Chapter 12

495 23 0
                                    

Nakikitawa nalang ako kapag may sinasabing nakakatuwa ang mga kasama ko ngayon sa table.Aaminin kong malayo sila sa ineexpect kong pamilya ni Zyn.

"Yeah right Kervi para naman kasing marunong kang pumorma sa babae."

Pang-uuyam ni Vina sa kanina pang walang kibo na si Kervi.

"Tsk."

Inismiran lang sya nito at inirapan.Nagpatuloy sa kwentuhan at medyo nag-aalala na'ko dahil baka umuwi na sila tito Mark tapos maiwan ako.

"Good evening Wilsons."

Napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko ang boses ni tito.

"Oh!Good evening Mark."

Sabi ni tita Zyraine (sabi nya,yan ang itawag ko sa kanya) kay tito Mark.

"Good evening po.I'm Kian Ibara,susunduin lang po sana namin si Cyndy."

Inilahad ni Kian ang kamay kaya kinuha ko yon at dahan-dahang tumayo tsaka sila hinarap at nginitian.

"Salamat po.I had a great time."

Ngumiti sila pabalik pero si Zyn ay nakatingin lang,masamang tingin sa kamay namin ni Kian.Problema non?

"We also had a great time with you Cyndy.Actually,I hope you can hang out with Vina and the other kids sometimes."

Nakangiting wika ni tito Hiro,daddy ni Vina.Sumang-ayon naman sa kanya sila Kiana at sila tita Andrea kaya napapayag nila si tito Mark.

"Goodbye po."

Kumaway ako sa kanila bago tumalikod.Hindi pa man ako nakakalayo ay may humatak na ng braso ko pabalik.

"You're going without saying anything to me?How rude."

Tumitig ako sa blue na blue-ng mata ni Zyn,leche mamatay na ata ako.Baka atakihin ako sa puso sa sobrang bilis ng tibok nito,lalo pa at nararamdaman ko yung palad nya sa braso ko.

"N-nag ba-bye naman a-ako ah."

Hinawi ko ang kamay nya kaya tinanggal nya ang pagkaka-kapit nya sa braso ko,medyo nakahinga naman ako ng maluwag.

"You know better,Cyndrelle.You shouldn't include me when you say goodbye.You know it."

Napalunok ako ng sobra dahil sa sinabi nya.Hindi ba sya nahihiya na nasa harapan kami ng pamilya nya?Tsaka hanggang ngayon pala big deal pa sa kanya pag nag-gu-goodbye ako.

"O-okay.See you on Monday,Zyn."

Ginulo nya ang buhok ko tsaka bumalik sa upuan nya na parang walang nang-yari.Napahagikhik nalang sila tita Zyraine sa inasal ng anak nya.Abnormal talaga si Zyn kahit kelan.

"S-sige po,mauuna na kami."

Hinatak na'ko ni Kian at ni isa sa kanila ni tito ay walang nagsa-salita.Kahit nong nasa sasakyan na kami ay tahimik parin sila hanggang binasag ni tito ang katahimikan.

"It seems that you're close to Wilsons,Cyndy."

Nilingon nya ko sa rear view mirror kaya tumango lang ako at natagalan bago ulit sya nagsalita.

"Do you know that it's so hard to get a long with them?Nakaka-intimidate kasi ang presensya nila.They must've been seen something in you Cyndy.You're lucky."

Nakangiting sabi ni tito habang nakatingin sa bintana.Lahat sila nagsasabing swerte ako dahil nakakausap ko si Zyn at ngayon naman,ang mga Wilson.Para sakin naman ay hindi sila mahirap pakisamahan.Mababait naman kasi sila.

**

Kinabukasan ay tanghali na'ko nagising,linggo naman kaya okay lang.Sinimulan ko yung project ko sa arts at ng matapos ko ay napagdesisyunan kong mag-ikot ikot sa mall.

Naligo ako at nagbihis ng jagger at crop top,tsaka isinuot ang kicks ko.Kinuha ko ang wallet ko sa ilalim ng unan tsaka dumirecho pababa.Naabutan ko pa si Kian na nanonood ng TV sa salas at ng makita nya ko ay agad syang ngumiti.

"Malling?"

Tumango ako bago kumuha ng pop corn sa table na nasa harapan nya.Nagmu-movie marathon nanaman syang mag-isa.

Pagkalabas ko ng bahay ay dumirecho ako sa sasakyan ko,may student license na naman ako eh.

Pagkarating ko sa mall ay dumirecho agad ako sa QZ's dresses.My favorite brand of clothes,nag-iisa lang.

"Hi Ms.Cyndy!Andito na po ulit kayo,meron na pong new arrival na damit."

Ngumiti ako sa sales lady na bumati sakin.Kilala na'ko dahil dito lagi ako nabili ng damit,meron kasing section per clothes genre dito sa shop na'to.Girly,manly,and boyish.

Bumili lang ako ng bagong jeans tsaka mga tee shirt bago umalis sa shop.Hindi ko na alam kung saan ako pupunta dahil wala naman talaga sa plano kong lumabas mag-isa.Hindi ako takot lumabas ng bahay o maglakad sa kalye ng walang kasama,ewan ko pero minsan ay mas gusto ko pang wala kesa meron.

"Miss!"

May kumalabit sa likod ko at nabungaran ko ang isang lalaking kulay brown ang buhok.Wiwit gwapo.

"Yes?"

May iniabot sya sakin kaya inilahad ko ang kamay ko tsaka nya inilapag ang wallet ko sa palad ko.Teka bat nasa kanya to?

"Nalaglag mo kasi kanina miss.Nalimot ko kaya sinoli ko."

Nakangiti nyang sabi kaya ngumiti rin ako pabalik,muka naman syang mabait.

"Salamat ha?"

Nakangiti kong sabi at akmang tatalikod na ng mag salita nanaman sya.

"I'm Ralph Chavez and you are?"

Inilapit nya ang kamay nya na para bang makikipag-shake hands at kahit ayaw ko ay gagawin ko dahil mapapahiya sya sa harap ng maraming tao kapag di ko kinuha.

"I'm Cyndy.Nice meeting you,I'm sorry but I have need to go."

Wala akong oras para makipag-kilala pa sa ibang tao.Tsaka gwapo sya pero ayoko ng aura nya,parang playboy na ewan.

"See you when I see you,Cyndy."

Hindi ko nalang sya pinansin at nagdirecho lang ng lakad.Bumaba na'ko sa parking lot at napagdesisyunan ng umuwi,wala na naman akong gagawin dito.

Habang nagda-drive ako ay bigla nalang huminto ang sasakyan ko sa gitna ng daan.Shit naman eh,nagloloko nanaman!Wala pa namang masyadong dumadaan na sasakyan dito sa kalsadang dinaanan ko kaya magpa pasundo nalang ako kay Kian.

Bibili na nga rin ako ng bagong sasakyan para hindi na ko laging tumitirik sa daan,nakaka-purwisyo eh.Idinial ko ang number ni Kian pero hindi ko macontact.Out of coverage chuchu daw.

"Anak ng tokwa naman kasi!"

Lumabas ako ng sasakyan tsaka sumandal sa pinto.Ano ng gagawin ko dito ngayon?Nasa gitna ako ng pag-iisip ng may tumigil na motor sa harapan ko.
Nakatitig lang ako sa lalaking nasa harapan ko dahil balot na balot sya.

May kutob ako kung sino to,dahil sa tuwing maiipit ako sa ganitong sitwasyon,palagi syang dumadating.Tinanggal nya ang suot nyang helmet at unti-unti kong nakita ang mala Greek God nyang muka.

"Zyn,bring me to the hospital...please."

I put my hands in my chest and feel the beating of my heart.Damn!

Support my other stories

Mathson Academy
10 years from now
Destined for cupid

Love lots Mathsonians 😘

NyctophiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon