*Calla's P.O.V*Dalawang Linggo na ang nakalipas simula nang painting session namin. Sakalukuyan nagbibihis ako para sa naudlot naming lakad ni Ivan. 2 days ago, nagpaalam ako kay Ash, una di siya pumayag pero narealize niya ata na di niya ako pagmamay-ari. Simula nun nakuha ko yung cold and silent treatment.
Ganyan naman yan simula nung nakita ko siya ulit.
Ayoko naman magmukhang excited kaya nagcasual lang ako. White shirt at black ripped jeans.
Honestly, excited talaga ako. I think I just wanted to know Ivan more.
Kinuha ko na yung sling bag ko at bumaba. Natagpuan ko siya nanonood ng tv. Naramdaman niya ata na nandito na ako kaya lumingon siya pero wala naman sinabi.
"Alis na po ako" Tumango lang siya at binalik yung atensyon niya sa tv. Lumabas na ako papunta sa gate at may nakita akong naka-abang na parang pedicab pero pang-mayaman na pedicab. Parang golf cart.
Sumakay agad ako sa likod nun at pinaandar na ng driver yung kotse. Sa paglakbay namin, hindi ko mapigilan isipin 2 weeks ago.
No Calla! No!
Isipin mo nalang kung ano mangyayari sa mga oras na kasama mo si Ivan. Siguro mag-geget-to-know each other peg namin. Siguro hindi mawawala ang mga malupet niyang banat sa usapan namin. Napangiti naman ako sa inisip ko.
"Ma'am, dito na po tayo" Walang tayo! De charot!
"Sige po. Salamat ho." Bumaba na ako at nandito na kami sa main gate. Binati ko yung gwardya at tumango at ngumiti lang siya saakin.
***
Meeting place namin ay sa isang mall. Pinili ko tong lugar na toh kase syempre madaming tao. Mahirap na at di ko pa masyado kilala si Ivan pero ramdam ko naman mabait siya.
Tinext niya ako nasa isang unfamiliar restaurant na daw siya. Ginamit ko yung guide tv screen para hanapin yung restaurant na yun na naka-locate sa 2nd floor.
Na-realize kong Italian restaurant pala siya nang naka-ramdam ako ng Italian aura. Don't ask. I know auras.
"Good morning ma'am. May reservations po sila?" Bati saakin na mukhang mabait na waitress.
"Sir Lessandro po" Agad niya ako ni-lead sa may dulo. Nakita ko kaagad siya na nakatalikod saakin. Unlike nung una namin pagkikita, naka-casual siya ngayon. Typical gray shirt and denim pants. Natawa ako nang marealize kong parehas kaming naka black vans.
Nang nasa table niya na kami iniwanan muna kami Ng waitress para tumingin sa menu.
Hinalikan niya yung likod Ng kamay ko dahilan kung bakit natawa ako ulit ng mahina.
"Matagal ka ba naghintay?" Tanong ko ng umupo na kami.
"Nah" He said with his signature smile.
"Sorry I had to cancel our plans last minute" Paumanhin ko referring from two weeks ago.
"It's fine, really. At least solong-solo kita ngayon" Napatawa nanaman ako ulit sa attempt niya mag Tagalog. Napa-iling nalang ako sa sinabi niya.
Nag-order na kami ng mga pagkain namin. Mga pasta at sandwiches lang sila pero ang arte ng pangalan. Halatang mahal dito.
"Bakit dito pinili mo? Ang mahal" Halos pabulong ko na tinanong, yung menu tinatakpan ang bibig ko.
Tumawa ng lang siya, "I trust this place"
Tumango lang ako, not knowing what he meant.
"So.. you like pastas?" He asked, breaking the awkward silence.
"Ah oo, pero mas gusto ko kanin. Kase, ganun talaga Ang mga Pinoy" Ngumiti lang siya ulit
"You never fail to amuse me" Kumunot noo ko sa sinabi niya "Girls prefer salad yet you prefer rice?"
"Anything wrong with that?" Mabilis siyang umiling
"I meant it in a good way" Alam ko naman Yun
"I know" Napatawa naman ako sa itsura niya. Mukha siyang nabawasan ng pogi points.
"Thank you for agreeing to this. I know that we met just weeks ago and I honestly don't know if I'm going fast or slow but I hope I'm not pressuring you"
"No, I actually enjoyed your company, really"
***
Eleven na ng Gabi ng makauwi ako. Walang ilaw yung buong bahay kaya akala ko tulog na siya.
Paakyat na sana ako sa hagdan nag biglang bumukas yung ilaw. Nadun siya naka-upo sa may Sala at hawak hawak ang remote control ng mga ilaw.
"What time is it?" Tanong niya pero di nakatingin saakin.
"11.. ata"
"Uwi ba yan ng matinong babae?" Sasagot na sana ako agad kaso inunahan niya ko "Anyways hindi ako naghintay dito para pagalitan ka, ano ako? Asawa mo?" Tumawa siya ng mapait at ubod ng sarcasm.
"I have a business proposal to make Ms. Romero and it involves your surname" Ngayon nakatayo na siya at papalapit na saakin. Dun lang ako nakatayo sa may pinto
Nang makalapit na siya, kinulong niya ako gamit ang mga braso niya. Yung light brown niyang Mata Nakatitig saakin. Yung minty breathe niya...
Gulp
"Be my wife"
3 words 8 letters
Isa lang masasabi ko sa mga salita sinabi niyaDéjà Vu?
_____________________
Sorry po dahil late. Masyado lang po busy sa school. Ang daming projects ai :<
Pero Sana maenjoy niyo tong chapter 😘😍
-MissImpossibleAgentx
BINABASA MO ANG
The Return Of The Wife {Book 2}
RomanceMarried To A Mafia Boss {Book 2} P.S. Read Book 1 first or else you will have some confusion in this story -Miss A