CHAPTER 20

1.9M 36K 7.2K
                                    

CHAPTER 20

THE NIGHT was chilly. Ramdam ni Annette ang malamig na simoy ng hangin, lalo na at wala siyang suot na jacket para labanan ang lamig ng panahon.

Her scared eyes gazed at the man who was pointing a gun at her. Kilala niya ang lalaki. Isa ito sa mga empleyado sa kompanya ni Cali pero hindi niya alam ang pangalan.

"A-ano ba talaga ang kailangan mo sa 'kin?" nanginginig ang boses niya sa takot na tanong.

Ipinagdiinan ng lalaki ang dulo ng baril sa noo niya dahilan para manginig ang buong katawan niya sa takot. "Manahimik ka."

Her body trembled. Cali, tawag niya sa pangalan ng asawa sa isip niya. Cali... help me, please...

Pasimple niyang sinapo ang tiyan. Hindi siya puwedeng mapahamak. Kailangan niyang maging matatag. Umaasa sa kanya ang anak nila ni Cali. Ni hindi pa nga niya nasasabi sa asawa niya na magiging daddy na ito soon.

She needed to get back to her husband. Pronto! Tiyak na mag-aalala ito kapag umuwi na wala pa siya sa bahay.

"Please, pauwiin mo na ako," pagmamakaawa ni Annette. "Parang awa mo na. Baka hanapin ako ng asawa ko—"

"Tahimik sabi!" Pinandilatan siya ng lalaki at sinampal siya nang malakas. "Huwag kang maingay!"

Tumahimik na lang si Annette at tiniis ang pananakit ng pisngi niya. Ayaw niyang mapahamak ang batang nasa sinapupunan niya. Nanlamig ang kamay niya nang makitang may dumaang sasakyan sa madilim na parte kung saan nakaparada ang sasakyan ng lalaking kumuha sa kanya. Tumigil ang nasabing sasakyan ilang metro ang layo sa kanila.

"Huwag kang gagalaw," babala ng lalaki habang nakatutok pa rin ang baril sa kanya. "Babarilin kita oras na sinubukan mong tumakbo."

Tumango siya at niyakap ang sarili na para bang sa ganoong paraan ay mapoprotektahan niya ang batang nasa sinapupunan niya.

Naglakad ang lalaki nang patalikod, nakaharap sa kanya at nakatutok ang baril, patungo sa nakaparadang sasakyan ilang metro ang layo sa kanila.

Bumukas ang bintana ng kotse pero hindi niya maaninag kung sino ang nasa loob. May ibinigay na papel at ball pen ang nasa loob ng kotse sa lalaki. Kapagkuwan ay bumalik ang lalaki at ibinigay sa kanya ang dalawang papel na hawak at ball pen.

"Kopyahin mo raw sa blangkong papel ang nakasulat sa isa pang papel. Word by word, Mrs. Sudalga. Kung hindi, hindi ako mangingiming barilin ka."

Napalunok si Annette sa takot saka sinunod ang gusto ng lalaki. Habang nagsusulat, tumutulo ang luha niya sa kanya pisngi.

Ano ba talaga ang kailangan ng mga ito sa kanya? Para isulat ang sulat na kinokopya niya ngayon?

Hindi siya mapakali, hindi niya alam ang dapat isipin. Ang tanging nasa isip lang niya ay mailigtas ang anak niya.

Annette was sobbing lightly as she finished writing the letter. Sana hindi maniwala si Cali sa sulat na 'yon. Puno iyon ng masasakit na salita. At siguradong masasaktan ang asawa niya.

Umiiyak na iniabot niya ang sulat pabalik sa lalaki. "Ano ba talaga ang kailangan mo sa 'kin?" umiiyak niyang tanong. "Bakit mo ba ginagawa 'to?"

"Sabihin na lang natin na galit at naiinggit ako kay Cali. Nasa kanya na ang lahat." Malademonyo itong ngumisi, saka kinalabit ang gatilyo ng baril pero sinadya nitong hindi siya tamaan. Tinatakot siya nito at natatakot naman siya. "Pero hindi na ngayon. Dapat lang na mawala ang lahat sa kanya! Pati babaeng mahal ko, inagaw niya! Dapat lang na mawalan ka rin sa kanya!" Sinampal na naman siya nito sa pisngi. "Huwag kang gagalaw, papatayin kita."

POSSESSIVE 12: Cali SudalgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon