CHAPTER 10
NAGISING si Annette sa amoy ng ospital. Alam na alam niya ang amoy na 'yon at hindi niya kailanman makakalimutan dahil ilang buwan din siyang nanatili sa ospital pagkatapos niyang magising galing sa aksidente.
"Oh, you're awake." A baritone voice chirped. "Good. That lunatic can finally live in peace."
Napakurap-kurap siya at tumuon ang paningin sa nagsalita. Kumunot ang noo niya nang makita ang lalaking nasa tabi ng hospital bed niya. First impression? He looked like a handsome gangster to her because of his tattoos that couldn't be hidden by his doctor's robe. There were tattoos all over his neck. It looked messy yet she have to admit that it made him look like a handsome bad ass.
"Done admiring me, beautiful?"
Nag-init ang mukha ni Annette, saka mabilis na nag-iwas ng tingin. "N-nasaan si Cali?" pag-iiba niya ng usapan dahil iyon agad ang pumasok sa isip niya.
"Ipinahila ko sa security team palabas para kumain. Hindi pa kasi nanananghalian at naghahapunan," parang walang pakialam na sabi ng lalaki, saka inilapat ang malamig na stethoscope sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya. "Everything is normal. Ang utak mo lang ang hindi."
Matalim ang matang pinukol niya ito ng tingin. "Doktor ka ba talaga o nagde-dress up ka lang?"
Tumaas ang dalawang kilay nito kasabay ng pagtaas ng sulok ng mga labi. "Hmm... why is that?"
"You don't say that to your patient."
Mahina itong tumawa. "Oh. Sorry about that. Sometimes, my mouth doesn't have a filter. But for your peace of mind, yes, I am a surgeon that specializes in brain." Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Blaze Vitale. I graduated in Harvard, a scholar and my license number is 2224311." Nang hindi niya tinanggap ang kamay nito, para itong batang sinimangutan siya. "Mean."
Hindi alam ni Annette kung matatawa siya o maiinis sa doktor na nasa harap niya.
"Anyway, sabi sa 'kin ni Cali may amnesia ka raw."
"S-sinabi niya sa 'yo?" And here she thought she could trust Cali.
"Yes. But don't get him wrong." Umupo ito sa gilid ng kama, paharap sa kanya. "Pinilit ko siyang sabihin at napilitan siya. Wala ka kasing malay at hindi ka magising kahit ano'ng gawin namin. So he told us about your medical condition."
Nagbaba siya ng tingin. "Ganoon ba?"
"Yep," he said popping the "p." "So huwag kang mag-emote diyan."
"Sorry," napahiyang sabi niya. "I didn't mean to..."
"That's okay. We do a lot of things we don't really mean." Huminga ito nang malalim. "Anyway again, how's your head?"
"Ayos lang." Sinapo niya ang gilid ng ulo. "Hindi na masakit."
"Nang mawalan ka nang malay kaninang umaga, did you felt like your head is about to split into two?"
Tumango si Annette. "Nilalabanan ko 'yong sakit, pero hindi ko kinaya."
"While you were in pain, did you see something in your head?"
Tumango siya. "Nitong mga nakaraang araw mula nang magtrabaho ako para kay Cali, bigla-bigla na lang may pumapasok na memorya sa isip ko at sumasakit ang ulo ko. Minsan naman may napapanaginipan ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa 'kin 'to. Why now? Bakit hindi 'yon nangyari sa akin sa isa't kalahating taon na pinipilit ko ang sarili ko na makaalala? Bakit ngayon pa kung kailan sumuko na akong maalala ang nakaraan ko?"
He shrugged. "Maybe because Cali is a big part of your life before. Seeing him and being with him every day is making your memories came back." Then he added, "You see, brain understands, brain adapts. And if something happen to your brain, it may forget thousand and millions of memories, pero nandiyan lang 'yan. It's just buried. Ang kailangan lang ay may mag-trigger para bumalik uli ang mga alaalang nakalimutan mo. And looks like Cali is your trigger."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 12: Cali Sudalga
General FictionCali Sudalga got everything. Limited edition luxury cars. Wealth. Money. Yachts. And a very huge mansion that anyone would dream of. Women will do everything to get his attention or even just a minute of his precious time. But no woman had ever succ...