CHAPTER 6
THE WHOLE DINNER, Annette was silent. Ganoon din si Cali na nahuhuli niyang pasulyap-sulyap sa kanya. Ibinigay niya ang lahat ng atensiyon sa kinakain pero hindi naman niya magawa. Sumisingit na sumisingit sa isipan niya ang mga sinabi ng lalaki kanina.
"Wine, Sir?" sabi ng boses ng waiter.
Tiningala niya ang waiter. "Do you have something hard? Like... whiskey? Tequila? Vodka?"
"Mayroon po, Ma'am." Bumaling ito kay Cali. "Sir?"
Mataman siyang tinitigan ni Cali bago nagsalita. "Tequila for her. Whiskey for me."
"Is that all, Sir?"
"Make it one bottle of tequila," dagdag niya.
"Yes, Ma'am."
Nang mawala ang waiter, pinukol siya ng masamang tingin ni Cali. "Maglalasing ka ba?"
"Hindi," kaila niya. "Iinom lang."
Alak palagi ang takbuhan niya noon kapag masama ang loob niya o kung nasasaktan siya. Liquor had always had the power to numb her feelings... to make her forget why her heart was aching. Kaya ngayon ay umaasa siyang sa pamamagitan ng tequila ay makalimutan niya ang mga sinabi ng lalaki na malaki ang epekto sa kanya.
"Drink moderately," paalala sa kanya ni Cali. "Hindi maganda ang alak sa kalusugan mo."
Hindi umimik si Annette at hinintay ang alak na in-order. Hindi nagtagal ang paghihintay niya dahil bumalik agad ang waiter na may dalang isang shot ng whiskey, saka isang bote ng tequila at shot glass.
"Here's your order, Ma'am, Sir." Inilapag ng waiter ang in-order nila sa mesa, saka binuksan ang bote ng tequila at sinalinan siya sa wine glass.
"Punuin mo," sabi niya nang kinalahati lang nito ang pagsalin ng alak sa kopita.
Nagulat man, agad na tumalima ang waiter. "Yes, Ma'am." Pagkatapos siya nitong salinan, nagpaalam na ito sa kanila.
Annette picked up the glass and drank the tequila. Bottoms up. Halos malukot ang mukha niya nang maramdaman ang init na hatid ng alak. Mula sa lalamunan niya pababa sa kanyang tiyan. She could feel her body getting hot. Pagkatapos ay nagsalin agad siya ng panibago at pinuno ang baso.
"Annette!" Cali hissed at her.
Hindi niya pinansin si Cali. Agad niyang ininom ang isang basong tequila. Bottoms up again. Sinalinan uli niya ang baso, saka mabilis na ininom 'yon. Hindi niya uli pinakinggan si Cali na panay ang pigil sa kanya. Halos kalahati na ng isang bote ng tequila ang nainom niya at nararamdaman na niyang umiikot ang kanyang paningin.
Annette drank again, straight from the bottle this time. She could feel her body burning inside. She liked it. She liked it that her body was starting to feel numb.
"You don't belong in Cali's life."
Hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya sa mga sinabi ng lalaking 'yon. Parang may pumipilipit sa puso niya.
"You are a lying conniving bitch." Was she? Ganoon ba talaga siya noon?
"You don't belong here". Kailan ba niya naramdamang nararapat siya sa isang lugar? Hindi pa. Kailan man ay hindi niya naramdaman 'yon. Kahit sa barong-barong niyang bahay na iniwan sa kanya ng lola niya.
Uminom na naman si Annette, saka inilapat ang noo sa bote ng alak na hawak habang ang isip niya ay bumabalik sa mga sinabi ng lalaking 'yon. 'Yong galit sa mga mata nito, 'yong poot, ramdam niya.
Sinabunutan niya ang sarili gamit ang isang kamay habang ang isip ay bumabalik sa una nilang pagkikita ni Cali. Ang galit sa mga mata nito. Ang mga salitang binitawan nito. Ang mga panunumbat. And then that man, like Cali, he seemed to know her too. And it seemed they shared the same anger towards her.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 12: Cali Sudalga
General FictionCali Sudalga got everything. Limited edition luxury cars. Wealth. Money. Yachts. And a very huge mansion that anyone would dream of. Women will do everything to get his attention or even just a minute of his precious time. But no woman had ever succ...