Chapter 33

1.8K 25 2
                                    

*Aly's P.O.V*

Napatingin ako sa wristwatch ko dahil sobrang inip na inip na ako dito. Makikipag-meet daw si Calla saakin pero halos isang oras lang wala pa siya? 

Anong trip niya? Pa-putiin muna buhok ko bago dumating? Tsk.

Nandito ako ngayon sa mall, sa isng coffee shop, naka-upo sa dulo at nakatanaw sa bintana. Share ko lang, bakit?

Nawalan na ako ng pag-asa na dumating siya kaya aakmang tatayo sana ako ng may nabangga akong lalake kaya napabalik ako sa upuan ng pagka-lakas lakas. 

"Aray!" Daing ko. Paano kase, ang lakas ng pagka-bagsak ko sa upuan. Kainis tong lalakeng toh.

"S-sorry Mi--Aly?" Napatingala ako nung nabanggit niya pangalan ko. Ah kilala ko to! Jack? Jake? Jax? Ayy oo Jax! Paano mo to nakalimutan Aly!? Hiningi pa nga niya number ko eh.

"Jax! Jax, ikaw nga" Ay bobo! Mungshunga ako eh. Napa-tawa siya ng mahina saakin.

"Yea. Musta na? Anong ginagawa mo dito? Long time no see ah?" Ngumiti siya ng parang pang toothpaste commercial

"Ay Teka lang. Dahan dahan lang, mahina kalaban" Biro ko. Mas lalo siyang napangiti ng dahil dun. Ang cute niya lang tignan.

"Pwedeng umupo?" Di na niya hinintay sagot ko at umupo agad siya. Ayos to? Di naman sa tatanggihan ko siya, kaya lang,

"Ayos ka ah? Tanong mo, sagot mo?" Kahit papaano napangiti na rin ako. Di naman ako denial

"Wala eh. Chance ko 'to" May ibinulong pa siya sa dulo pero di ko gaano narinig

"Huh? Ano yun? Di ko narinig eh" Ngumiti lang siya. Ayan nanaman siya sa ngiti niya, nakaaktunaw. Huh!? Ano dawg, Aly? Baliw ka na Aly? Luh parang, kinakausap ko na kase sarili ko eh.

"Wala! Buti pa mag-order nalang tayo. Waiter!" Napatawa naman ako ng malakas habang nakakunot noo niya.

"Fast food to, pre. Lalapit ka sa order. Di yung order lalapit sa'yo. Di ka VIP" Namula naman mukha niya. Halatang nahiya sa ginawa niya

"Tama na nga Yan. Ano sa'yo? Libre ko na." Iniiwasan niya talaga tingin ko. Pilit kong hinahanap Ang mata niya pero Wala.

"Cheese burger w/ fries at Iced tea nalang saakin" Nakatitig parin ako sakanya baka sakali mahanap niya rin mata ko. Naramdaman niya ata titig ko kaya mas Namula pisnge niya saka na tumayo

"Coming right up, madam" Nag-bow pa siyang konti saka umalis na natatawa sa sarili niya. Kahit ako natawa sakanya.

Nandito kami sa may dulo kaya di ko rin siya Makita dito. Napatingin nalang ako sa mga tao sa labas.

*Jax's P.O.V*

Nakakahiya talaga kanina. Kasalukuyan nandito ako nakapila sa isang fast food chain. Di naman sa Wala akong ka-experience experience so ganitong bagay pero parang ganun na nga.

Kung hanggang ngayon manhid kayo at di niyo parin namalayan, gusto ko si Aly, tagal na. Love at first sight ika nga nila.

Fvck, nakakabakla.

Basta kanina nakakahiya talaga sakanya. Ayoko maging first impression niya saakin at rich kid na spoiled na mayabang na walang Alam sa simpleng buhay na walang alam sa fast food chains.

Maniwala man o hinde. Hinde ako ganun

Mabait at gwapo lang ako.

Di Rin naman ako gaano matalino.

The Return Of The Wife {Book 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon