PROLOGUE
Cali,
I'm sorry kung nasaktan man kita pero hindi ko na kayang pakisamahan ka. Hindi naman talaga totoong mahal, eh. Sinabi ko lang 'yon kasi may pera ka at nasisiguro ko na ang maganda kong kinabukasan sa 'yo. Pero nagkamali ako, hindi sapat ang pera, hindi talaga kita kayang mahalin. Ayoko na. Nasasakal ako kapag kasama kita. Ayoko sa 'yo. Nandidiri ako sa 'yo. Pinipilit ko lang ang sarili ko na ngitian ka araw-araw.
Cali, sana maintindihan mo na iba ang mahal ko. Hindi ikaw 'yon kundi si Fredd, ang aking kababata na ngayon ay kasintahan ko na. Itinago ko sa 'yo ang relasyon namin. Oo, niloko kita. Hindi kita kayang mahalin kahit anong pilit ko. Kaya naman umalis ako nang walang paalam maliban na lang sa sulat na 'to.
Kung binabasa mo ngayon ang sulat ko, kasama ko na ngayon si Fredd sa probinsiya at masaya kami. Huwag mo na akong hanapin, Cali, kasi kahit kailan ay hinding-hindi ako magiging masaya sa piling mo. Sana hayaan mo akong maging masaya sa piling ng lalaking mahal ko. Paalam.
— Annette
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 12: Cali Sudalga
General FictionCali Sudalga got everything. Limited edition luxury cars. Wealth. Money. Yachts. And a very huge mansion that anyone would dream of. Women will do everything to get his attention or even just a minute of his precious time. But no woman had ever succ...