CHAPTER 16

1.7M 36.1K 6.3K
                                    

CHAPTER 16

HALATA ang gulat sa mukha ni Shun nang pagbuksan si Cali. Cali knew that he looked worst but he didn't give a shit about that. "Shun... help me."

Shun stared at his swollen eyes then sighed. "What happened?"

"I went to see Annette this morning." Parang kinakatay ang puso niya sa sakit nang maalala ang nangyari kaninang umaga. "Sabi niya nagkaanak daw kami, namatay daw. Premature baby... 'tapos hinintay daw niya ako, 'tapos galit siya sa 'kin kasi hindi ko siya hinanap, kasi hindi ako dumating, kasi naghiganti ako samantalang nagdusa rin naman siya. I felt like a prick. I want to beat myself up. I want to kill myself for hurting my wife. Fuck, Shun." Hindi na niya naitago at napigilan ang panunubig ng mga mata niya. "I don't know what to do anymore. I felt so hopeless. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, ano ang paniniwalaan ko. I don't know. I'm so lost."

Napabuntong-hininga ang kaibigan, saka niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. "Get in," sabi nito. "Dumeretso ka doon sa pool. Doon ka muna. Nasa sala ang mag-ina ko, eh. Ayokong makita ka nilang ganyan. That would give my son a nightmare."

Tumango si Cali at walang buhay na sinunod ang mga sinabi ni Shun. Nagtungo siya sa pool at umupo sa wooden chair na naroon.

Minuto ang lumipas bago sumunod sa kanya si Shun at umupo sa kaharap niyang upuan. May dala itong laptop at cell phone. "I called the gang," sabi nito. "You need them while I work."

Tumango siya. "Magkano ang bayad?"

Napailing-iling si Shun, saka napabuntong-hininga habang nakatingin sa kanya. "Man, I do have a heart you know," sabi nito. "What are friends are for if I let you pay today? You look messed up, buddy."

Isinandal niya ang likod sa upuan at napatitig sa kawalan. "I saw pain in her eyes, Shun. So much pain." Mapakla siyang natawa. "Kaya pala hindi niya matanggap noong sabihin ko sa kanyang ako ang asawa niya, kasi masakit pala ang pinagdaanan niya ng dahil sa 'kin." He looked at Shun, his eyes watering with unshed tears. "Masama ba ako? Masama ba akong asawa, Shun? Don't I deserve to be happy like you and the others?"

Nag-angat ng tingin sa kanya si Shun mula sa pagkakatingin nito sa screen ng laptop. "Cali, we didn't become this happy without experiencing pain. 'Yong sakit na nararamdaman mo, naramdaman na namin 'yan. Just hold on, buddy, we'll fix this, okay? Bago mo kausapin uli si Annette para humingi ng tawad, dapat may sabihin ka sa kanya o may maipakita kang pruweba para patawarin ka niya. And that's what I'm doing. I have to dig dipper about that accident."

"Thanks, Shun."

Shun nodded. "Anytime, buddy, anytime." Ibinalik nito ang atensiyon sa laptop.

Siya naman ay tahimik lang na nakatitig sa kawalan habang paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang mga sinabi ni Annette.

Napaigtad siya sa kinauupuan nang may kamay na tumapik sa balikat niya.

"Hey, cous." Boses iyon ni Thorn.

Cali looked back through his shoulder. "Hey."

"Come," sabi nito.

Kumunot ang noo niya. "Ha?"

"Doon tayo sa bahay mo. Nandoon na si Lysander at 'yong iba. Inuman tayo."

Lihim siyang nagpasalamat sa mga kaibigan niyang kailanman ay hindi siya iniwan sa ere. "Okay."

"Come on," sabi nito, saka tumingin kay Shun. "Punta ka na lang sa bahay ni Cali kapag may balita ka na."

Tumango lang ito pero hindi inialis ang mga mata sa screen ng laptop.

POSSESSIVE 12: Cali SudalgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon