CHAPTER 4

1.7M 35.5K 6.1K
                                    

CHAPTER 4

NAGISING si Annette sa isang estrangherong kuwarto. Kinakabahan siyang napabalikwas sa malambot na kama, saka inilibot ang tingin sa buong paligid.

Nasaan ako?

Umalis siya sa kama at muntik nang madapa nang masagi niya ang backpack na nasa sahig.

As she looked at the backpack, a memory came crashing back for the last few hours. Nakahinga siya nang maluwang nang maalala kung nasaan siya. Nasa penthouse pala siya ngayon ni Cali Sudalga at katulong siya nito.

Pero bakit siya nasa kama? Ang huli niyang naaalala ay nakatulog siya sa sofa.

Binuhat ba siya ni Cali at pinahiga sa kama? Her heart skipped a beat at that. Pero agad niyang sinaway ang sarili. No. Baka nakalimutan niya lang na pumasok pala siya sa kuwarto at doon nahiga.

Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon sa sarili. Tama.

Pinulot niya ang backpack niya, saka inilagay iyon sa closet. Pagkatapos ay humarap muna siya sa salamin at sinuri kung disente ba siyang tingnan bago lumabas ng kuwarto.

Napakagat-labi si Annette nang makarating siya sa sala. The whole penthouse was very silent and very dark. Wala siyang marinig na kahit anong tunog at wala siyang makita. It was creeping her out! Kaya naman mabilis siyang pumihit pabalik sa direksiyon ng kuwarto niya at natatakot na tumakbo.

Pero bago pa siya makarating sa kuwarto, dahil sa kadiliman, bumunggo siya sa isang bulto at nakaramdam siya ng malamig na likido na kumalat sa dibdib niya.

"Fuck!"

Napakurap-kurap si Annette nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na 'yon. Agad na nawala ang takot na kanina lang ay nararamdaman niya dahil lang narinig niya ang boses ni Cali.

"Sir Cali?" Hindi niya ito makita dahil madilim. Kumunot ang noo niya nang makarinig ng mga yabag habang sinusubukan pa ring makakita sa dilim. "Sir Cali—"

The light went on.

Nakahinga siya nang maluwang. Salamat naman maliwanag na!

"Why the hell are you awake?" sabi ng iritadong boses ng amo niya.

Mabilis siyang tumayo, saka humarap sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo si Cali sa tabi ng light switch at may hawak na baso na halos wala nang laman.

Nagbaba siya ng tingin sa basa niyang dibdib. Ang laman ba niyon ang bumasa sa kanya?

"I'm asking you, Annette, bakit gising ka pa?" Halatang iritado ito.

"Ahm." Tumikhim siya. "Kasi... nagising ako."

"Obviously." May sarkasmo sa boses nito. "Kaya nga nakatayo ka diyan, 'di ba, kasi nagising ka? Ang tanong ko, bakit gising ka?"

"Ahm, kasi, nagising nga ako." Pasimple siyang napangiwi nang makitang pinukol siya nito ng masamang tingin. Mabilis naman niyang dinagdagan ang sinabi. "Ahm, lumabas ako sa kuwarto ko dahil..." Bakit nga ba lumabas siya? "Basta. Lumabas ako, 'tapos ang dilim sa sala kaya tumakbo ako dahil natakot ako, 'tapos nabunggo kita. Pasensiya na, Sir Cali."

Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. "You're still afraid of the dark," bulong nito kaya hindi siya sigurado kung tama ang pagkakarinig niya.

"Pasensiya na talaga, Sir Cali." Pinagsiklop niya ang mga kamay. "Kukunan ko na lang ho kayo ng tubig."

Bumaba ang tingin ng lalaki sa basong hawak at mukhang ngayon lang nito napansin na halos wala na iyong laman. Pagkatapos ay tumingin ito sa kanya. Kapagkuwan ay bumaba ang sa dibdib niyang basa.

POSSESSIVE 12: Cali SudalgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon