CHAPTER 14
ANNETTE woke up, gasping for air. Nang maging malinaw ang mga mata niya sa mga bagay na nakapaligid sa kanya, na-realize niyang nasa ospital siya. Naaamoy kasi niya ang pamilyar na amoy ng gamot sa ospital.
Pero ano ang ginagawa niya roon?
Sa katanungang 'yon, bumalik sa isipan niya ang nangyari sa kusina, sa penthouse ni Cali... no, hindi niya pala 'yon penthouse.
Kasabay ng pagbalik ng alaala niya sa nangyari sa penthouse, bumalik din ang sakit na nararamdaman ng puso niya.
"You okay?"
Napaigtad si Annette sa boses na 'yon at sa pinanggalingan niyon tumuon ang mga mata niya. "Doc Blaze?"
He smiled. "You okay?" ulit nitong tanong.
Umiling siya. "Hindi ko alam." Bumangon siya at umupo sa kama. "Okay lang ba ako, Doc? Bakit palagi akong nawawalan ng malay?"
Lumapit sa kanya si Blaze na nakaupo sa sofa at umupo sa gilid ng kama niya, saka pinakatitigan siya. "You're not okay. Truth to be told, you should be taken care of. Sa estado ngayon ng utak mo, kailangang may nag-aalaga sa 'yo. Slowly, your mind is retrieving those memories that you have forgotten. At paminsan-minsan talaga, magkakaroon ka ng block out at magpa-pass out ka, anytime, anywhere. Kaya kailangang may mag-alaga sa 'yo. Thanks God, Cali is there."
The mention of Cali's name made her heart clench in pain. "Puwede na ba akong umuwi?" tanong niya kapagkuwan.
"Of course. Wala namang IV na nakalabit sa 'yo, eh," sabi ni Blaze, saka ginulo ang buhok niya. "Just take care, okay?"
Tumango si Annette. "Okay."
"Anyway..." Tumayo na ito at namulsa. "Lalabas na ako. Mukhang kanina ka pa gustong makausap ni Cali so I'm out."
Tumango siya pero ang gustong niyang gawin ay umiling para matakasan si Cali. Ayaw niya itong makita. Ayaw niya itong makausap. May mga sinasabi itong hindi niya matanggap. Hindi puwede ang sinasabi nito. She could never accept it. Ayaw niya itong kamuhian dahil lang sa ito raw ang asawa niya.
Annette's heart instantly sunk in denial when she saw Cali entered the room.
"Annette."
Hindi siya tumingin dito, niyakap niya lang ang sarili. "Ano'ng kailangan mo?"
"We need to talk."
Tumango siya, hindi pa rin tumitingin dito. "Okay."
Naramdaman niyang naglakad ito palapit sa kanya at tumigil sa gilid ng kama niya.
"Ano'ng ginawa ko sa 'yo? Tell me in details," sabi niya sa nangungusap na boses.
"I don't like to take a trip down to memory lane." Napakalamig ng boses ni Cali. "Kung naaalala mo kanina ang mga sinabi ko, 'yon na 'yon."
Tumingin din siya rito sa wakas. "Just answer, please?"
His eyes instantly became distant. "Sinagot na kita."
"Cali, naman—"
"Sinagot na nga kita, 'di ba?!" Biglang naging iritado ang boses nito. "Ayoko nang maalala ang mga ginawa mo sa 'kin no'n at baka kung ano'ng magawa ko sa 'yo."
Irritation filled her. "Madali lang naman ang tanong ko, 'di ba?"
Cali looked at her and chuckled humorlessly. "Madali?" Umiling ito. "Walang madali when it comes to you. Lahat mahirap. Kasi hindi ko alam kung wala ka ba talagang maalala o kung nagpapanggap ka lang. You're good at it. You know, pretending."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 12: Cali Sudalga
General FictionCali Sudalga got everything. Limited edition luxury cars. Wealth. Money. Yachts. And a very huge mansion that anyone would dream of. Women will do everything to get his attention or even just a minute of his precious time. But no woman had ever succ...