Chapter 37

1.8K 24 1
                                    

*Third Person's P.O.V*

Creep.

Yan si Ashton. Kanina pa nakatitig si Ashton sa natutulog na dalaga. Mga 30 minutes na ata.

Nagbuntong-hininga na lang si Ash ng ma-realize ano ginagawa niya.

Dahan-dahan niya ulit inayos yung kumot ni Calla bago naglakad patungo sa pintuan. One last glance bago siya nakalabas ng pinto

For him, everything is still surreal. He couldn't believe yet he wanted to.

Di siya makapaniwala that his wife- or her kalookalike- is here, right in front of his eyes.

Inaamin niya, when the news of her dead broke out, he was devastated. Hindi siya makakain ng maayos, makatulog ng maayos at makapa-isip ng maayos.

Naging bestfriend niya ang alak at sigarilyo. Tinaboy niya lahat ng kung sino man humarang sa ginagawa niya. Even his sister. 

Nawala na si Calla sakanya dati, tapos nawala ulit. 

This time. The 3rd time. He'll never let her go.

*Calla's P.O.V*

Nagising nalang ako mga tanghali na. Mga 10am na siguro. Sobra siguro ako napagod kagabi.

Bumangon agad ako at pumunta sa CR kahit ang sakit ng ulo ko. Yung mata ko nakasarado ng kunti habang hilong-hilo ako lumakad ako papunta sa banyo.

Nag-hilamos saglit ng mukha para maalis ang antok ko atsaka nagtooth-brush na rin. Napansin kong iba na rin suot ko ngayon, di yung kagabi.

Di ko syadong pinansin ang pag-iba ng damit ko thinking that I changed it last night even though I can't remember.

Sumakit yung sa bandang puson ko indicating my hunger. Mamaya na siguro ako maliligo.

Bumaba agad ako at tumungo sa kusina. Binati ko si manang at umupo sa upuan na lagi Kong inuupuan. Na-touch ako nung sinabi ni manang hinintay niya talaga ako para sabay kami.

Simpleng Tortang talong Ang hinanda ni manang pero di na ako nagreklamo. Masarap kaya magluto ni manang.

Pagkatapos, tinulungan ko si Manang sa pag-hugas ng plato na pinagkainan namin. Di ko mapigilang isipin kung nasaan si Ash.

Siguro nasa trabaho o kaya nasa kwarto, natutulog pa. Para bang binasa ang isipan ko at nagsalita si Manang.

"Anak, paki puntahan naman si Ash sa office niya. Naku yung batang yun, di pa kumain ng maayos na almusal kaninang umaga. Paki-bigay nalang itong kape at paki-sabi na bumaba naman mamaya para kumain ng tanghalian." Inabot Nita saakin ang isang tasa ng may nilalaman na black coffee na nakalagay sa platito.

"A-ahh sige po" Di na ako makatanggi dahil nasa kamay ko na yung tasa.

"Salamat hija" Ngumiti siya saakin at bumalik na sa kaniyang ginagawa

Dahan-dahan akong naglakad habang nakatingin sa kape na hawak ko. Napa-paranoid ako. Paano kung nadapa ako? Paano pag bigla nahulog itong hawak ko?

Aish.. Calla wag ka na masyado mag-isip ng nega.

Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan. Step by step hanggang nandito na ako sa harap ng opisina niya. Binitiwan ko muna yung isa kong kamay para kumatok. Nilagay ko sa gitna ng kamay ko yung platito para mabalanse.

"Come in" Isang cold and strong voice ang narinig ko through the door. Binuksan ko yung pinto gamit ang libre kong kamay.

Pag-pasok ko nakita ko ang pag-angat ng tingin niya para makita sino yung pumasok. Nagtama ang tingin namin pero agad niya iniwas at bumalik sa ginagawa niya.

Relax ka lang Calla.

"Coffee, sir" Tumango siya saakin para bang sinasabi na lumapit ako. Nilapitan ko yung desk niya at dun nilagay.

Hinintay ko mag-react o mag-thank you man lang pero wala. Malapit na ako sa may pinto nang may pinapasabi pala.

"U-uhm sabi ni manang bumaba ka pag-lunch na at kumain" Nakatingin lang siya saakin. Nagkakatinginan nalang kami. Ako na yung umiwas at lumabas na ng silid.

Pinuntahan ko si manang para tulungan sa paglinis pero agad niya ako pinalayas. Umakyat ako sa kwarto para maligo at magbihis. Wala naman akong ibang gagawin kaya nag-all black ako from neck down.

Nilabas ko yung cardboard kung saan ako magpe-paint at ang mga colors ko. Tinaas ko yung buhok ko into a high ponytail. Una kong kinuha ay yung lapis ko.

Nag-outline ako ng circle then in-adjust ang iba pang features. Pilit kong inaalala ang mukha niya sa isip ko at iginuhit ito.

Then next his eyes, nose, and kissable lips. Yung Hazel niyang mata at maganda niyang pilik-mata. Ang matangos niyang ilong at ang plump niyang labi.

And next ang pag-kulay. Maingat ako sa pag-kulay kasi water colours ang gamit ko at makalat yun.

Minsan may mga kulay na dumadapo sa kamay ko na napupunta sa mukha ko. Sana pala di ako agad naligo.

Malapit na matapos ang ginagawa ko, kunting details nalang like the shadings.

And. . . I'm done. Kukunin ko na yung cardboard para maitago agad when I felt a presence behind me.

Lumingon agad ako pero nabangga ko lang ang matigas niyang dibdib. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang Hazel niyang mata.

Di ko napansin yung kamay niya nasa may likod ko na inaabot ang painting. Lumipat ang tingin niya papunta sa painting at nakaramdam ako ng pamumula.

Yumuko nalang ako para di niya makita ang pamumula ng mukha ko. Matagal-tagal rin siyang nakatitig sa painting nagawa ko.

Ilang saglit nakita ko umangat ang isang side ng labi niya. He's not smirking, he's smiling.

"How much?" Tanong niya habang nakatitig parin. Ok lang kung kunin niya ng libre, pramis.

"Uhm sir, I-I" Ngayon, ako na tinitignan niya. Tumaas yung isa niyang kilay sa pag-uutal ko. "Kahit l-libre sir" Uminit ulit pisnge ko at yumuko ulit

"Wait for the payment in your bank account" Kinuha niya yung painting at umalis na. Nagbuntong-hininga nalang ako dahil dun.

Kahiya! Nakita niya yung pinaint ko na picture niya!

_______________________

Two months late na ako!!! Sorry na po!!! Medyo na-busy!!!

Pero Eto na!!! Sana naenjoy niyo!!!

-MissIAx




The Return Of The Wife {Book 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon