Chapter 3

622 35 3
                                    

"Now that we have finished our discussion, I would like to ask you to give me an example of things that you can feel but you can never touch."

Nakailang hikab na 'ko sa utak ko dahil sa sobrang boring ng subject. Kulang din ako sa tulog kagabi dahil sa kakabasa ng libro kaya naman antok na antok ako ngayon.

"Yes, Marquez?"

"Air, sir."

"How about you, Choi?"

Kakain pa ba ako ng lunch or matutulog na lang ako? Nagugutom ako pero pakiramdam ko any moment pipikit na lang ako bigla at makakatulog. Why did I even –

"Choi, are you with us?! Stand up!"

Nabalik ako sa wisyo nang isigaw ni sir ang apelido ko. I wasn't aware na tinatawag na pala ako.

"Trust, sir."

I answered confidently.

"If you were listening, that's already given. Give me another one."

Ano pa ba? Nararamdaman pero hindi nahahawakan? Love? For sure naisagot na yan ng mga mahaharot kong kaklase. Charot.

"Pain?"

"Is that your answer or are you asking me?"

"Pain, sir."

I repeated with full confidence. He called another student so I sat down. This time nakinig na 'ko kasi baka matawag na naman ako.

After thirty more minutes, the bell rang. It's lunch time. Nawala ang antok ko dahil sa recitation na 'yon so I decided to eat lunch when Kira asked me to join her.

Umupo kami sa bakanteng upuan pagkatapos makabili ng pagkain. I smiled at Von when I saw her from another table. Von and I are close but she has her own group of friends. Hindi kami break and lunch buddies. Minsan kumakain ako mag-isa at sasabayan ako ng mga kakilala ko from other organizations or minsan si Kira.

Being alone here in MA is normal. Hindi big deal kung kumakain ka mag isa, kung wala kang barkada, or what. You can do whatever you want here and people won't mind because we're all busy on our businesses and I think that's awesome.

Kira and I started eating habang dumadaldal siya.

"Kasi naman bakit lutang ka kanina? Hahahaha napakasungit pa naman ni sir."

We were laughing while she is telling me a story about her crush when she suddenly stopped. Nakatingin siya sa likod at dahil nacurious ay tiningnan ko ang tinitingnan niya. Zyn is walking towards our direction. May ibang napahinto sa pagkukwentuhan at sinusundan siya ng tingin. When I said that people mind their own business here in MA, exemption si Zyn don. He is like everybody's business.

Everyone is interested in him. Hindi siya madalas pumupunta rito sa cafeteria dahil lagi siyang nasa roof top kaya naman may halong pagkagulat ang mga estudyante. When Zyn stopped in front of us, I felt like everybody is watching and waiting for his next move.

"Here's your key."

Iniabot nya sakin ang isang susi. I immediately recognized it, that's my car keys. Pinakuha niya kasi sa driver nila ang sasakyan ko at ipinaayos tsaka inihatid sa bahay namin.

"Ah oo nga pala. Salamat ulit."

Nginitian ko siya pero tinanguan niya lang ako tsaka umalis. See? That is the side of Zyn that not everybody sees. He's really nice.

"You know what, Cyndy? Kanina habang nag-uusap kayo ni Mr. Wilson, alam ko na bakit kayo naging close. You are beautiful inside out, you're smart, tapos ang simple mo pa kahit ang yaman-yaman mo."

Sabi ni Kira habang nakatingin sa nilabasang pintuan ni Zyn.

"Kailan ka pa naging bolera, ha?"

Natatawa kong sabi kaya napalingon siya sakin.

"Hindi ah! Nagsasabi lang ng totoo. Hindi pa nga kita nakikitang mag ayos eh. You're always wearing tee shirt and jeans. Hindi ka man lang nag m-make up."

It's not that I hate make-up and dolling myself up. It's just that, kung hindi naman required na mag ayos, hindi talaga ako mag aayos. I just prefer being comfortable. But I don't see anything wrong sa mga taong mahilig mag ayos. That's them. I adore their passion about it but it's just not me.

"I really adore you. Kung lalaki lang ako, baka niligawan na kita."

Pareho kaming natawa sa kalokohan niya.

"Eh kaso babae ako. Pasensya ka na ha, God bless."

Pagkatapos ng lunch break ay bumalik na rin kami sa classroom. I saw Zyn sitting comfortably in his assigned seat. Magkaklase kami pero minsan ay di siya umaattend ng klase dahil ineexcuse siya. Minsan about sa organizations at minsan naman ay tungkol sa school. If I haven't mentioned it, si Zyn ang inaasahang mag mana ng Mathson Academy.

Despite being absent in class, napapanatili niya ang pagiging top 1 niya. Yes, overall top 1 si Zyn while I'm always at the second. Hindi naman importante sakin 'yon but I'm still trying to beat Zyn out of the top 1. Gusto ko lang makita ang magiging reaksiyon niya. Hehe.

"Good afternoon class! Today, we will be having our surprise quiz so get one whole sheet of paper!"

Yan agad ang bungad samin pagkapasok na pagkapasok niya. Hindi magkandaugaga ang mga kaklase ko sa pagkuha ng papel samantalang ang iba naman ay nanghihingi. Mga luxury brands ang bags pero walang yellow pad. Ang cute-cute talaga.

Nang makita ko ang test papers ay merong 10 problems na kailangang sagutan using Quadratic equation. Kami na ang bahalang mamili kung anong formula ang gagamitin. Luckily, kabisado ko yung apat.

After 30 minutes ay ipinapasa na samin ang answer sheet para check-an ng ibang classmates. Pagkatapos ay kinolekta ni ma'am para i-announce ang scores.

"Akari, 80."

The quiz is over 100. You'll either get 10 or 0 for each number dahil may maliit ka lang na mali ay consider ng 0 yung buong solution mo. Ma'am Mery, our Math teacher, is nice but she's kind of strict when it comes to quizzes and tests. Minsan no erasure pa.

"Berka, 70."

"Choi, 100."

Zyn also got perfect score. That was expected. Pagkatapos mag announce ng score ay nag simula na kami ng bagong topic. It was interesting pero ayoko talaga sa Math kaya ilang beses akong nag zoned-out at nababalik lang sa diwa kapag tinitingnan ako ni ma'am kaya tumatango na lang ako para kunyari naiintindihan ko hehe.

"We will continue our discussion tomorrow. Class dismissed."

Some girls got busy retouching their make up while the boys fixed their hair. Nauna na 'kong lumabas sa kanila at pumunta sa locker room para ilagay yung libro ko.

"Cyndrelle."

"Ay kike!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. My gosh! Hindi ko man lang naramdaman na nasa tabi ko na pala si Zyn.

"Bakit ka ba nang gugulat?!"

"Watch your language. Kike ka diyan."

Pinigilan ko matawa dahil sa sinabi niya. Zyn just said kike!

Nang mapansin niyang nag pipigil ako ng tawa ay inirapan niya 'ko at may kinuha sa bulsa niya.

"Read it after I go."

Sabi niya pagkaabot ng isang papel na nakatupi.

"Ano 'to?"

Tanong ko pero nakaalis na siya. What was that?

"Si Zyn talaga."

Mahinang sabi ko tsaka binuksan yung papel. What the hell?

There are three words that is written inside the paper. His penmanship is neat as usual. It's just three normal words but it came from Zyn Wilson that makes it important.

"Nahiya ka pang sabihin sakin ng personal."

Hindi ko mapigilang ngumiti dahil dito. Damn you, Zyn.

NyctophiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon