CHAPTER 15

1.6M 37.8K 8.4K
                                    

CHAPTER 15

"ARE YOU sure na okay ka lang mag-isa?" tanong sa kanya ni Blaze nang maihatid siya nito sa bahay niya sa probinsiya. "May kasama ka ba diyan na mag-aalaga sa 'yo?"

"Ayos lang ako, Doc," sabi niya na may tipid na ngiti sa mga labi. "Saka mayamaya lang, darating na ang kapitbahay slash kaibigan ko, kaya huwag kang mag-alala."

"Are you sure?" Mukha hindi talaga ito nagtitiwala na okay lang siya.

Tumango siya. "Oo nga."

Blaze sighed and messed her hair. "O, siya. Hihintayin ko na dumating ang kaibigan mo bago ako umalis."

"No need." Umiling si Annette. "Saka nakakahiya ang loob ng bahay ko—"

"That's okay." Ginulo uli nito ang buhok niya. "Sa labas lang ako. Promise, you won't know that I'm around so I won't creep you out." Nginitian siya nito. "Sige, pasok ka na."

Ayaw man ni Annette sa gusto nitong gawin ay wala siyang magawa kundi hayaan ito. At mula sa bintana ng barong-barong niyang bahay, umusad ang sasakyan nito patungo sa kadilimang bahagi at pinatay nito ang ilaw ang kotse.

She blinked. Walang ingay siyang marinig kundi ang mga insekto sa gabi. Huminga siya nang malalim at isinara ang bintana, saka pinagpagan ang papag na higaan bago nahiga.

Pabiling-biling siya ng higa, hindi makatulog. Tahimik lang siya sa kadiliman ng bahay niya. At kahit ilang oras na ang nakalipas, hindi pa rin siya dindalaw ng antok. Kaya naman namalayan niya ang pagdating ng kanyang kaibigan at ang tunog ng paaalis na sasakyan.

Mapait siyang napangiti. Blaze seemed worried at kakikilala lang niya rito. Pero si Cali na nagparamdam sa kanya ng kasiyahan, pagmamahal at pag-aaruga ay sinaktan siya.

Bakit ba baliktad na ang mundo ngayon? Kung sino pa ang minahal at pinagkatiwalaan mo, siya pa ang magdudulot sa 'yo ng walang pagsidlang sakit at pait.

At dahil sa alaala kay Cali, tumulo na naman ang luha niya. Mabilis naman niya iyong pinahid gamit ang kumot, saka humugot ng isang malalim na hininga. Dapat sa mga ganoong tao, hindi na binibigyan ng puwang sa isip niya. Dapat ang mga tulad ni Cali, hindi binibigyan ng oras para isipin.

Ipinikit ni Annette ang mga mata para makatulog na. At ang mailap na antok ay lumukob din sa kanya.

And when she finally fell asleep, she started dreaming. Her college life. Her career. When she first met Cali until he proposed to her. Then she started dreaming about their wedding... their honeymoon... their life as a married couple. And then she dreamed of Khatya.

At parang isang ilaw na bigla na lang pinatay, tumigil ang pagdaloy ng memorya sa isip niya. Tumigil iyon nang makita niya ang mukha ni Khatya sa panaginip niya.

Pabalikwas na bumangon si Annette sa kama. Ang mga luha ay namamalisbis sa pisngi niya. Her dreams! It felt so real. Ramdam niya ang bawat emosyong naramdaman niya sa kanyang panaginip. Love. Happiness. And contentment.

Alam niya na hindi lang 'yon basta panaginip. Parte iyon ng memorya niya. Parte iyon ng nakaraang nakalimutan niya!

She could remember! Her first date with Cali. He took her on a yacht and that very night, she gave herself to him. He was her dream guy. Handsome. Charming. Rich. Caring. And loving. A perfect package. A perfect husband material.

Naaalala rin niya ang pag-propose nito sa kanya dalawang buwan mula nang magkakilala sila. It was a whirlwind romance and they fell in love with each other. Everything was perfect. Pareho silang masaya hanggang sa dumating si Khatya sa buhay nila.

POSSESSIVE 12: Cali SudalgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon