CHAPTER 9

1.7M 36.8K 8.2K
                                    

CHAPTER 9

ANG SABI ni Cali, magla-lunch lang sila sa labas. Kaya naman laking gulat ni Annette nang sa mall siya nito dalhin pagkatapos nilang kumain at binilhan siya ng kung ano-anong gamit. Mula sa damit hanggang sa sapatos at accesories. Panay ang pigil niya rito pero wala siyang magawa.

He knew her body size like it was the back of his hand. Panay ang tanong niya kung paano nito nalaman pero ngiti lang palagi ang sagot nito.

And because of their buying spree, they consumed half of the afternoon. Hindi na sila nakabalik sa opisina nito. Deretso na silang umuwi sa penthouse.

"Nakakapagod maglakad," komento niya ng makaupo siya sa gilid ng kama.

Si Cali naman ay inilalagay sa closet niya ang mga pinamiling damit. "Para namang hindi ka sanay mag-malling." May bahid na ngiti ang boses nito.

"Hindi talaga," nanghahaba ang ngusong sabi niya habang hinihilot ang paa. "Malayo ang mall sa probinsiya namin. Kailangan pang sumakay ng bus makapunta lang do'n. At pumunta man ako, wala naman akong perang pambili. Kulang ang pera ni Lola, 'tapos nakokonsiyensiya naman ako kasi ako na ang umubos sa pera niya."

Isinara ni Cali ang pinto ng closet, saka paharap sa kanya na umupo sa gilid ng kama. Mataman siya nitong tinitigan na parang inaarok ang laman ng isip niya. "May lola ka pala?" kapagkuwan ay sabi nito.

Tumango siya at gumuhit ang malungkot na ngiti sa mga labi niya. "Oo. Kaso wala na siya. Iniwan na ako." Nagbaba siya ng tingin nang manubig ang mga mata niya. "Sorry. Hindi ko lang talaga mapigilang maging emosyonal kapag pinag-uusapan si Lola."

"It's okay." Hinawakan nito ang mukha niya, saka inangat iyon para magtagpo ang mga mata nila. "Umiyak ka lang. You sometimes have to cry in order to be okay and strong again."

Tinuyo ni Annette ang luhang namalisbis sa pisngi niya, saka tipid na nginitian si Cali. "I'm just feeling guilty. She took care of me when I was in the hospital. Naubos ko ang pera niya at naisangla pa niya ang palayan niya nang dahil sa 'kin. At hindi ko man lang 'yon nasuklian. Hindi sapat ang isang taon para masuklian ko ang kabutihan niya sa 'kin."

Confusion was written on Cali's face after she spoke. "Naospital ka? May sakit ka?" May pag-aalala sa boses nito. "Kailan 'yon?"

Humugot siya ng isang malalim na hininga. Tinatanong ang sarili niya kung sasabihin ba niya. Well, hindi naman 'yon sekreto, so she might as well tell him. Iilang tao lang ang pinagsabihan niya ng kanyang kalagayan. Pero kahit ganoon, pakiramdam niya ay mapagkakatiwalaan naman si Cali. Hindi nito itsitsismis sa iba ang kalagayan niya katulad ng mga kapitbahay niya doon sa probinsiya.

"Ahm..." Kinagat niya ang pang-ibabang labi habang nag-iisip ng tamang salita na gagamitin. "Two years ago I got into an accident. Nahulog ang sinasakyan kong kotse sa bangin. Sabi ng mga doktor, himala nga raw na nabuhay ako. Well, the driver didn't survive. They said he died on the spot."

"He?" gagad ni Cali na may halong gulat. "Lalaki ang driver? Sino siya?"

Umiling siya. "I can't remember who he is." Malungkot siyang ngumiti. "Actually, I can't remember anything. Isa't kalahating taon lang ang naalala ko sa buhay ko. It's from the moment I woke up in the hospital after five months of being comatose."

Umawang ang mga labi nito, nakabadha sa mata ang gulat, pag-alala, galit at pagdududa. "Y-you can't be serious."

"Totoo." Tumango-tango pa si Annette para maniwala ang lalaki. "Puwede mong i-check 'yong ospital kung saan ako na-coma. I'm sure my record ako do'n." Walang emosyon siyang tumawa nang mahina. "At bakit naman ako magsisinungaling sa mga ganitong bagay? Sana nga hindi na lang ako naaksidente para hindi ako nakalimot. I felt empty without my memories. I don't even know what I like, what I hate, what I find disgusting. I don't remember at all. Kahit anong pilit ko, wala akong maalala. Kapag pinipilit ko naman, sumasakit ang ulo ko. All I know is my name and my birthday. Nasira kasi ang part ng ID kung saan nakasulat ang address ko. Hindi nga ako sigurado kung lola ko ba talaga si Lola pero para sa 'kin, siya na ang lola ko. Inaruga niya ako, pinakain at binihisan sa mga panahong walang-wala ako, sa mga panahong hindi ko alam ang gagawin ko. Lola gave me hope and purpose. Dahil kay Lola, nagkaroon uli ng saysay ang buhay ko na akala ko nawala kasabay ng pagkawala ng memorya ko. I owe my life and everything to that old lady who treated me so well. Kaya naman nang mamatay siya, ipinangako kong gagawin ko ang mga gusto niyang gawin ko noon. 'Yon ay ang lumabas sa mundong kinamulatan ko ng isa't kalahating taon, ang magtrabaho sa lungsod at bumalik daw sa dating buhay ko."

POSSESSIVE 12: Cali SudalgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon