CHAPTER 1
INAYOS ni Annette ang medyo nalukot na damit nang makatayo mula sa matagal na pagkakaupo. Kanina pa siya naghihintay para sa interview niya at ngayon lang tinawag ang pangalan niya. Marami kasing aplikanteng gustong maging sekretarya ng may-ari ng Royal Cruise Manufacturing Company, ang kompanyang gumagawa ng mga mamahaling yacht at pinagbibili iyon sa mayayaman sa iba't ibang panig ng mundo.
Huminga siya nang malalim bilang paghahanda sa mga katanungan sa kanya. Ito na ang ikalimang interview niya at ang apat na dumaan ay puro bagsak siya sa kadahilanang wala siyang dalang patunay na nakapagtapos siya ng pag-aaral.
Sana naman iba ang kalabasan ng isang 'to.
Ipapakita niya sa CEO ng Royal Cruise Manufacturing Company na karapat-dapat siyang maging sekretarya nito kahit wala siyang maipakitang diploma o transcript of records.
She needed this job desperately. Halos anim na buwan na siyang walang trabaho at wala na rin siyang pera. Naubos na ang iniwan sa kanya ng kanyang pumanaw na lola. Kailangan niya ng mapagkakakitaan para pambayad sa tubig, ilaw at pambili rin ng pagkain.
Kapag hindi niya nakuha ang trabahong 'to, tiyak na sa basura siya pupulutin. Imahinasyon pa lang niya na magiging palaboy siya ay kinikilabutan na siya. Sana naman ay matanggap siya.
"Miss Annette Roan." Iyon ang pangalawang beses na tinawag ang pangalan niya.
"I'm here," sabi niya na taas-noong nakatayo.
Bahagyang binuksan ng babae ang pinto ng CEO's office, saka iminuwestra doon ang kamay. "Mr. Sudalga is waiting for you."
Napalunok si Annette. Kapagkuwan ay huminga siya nang malalim bago naglakad papasok sa pinto.
Nabawasan nang kaunti ang kabang nararamdaman niya nang makita ang isang set ng sofa at isang curving table na hula niya ay mesa ng sekretarya ng CEO dahil sa malapad na computer monitor, dalawang filing cabinet. Sa likod niyon ay maraming papeles sa ibabaw ng mesa. Mukhang hindi iyon ang opisina ng CEO kundi nandoon pa sa isang pinto.
Pasimple niyang pinahid ang pawis sa noo, saka ikinuyom ang kamay na nanlalamig sa kaba. Palagi itong nangyayari sa kanya kapag interview niya. Para siyang mahihimatay sa nerbiyos. Kaya nga mas gusto niyang magnegosyo na lang pero hindi sapat ang sari-sari store niya na malapit na ring malugi para mabuhay siya.
She needed to work to live.
"Relax. Mr. Sudalga won't hurt you," sabi ng babae na may bahid na ngiti sa mga labi. Tumigil ito sa paglalakad nang makarating sila sa pinto ng personal na opisina ni Mr. Sudalga. "He's waiting for you. Pumasok ka na."
Tumango si Annette. "Okay."
"And a tip..." Hinawakan ng babae ang balikat niya, saka bumulong sa tainga niya. "Be confident. Kapag nakita ka niyang kinakabahan, denied agad ang application mo."
Paulit-ulit siyang tumango. "Noted."
"Sige na." The woman smiled at her. "Pumasok ka na."
"Yes, Ma'am," pormal niyang sabi, saka dahan-dahang naglakad papasok sa personal na opisina ni Mr. Sudalga. Humugot siya ng malalim na hininga, saka nilakasan ang loob.
Kaya ko 'to. Kayang-kaya ko 'to.
Mas nadoble ang kabang nararamdaman ni Annette nang makita si Mr. Sudalga na abala sa nakatambak na papeles sa ibabaw ng mesa nito. Abala ito sa pagbabasa at pagpirma ng mga papeles na hindi man lang nito namalayang may tao sa loob ng opisina.
Kaya naman tumikhim siya. "Good morning, Sir," sabi niya.
Mabilis naman itong nag-angat ng tingin at parang nakakita ng multo nang matitigan ang mukha niya. Umawang ang mga labi nito at bahagyang namilog ang mga mata habang hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 12: Cali Sudalga
General FictionCali Sudalga got everything. Limited edition luxury cars. Wealth. Money. Yachts. And a very huge mansion that anyone would dream of. Women will do everything to get his attention or even just a minute of his precious time. But no woman had ever succ...