CHAPTER 21
"CALI, okay lang ako." Ilang ulit na 'yong sinabi ni Annette sa asawa na panay ang alalay sa kanya habang naglalakad siya patungo sa pinto ng bahay nito. "Really, Cali, I'm perfectly fine."
"Let me take care of you," sabi ni Cali.
At mukhang hindi pa nakontento ang asawa, pinangko siya nito at binuhat patungo sa pinto ng bahay.
"Cali!" Natatawang tinampal niya ito sa dibdib. "Ibaba mo nga ako. Kaya ko ang sarili ko."
"Just let me do this, sweetheart," sabi ni Cali, saka hinalikan siya sa pisngi at nagpatuloy sa paglalakad.
Napailing-iling na lang si Annette. Mula kagabi nang magising siya mula sa pagpapahinga, may naging extra sweet ito sa kanya.
At mula nang maalala niya lahat ng nawawalang memorya, parang nabuo na ang pagkatao niya. She felt whole and complete. And happy. Lalo na't ramdam na ramdam niya ang pagmamahal sa kanya ng asawa.
Cali never stopped taking care of her since last night. He was caring, he was sweet and he was loving. Just like the Cali she married years ago.
"Open the door, sweetheart," sabi ni Cali sa kanya.
Nangingiting pinihit niya pabukas ang pinto na hindi naka-lock, saka malakas na itinulak iyon pabukas.
Nakangiting pumasok si Cali sa kabahayan na sa sala lang ang nakabukas ang ilaw kaya medyo may kadiliman ang paligid.
"Hanggang ngayon, hindi ka pa rin mahilig mag-lock ng pinto," sabi niya sa asawa, saka pinanggigilan ang ilong nito.
"Safe naman dito sa village."
"Hmm-mm," sang-ayon niya.
Safe nga roon sa Bachelor's Village. Masyadong mahigpit ang seguridad dahil halos mayayaman lahat ng nakatira.
"Ibaba mo na ako," sabi niya.
Tumango si Cali at ibinaba siya. Akmang hahalikan siya nito nang biglang umilaw ang buong kabahayan dahilan para pareho silang magulat.
"What the fu—"
"Surprise!" sigaw ng pinaghalong mga boses ng lalaki at boses ng babae.
Napamulagat na nagkatinginan sila ni Cali, saka sabay silang napatingin sa dereksiyon ng pinanggalingan ng mga boses.
Napuno ng kasiyahan ang puso niya nang makita ang mga kaibigan ni Cali na naging kaibigan na rin niya noon kasama ang mga asawa nito.
"Hey, lunatic," sabi ni Thorn na nakangiti at may dalang bulaklak, saka ibinigay iyon sa kanya. "For you, my lady. My apologies for my rude behavior towards you."
Natawa na lang si Annette nang si Cali ang tumanggap ng bulaklak at itinapon 'yon sa may pang-isahang sofa. "No flowers." Pinandilatan nito si Thorn. "She's my wife. Ako lang ang puwedeng magbigay sa kanya ng bulaklak."
Sa sinabing iyon ni Cali, lahat ng lalaking naroon ay sabay-sabay na naglabas ng tig-iisang tangkay ng tulips, saka iniabot ang mga 'yon sa kanya.
"Welcome back to the Possessive Men's Club, my man," sabi ni Tyron. Ang bulaklak nito ang una niyang tinanggap.
Si Lysander naman ay nagbigay ng cupcake kay Cali. "Welcome back to Lunatic's Club, my man."
"I'm no lunatic anymore, lunatics," sagot ni Cali na ngingiti-ngiti. Tinanggap nito ang cupcake at kinagatan iyon. "This tastes good. Thanks, buddy."
Mahinang natawa si Annette. Oo nga pala. May dalawang club ang Bachelor's Village. Ang Possessive Men's club na Club ng mga may mga asawa na raw o kaya naman 'yong mag-aasawa pa lang at ang Lunatic's club—ang club ng mga single at walang love life.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 12: Cali Sudalga
General FictionCali Sudalga got everything. Limited edition luxury cars. Wealth. Money. Yachts. And a very huge mansion that anyone would dream of. Women will do everything to get his attention or even just a minute of his precious time. But no woman had ever succ...