CHAPTER 5

1.8M 35.7K 12.9K
                                    

CHAPTER 5

HINDI PA RIN mawala sa isip ni Annette ang panaginip niya. She could still recall every details. She could still feel Cali's lips on hers. At hindi siya mapakali dahil do'n. Hindi siya makapag-focus dahil iyon palagi ang laman ng isip niya at nadi-distract siya.

Good God. Ano ba ang nangyayari sa 'kin?

"Tapos na?"

Napaigtad siya at nabitawan ang sandwich na hawak. 'Buti na lang sa pinggan din iyon nahulog. Pilit siyang ngumiti, saka humarap kay Cali. Iniabot niya rito ang lunch box na may lamang apat na longganisa sandwich. "Heto na."

Tinanggap nito ang lunch box, saka tumango. "Alis na ako."

Tumango lang siya, saka tinalikuran ang lalaki. Napakalakas ng tibok ng puso niya at hindi niya iyon mapakalma.

Narinig niya ang papalayong mga yabag ni Cali at ang pagbukas at pagsara ng pinto. Doon lang siya nakahinga nang maluwang at doon lang din bumalik sa normal na pagtibok ang puso niya.

Marahan niyang minasahe ang dibdib kung nasaan ang puso niya. "Bakit ba ganoon ang epekto sa akin ni Cali? I just met him for Christ's sake!"

Bumuga si Annette ng marahas na hininga, saka nilinis ang kusina bago nag-vacuum sa sala. Pagkatapos gamit ang feather duster, pinagpag niya ang mga dividers, figurines, furniture at paintings. Nang matapos siya, ang kuwarto naman niya ang nilinis at isinunod niya ang mga banyo.

Nang matapos ay napatingala siya sa hagdanan patungong second floor.

"Kung may kailangan ka sa itaas at wala ako rito, don't you dare go up or I will fire you."

Inalis niya ang tingin sa hagdanan, saka natungo na lang sa kuwarto niya para maligo. Pagkatapos ay magla-lunch na siya. Dahil sa paglilinis ay nalipasan na siya ng gutom at wala na siyang ganang kumain.

Nang makapasok sa banyo, natigilan siya nang makitang walang shampoo. Shit! Kailangan pa niyang bumili. Hindi pa naman niya alam ang pasikot-sikot sa lugar na 'to.

Oh, well... bahala na.

Akmang lalabas na si Annette ng penthouse nang maalala niya ang sinabi ni Cali na puwede siyang tumawag sa front desk para ipabili ang gusto niya sa mini grocery store sa ibaba.

Napangiti siya sa tuwa. Yes! Hindi ko na kailangan pang bumaba.

Mabilis niyang nilapitan ang telepono, saka tinawagan ang numerong 111. Dalawang beses iyong nag-ring bago may sumagot.

"Good afternoon, this is Cathy. How may I help you?"

"Ahm, puwede bang magpabili ng shampoo sa mini grocery store n'yo?"

"Sino po sila at anong condo unit?"

"Sa top floor, sa penthouse ni Mr. Cali Sudalga."

Ilang segundong natahimik ang kabilang linya. "Sino ho sila?"

"Ahm, ako ang PA niya—"

"Ikaw na lang ang bumili ng shampoo sa ibaba. Tanging mga may-ari lang ng unit ang puwedeng magpasuyo sa amin. Good day."

Napatanga si Annette sa telepono nang bagsakan siya ng nasa kabilang linya. Napasimagot siya. "Ang bastos naman ng babaeng 'yon."

Tinatamad man at kinakabahan dahil hindi niya alam ang pasikot-sikot, lumabas siya ng penthouse dala ang natitirang pera niya, saka bumaba gamit ang elevator.

Hindi naman pala niya kailangang kabahan. Madali niyang nahanap ang grocery, saka madali siyang nakabili ng shampoo. Pagbalik niya sa penthouse, natigilan siya sa may pinto nang pihitin niya iyon pabukas pero hindi niya mabuksan.

POSSESSIVE 12: Cali SudalgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon