Chapter 26
Hi guys. Sana binabasa niyo pa rin eto. Ilang chapters nalang matitira dito at matatapos na din. Thank you sa lahat ng nagbabasa eto. Hindi ako makakagawa ng kwentong eto kung hindi ara sa inyo.
***************************
Ara's POV
Ilang araw na din matapos yung pagpropose ni Jeron kay Mika at ako balik trabaho na at busy dito sa restaurant. Habang ang anak ko nandun muna sa mga grandparents niya in other words nandun siya sa mga Torres dahil namiss din nila eto at gusto din makabonding ng kanyang ama. Kung sa status naman namin well okay naman kami pero minsan nag iisip pa din ako kung handa nab a ulit ako na makasama siya. Hindi naman nawawal ang pagmamahal ko sa kanya.
"Hoy babae, lutang ka diyan" nagulat nalang ako ng biglang nagsalita si Mika hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya sa office ko dito sa restaurant.
"Ay nandiyan ka na pala" agad na sagot ko naman.
"Best wala pa ako picture ko lang toh" agad ko naman siyang nakalimutan. Kita mo nga toh engage na nga't lahat wala pa din pinagbago.
"loka loka anong ginagawa mo dito"? tanong ko na din sa kanya at bumalik na sa lamesa ko.
"sasabihin ko lang naman na kung nagpaalam ba si Thomas sayo na lalabas silang boys mamaya" sabi niya sa akin na hindi ko namalayan na may hawak pala na platito na chocolate cake at agad naman sumubo. Hindi ko din alam ang maramdaman ko sa sinabi ni Mika. Alam ko na maraming babae pa din ang may gusto sa kanya kaya hindi mahirap na may lalandi sa kanya. At wala pa naman akong karapatan para pagbawalan pa. Ako naman kasi ang pabebe.
"hindi naman niya kailangan magpaalam, hindi naman kami eh" Sagot ko nalang kay Mika kahit na ayaw ko siya umalis.
"Sabagay kung binigyan mo sana siya ng chance eh hindi n asana mahirap para sayo, best halata naman kasi na mahal mo pa so bakit ka pa naghohold back?" balik tanong niya ulit sa akin.
Kaya napaisip nalang ako. Gusto ko siya tawagan at tanungin pero nahihiya na ako.
"Eh ikaw bakit mo pinayagan si Jeron?" tanong ko nalang din sa kanya kasi wala na akong maisip pa.
"Kasi ako may pinaghahawakan at alam ko na mahal niya ako lalo na't may singsing na sa daliri ko at alam ko behave yun kung gusto niya matuloy ang kasal namin." Mahabang litanya niya naman. Sabagay may point naman siya kasi sa kanya si Jeron pero ako walang pinaghahawakan kaya kahit maglandi siya dun wala akong karapatang magselos.
"Best wala naman akong karapatan na pigilan siya sa mga gusto niyang gawin eh" sagot ko sa kanya at habang inaayos yung file dito sa table ko.
"Ara, tumingin ka nga sa akin" agad naman ako nag angat ng ulo at tumingin diretso sa mata niya. Agad din naman niyang hinawakan ang kamay ko.
"May karapatan ka, kasi siya ang tatay ng anak mo at may responsibilidad siya dun, ikaw alam ko naman kung gaano mo siya kamahal kaya may karapatan ka talaga" sabi niya sa akin kaya napaluha nalang ako.
"Eh anu ang gagawin ko best"
"Call him and talk things over para magkaliwanagan kayo." Kaya napaisip naman ako
"Oh siya alis na ako may aayusin pa ako para sa kasal namin ni Jeron" agad naman siyang tumayo at lumabas ng office ko.
Agad ko naman kinuha ang phone ko pero tawagan ko muna ang prinsesa ko bago ko tawagan si Thomas.
BINABASA MO ANG
The News (Thomara fanfiction)
FanfictionWhat if yung taong pinakahihintay po ay magpapakasal na? Anong gagawin mo? Would you give up that easily? Copyrights 2015. All Rights Reserved.