CHAPTER 25

1.8M 34.4K 6.5K
                                    

CHAPTER 25

"OKAY BA SIYA?" tanong ni Cali kay Blaze na siyang doktor ng asawa niya. "Kailan siya magigising? Isang linggo na siyang tulog. Kailan ko siya makakausap? Nag-aalala na ako sa asawa ko, Blaze."

Blaze sighed. "Look, Cali, masyadong delikado ang lagay ni Annette. Himala nga na nakaligtas siya kasama ang anak n'yo." Tumingin ito sa kanya. "I'll be blunt with you, my man. There's a ninety percent chance that she won't remember you. At all. It's like back to zero again. She hit her head severely. Kaya naman ihanda mo na ang sarili mo bago pa siya magising."

Napailing-iling siya. "Hindi niya ako puwedeng kalimutan."

"It's not her choice." Tinapik ni Blaze ang balikat niya. "Kailangan ko nang umalis. Kailan din ako ni Luther, eh."

Tumango si Cali, saka napatitig sa maamong mukha ni Annette na mahimbing na natutulog. Namumutla pa rin ang mukha nito pero hindi na ganoon kaputla. Kahit paano ay nawawala na rin ang mga pasa sa katawan nito. Huminga siya nang malalim, saka hinawakan ang kamay ng asawa at pinisil iyon. "Gumising ka na, mahal ko. Naghihintay ako. Miss na miss na kita. Miss ko nang yakapin ka. Miss ko nang halikan ka. Miss ko nang sabihan ka ng I love you. Masyado na akong nag-aalala sa 'yo. Please, gumising ka na."

But there was no response. Just like yesterday. And the other day and the last, last day.

Humugot siya ng malalim na hininga, saka hinalikan ang likod ng kamay ni Annette. "I'm waiting, Annette," bulong niya at pinisil ang kamay nito. "Nandito lang ako. Hindi kita iiwan."

Nang walang reaksiyon sa asawa niya, masuyo niyang binitawan ang kamay nito, saka umupo sa mahabang sofa para ipahinga ang katawang pagod na pagod na.

Napaigtad siya nang pumasok si Evren sa loob ng kuwarto na hindi man lang kumakatok.

"Hey, man."

"Hey," sabi niya.

Nagkamay silang dalawa. Umupo ito sa pang-isahang sofa at may iniabot sa kanyang brown envelope at ball pen.

"Sign it and we're done," sabi ni Evren.

Bumuntong-hininga si Cali, saka tinanggap ang envelope at inilabas ang lamang papeles. Binasa niya iyon. Pagkatapos ay tinanggap niya ang ball pen na iniaabot ni Evren at akmang pipirmahan ang papeles nang magsalita ito.

"Sigurado ka na ba diyan?" tanong ni Evren.

Tumango siya. "She needs help."

Npatango-tango si Evren. "Sinisiguro ko lang na payag kang i-transfer ng pamilya niya si Khatya sa isang mental institution."

"Mas matutulungan siya do'n." Pinirmahan niya ang mga papeles at ibinalik iyon kay Evren. "Here. Kahit paano mapapanatag ako kasi sa ibang bansa ang mental hospital kung saan dadalhin si Khatya. Sana lang gumaling siya do'n."

"Sana nga. Anyway, buwan-buwan na magre-report ang mental hospital na paglilipatan niya at kapag naging maayos ang lagay niya, ikukulong na siya sa kulungan para pagbayaran ang ginawa niya." Tumayo na si Evren at nagpaalam. "Ito lang talaga ang ipinunta ko rito. Siya, aalis na ako."

Tumango si Cali at nagpakawala ng malalim na hininga nang makalabas si Evren sa kuwarto. She stared at nothing again. Still worried of his wife.

He closed his eyes. Hindi niya namalayang nakatulog na siya. Hindi siya magigising kung hindi pa siya ginising ni Lander na kasama si Vienna.

"Hey, guys," sabi niya, saka ininat ang mga braso.

"Hey." May inilapag na kape si Vienna sa round table na nasa harap niya. "Para sa 'yo, inumin mo."

POSSESSIVE 12: Cali SudalgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon