CHAPTER 24
ABOT-ABOT ang kaba ni Annette habang yakap ang sarili na nakaupo sa passenger seat. Ang isang kamay ni Khatya ay may hawak sa manibela. Ang isa naman ay may hawak na baril na nakatutok sa kanya.
Paminsan-minsan ay nanghihina na siya. Medyo marami-rami na rin kasi ang dugong nawala sa kanya dahil sa pagbaril sa kanya ni Khatya sa braso. Pero nilalabanan niya ang sakit dahil kailangan siya ng anak niya. Hindi siya puwedeng matulog. Baka ano ang gawin sa kanya ni Khatya at sa anak niya.
Hindi na siya papayag na mawalan siya uli ng anak. Hindi sa pangalawang pagkakataon! At dahil sa iisang taong lang!
"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong niya kay Khatya.
"Sa lugar kung saan hindi ka masusundan ni Cali." Malademonyo itong ngumisi. "At kapag wala ka na, mamumuhay na kami nang masaya ni Cali. O, 'di ba, ang ganda ng plano ko na binulilyaso lang ng walang kuwentang Fredd na 'yon. Wala siyang kuwenta! Ang dali ng ipinapagawa ko, pero hindi nagawa. 'Buti nga namatay na siya, eh."
Napamaang siya kay Khatya. "Inutusan mo siyang kunin ako, 'tapos okay lang sa 'yo na mamatay siya?"
"Wala naman siyang kuwenta." Para itong nababaliw na tumawa. "Buti nga 'yon sa kanya."
Mas humigpit ang yakap ni Annette sa sarili. "Binayaran mo ba ang lalaking 'yon na kidnapin ako?"
"Hindi." Mas bumilis pa lalo ang takbo ng sasakyan nila. "Ex-boyfriend ko siya na sunod nang sunod sa 'kin kahit sinabi ko nang si Cali ang gusto ko. Wala naman siyang kuwenta. Si Cali, mabait. Iniligtas niya ang buhay ko kasi mahalaga ako sa kanya. Nang mawala ka ng dalawang taon, masaya kami ni Cali. Hindi lang niya ako masyadong pinapansin kasi busy siya pero alam ko, importante ako sa kanya. 'Tapos dumating ka na naman!" sigaw nito, saka itinutok ang baril sa ulo niya. "Kasalanan mo 'tong lahat! Cali is mine. Mine. Mine! Wala akong pakialam kung kasal kayo! Akin si Cali, akin!"
Mas itinikom ni Annette ang bibig, saka nagdasal na sana hinahanap na siya ni Cali. Kapagkuwan ay nagulat na lang siya nang biglang tumigil si Khatya sa gilid ng kalsada kung saan ang gilid ay bangin na.
Nakangising bumaling ito sa kanya. "Tingnan natin kung hindi ka pa matuluyan dito." Tatawa-tawa ito. "Tiyak, mamamatay ka at mawawala ka na rin sa landas namin."
Kinain siya ng takot at kaba. "Ano'ng ginagawa natin dito?"
"Dito ka mamamatay." Tatawa-tawang lumabas ito ng sasakyan, saka ini-lock ang bawat pinto sa loob para hindi siya makalabas.
"Ano ba!" sigaw niya mula sa loob. "Palabasin mo ako rito, Khatya. Demonyo ka!"
Tumawa lang ito at kumaway sa kanya na parang nagpapaalam, saka sumakay sa nakaparadang isa pang kotse na naroon.
"Ano'ng balak niyang gawin?" nanginginig ang boses na tanong niya sa sarili habang sinusubukan ang lahat ng pinto na buksan pero hindi niya magawa.
Wala talaga. The window wouldn't even budge.
Annette was panicking. She was sweating bullets and she was trembling in fear.
Nang makita niyang mabilis na pinausad ni Khatya ang sasakyan para tamaan ang kotseng sinasakyan niya at mahulog siya sa bangin, malakas siyang napasigaw sa takot.
"No! No!" Umiiyak siya habang nanginginig ang buo niyang katawan. "No... ang anak ko." Hinimas niya ang tiyan. "Hindi. Hindi puwede. Cali! Cali!"
Sa pangalawang pagkakataon, binunggo siya ni Khatya at ramdam niya ang pagtagilid ng sasakyan.
"No!" sigaw niya habang pinagbababayo ang bintana ng sasakyan. Nagmamalisbis ang luha niya sa pinaghalong takot para sa sarili at takot para sa anak niya. "Huwag please..." Nagmamakaawa siyang nakatingin kay Khatya na nasa loob ng sasakyan nito. "Please... please... huwag mong gawin sa 'kin 'to... please..."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 12: Cali Sudalga
General FictionCali Sudalga got everything. Limited edition luxury cars. Wealth. Money. Yachts. And a very huge mansion that anyone would dream of. Women will do everything to get his attention or even just a minute of his precious time. But no woman had ever succ...