CHAPTER 17

1.7M 36.6K 7.9K
                                    

CHAPTER 17

NANG MAKAPASOK si Annette sa master's bedroom nila ni Cali noon, agad niyang nakita ang asawa niyang nakadapang nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog.

Amoy na amoy niya ang alak sa loob ng kuwarto. Looks like Cali had been drinking. She knew Cali and he couldn't hold his drinks. Hindi mataas ang liquor tolerance nito.

Napabuntong-hininga siya, saka naupo sa gilid ng kama at pinakatitigan ang guwapong mukha ng asawa. Agad niyang naramdaman ang pait, kirot at galit sa puso niya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang mahulog ang isang butil ng luha sa kanyang pisngi.

Nananariwa na naman ang sakit sa puso niya. Seeing Cali's face again made her heart ache in pain. Tumayo siya, saka huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili.

And then her eyes settled on a large picture frame on the wall. Naramdaman niyang lumambot ang puso niya nang makita ang wedding picture nila ni Cali. They looked so happy, so contented. Sino ang mag-aakala na mauuwi sa ganito ang lahat.

Nagpakawala si Annette ng isang malalim na hininga, saka iniiwas ang tingin sa wedding picture nila ni Cali. Umikot ang tingin niya sa kabuuan ng kuwarto. Nothing have changed. Her vanity mirror was still there... her closet... her table... everything was still in there.

Napatitig siya kay Cali. Kung galit ito sa kanya, bakit hindi nito itinapon ang mga gamit niya? Bakit hinayaan nito ang mga gamit niya roon?

Naguguluhan na siya. Hindi na niya alam ang dapat isipin at maramdaman.

"Annette..." A raspy voice filled the very silent room. "Ikaw ba 'yan?"

Binura niya lahat ng emosyon sa mukha, saka humarap kay Cali. "Gusto kitang makausap."

Bigla itong bumalikwas at napamura, saka sinapo ang ulo. "Fuck!" he hissed and looked at her. "Annette, I'm sorry about this."

"Hihintayin kita sa garden." Pagkasabi n'on ay lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa garden na nasa rooftop ng bahay.

Napapikit si Annette habang ninanamnam ang pagtama ng hangin sa mukha niya. Kapagkuwan ay iminulat niya ang mga mata at naglakad patungo sa gilid ng rooftop. Ipinatong niya ang mga siko sa railing, saka tumingin sa kapaligiran.

Big mansions. Beautiful houses. Wala yatang bahay sa loob ng village na 'to na hindi mataas at hindi malaki. Lahat may kanya-kanyang ganda. Naalala niya tuloy ang unang reaksiyon niya nang dalhin siya roon ni Cali. It was one of the happiest days of her life.

Ipinikit niya ang mga mata nang maramdamang may tumabi sa kanya ng tayo. Humugot siya ng malalim na hininga at maingat din iyong pinakawalan. She needed to calm down. Kailangan muna niyang kalimutan ang galit niya sa asawa.

"Annette."

Bumaling siya rito. Kapagkuwan ay ibinalik din ang atensiyon sa mga naggagandahang bahay sa harap niya. "May tanong sana ako."

"Ask away."

"Why?" Pumihit siya paharap kay Cali at tiningnan ito sa mga mata. "Bakit hindi mo ako hinanap nang mawala ako? I can remember, Cali, we were happy, we love each other and everyday was like a dream come true." Hindi na naman niya maiwasang umiyak pero pinipigilan niya ang luha na bumagsak. "Bakit? Bakit hindi mo ako hinanap? Wala ba akong halaga sa 'yo? Were you just pretending to love me before?"

Pain crossed his deep green eyes as he stared back at her. "I was asking the same thing, Annette? We're you just pretending too?"

Naguluhan siya sa ibinalik nitong tanong sa kanya. "An'ong ibig mong sabihin?"

POSSESSIVE 12: Cali SudalgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon