingin. Nagkatinginan kaming tatlo kung sino susunod.

"For fvck's sake. Bullet" Tae! Ang sarap pa naman ng pwesto ko solong-solo ang sofa.

Tumayo agad ako at lalabas na sana para pumunta sa pinaka-malapit na drugstore.

"Bring it to my house" Oh yeah, baby! Free food.

***

Pagbaba ko kotse ko, hawak hawak ko ang limang tablet na nakalagay sa isang supot at ang Susi ng bahay nila. Tina-ry ko buksan ang pinto gamit ang susi pero nakasara pala from the inside.

Ah baka si Ate Flor.

"Ate Flor yuhoo" Kinatok ko yung pinto pero agad sumakit kamay ko sa tigas ng pinto kahit kahit lang.

Ba't ba ko kumakatok may doorbell naman?

Maya-maya bumukas ang pinto at lumabas ang isang babae naka-black leggings and green shirt.

Caliyah 'to ah.

"Hey. Pinapadala ni Boss" Inabot ko yung plastic bag sakanya. Tinanggap niya Ang supot at tumango saakin bilang pasasalamat.

Isasara niya na sana ang pinto ng hinarangan ko "May pagkain ba diyan?" Wala nang hiya hiya. Tanong agad.

Nakita ko yung pagpipigil niya ng ngiti atsaka niya na binuksan ng mas malaki ang pinto para makapasok ako.

Yes! Ano kaya masarap kainin? Siguro lahat ng pagkain? Ah sige sige kukunin ko lahat ng pagkain nila hehe

Agad ako tumungo sa kusina at sumama pala si Caliyah. Ni-rummage ko ang kanilang kusina at kinuha Ang mga masasarap na pagkain tulad ng chichirya, matatamis na tsokolate, candy, atsaka kumuha na ko tatlong bote ng orange juice.

"Kaibigan mo si Mj diba?" Tanong ko habang inaayos ko ang mga pagkain sa isang plastic at habang siya nakaupo sa may island.

"Oo" Mahina niyang sagot pero naiintindihan ko kasi masakit lalamunan niya.

"Asan na siya?" Di ako curious ah. Baka ikaw?

"Probinsya" Ahh - "Nasunog dorm namin"

Alam ko yun, Caliyah.

Kami gumawa nun.

____________





The Return Of The Wife {Book 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon