"Doc,sigurado po ba kayong wala akong sakit sa puso?"
Napahilamos nalang sa muka nya si Dr.Martines tsaka tumango.
"Sure na sure?"
Tumango ulit sya at parang kulang nalang ay ihampas nya sakin ang isang karatulang may nakalagay na "OO"
"Ms.Choi,wala ka talagang sakit sa puso.In fact,you have a healthy heart kaya anong pumasok sa isip mo at nagpa check up ka tapos ay naka pajama ka pa?"
Napanguso ako at tiningnan ang pajamang suot ko.Wala namang masama kung naka-pajama akong pumunta ng hospital diba?
"Eh kasi Doc sasakay ako ng sasakyan tapos papasok sa hospital tapos sasakay ulit sa sasakyan at uuwi so bakit pa'ko mag aayos?At yung sa puso naman po,nitong mga nakaraang araw po kasi naabnormal sya ng tibok,yung tipong kusa nalang bibilis?Tapos minsan nga akala ko tumigil na."
Napakurap si Doc Martines at napatawa.Mukang sya ang may problema sa pag-iisip.
"Kapag nararamdaman mo ba'yan ay may tao kang iniisip o kasama?"
Agad na pumasok sa isip ko si Zyn,shet yung puso ko naghuhuramento nanaman.Bakit ba ganito?Titigil muna sandali sa pagtibok tsaka bibilis ng sobra.Nako,mali si Doc Martines.
"Mukang nararamdaman mo nanaman yang sinasabi mong sakit sa puso."
Nabalik ako sa ulirat ng marinig ang sinabi nya.Ang gulo nya ha,sabi nya wala daw akong sakit.
"Doc akala ko ba wala?Ano ba talaga?"
May isinulat sya na sigurado akong reseta.Sabi na nga ba at may sakit ako sa puso,sana hindi ganon kalala.
"Wala naman talaga.Normal yang nararamdaman mo,pero sana hindi sumobra dahil baka maging literal na sakit sa puso ang maranasan mo."
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya tsaka kinuha ang reseta na iniabot nya.
"Subukan mong hanapin yang gamot na yan sa pharmacy o kung saan man.Yan lang ang tanging makakasagot sayo."
Nakangiti sya habang sinasabi nya yon.May saltik ata si Doc.
"Ah sige po,mauuna na'ko.Um-absent pa po kasi ako."
Nang makalabas ako ng hospital ay dumirecho ako sa pharmacy tsaka iniabot yung papel pero kinunutan lang ako ng noo nong pharmacist tsaka ibinalik ang reseta ng doctor.
"Pasensya na po pero hindi mabasa kung ano man pong nakasulat dyan.Tsaka muka pong wala kaming ganyang klaseng gamot,baka po kasi malala na yung iinom.Subukan nyo nalang po sa ibang botika."
Nagdesisyon na'kong umuwi dahil papasok pa'ko sa tanghali para may attendance naman ako ngayong araw.Hindi ko maiwasang mag-alala dahil sa kalagayan ko.Kinse anyos palang ako tapos may sakit ako sa puso.
"Ma'am kumusta po ang check up?"
Tanong ni Mang Kardo habang nagda-drive.Sasabihin ko ba?Baka makarating kay tito Mark at kay Kian to,hahanapan ko muna ng tyempo.
"Okay naman po.Wala naman daw po akong sakit."
Ngumiti lang si Mang Kardo tsaka nagpatuloy sa pagda-drive.Sabi ni doc Martines wala daw akong sakit,sabi naman nung pharmacist,malala na daw.
Pano na'ko ngayon?Ang bata ko pa para mawala sa mundong to.Nami-miss na kaya ako nila mommy kaya hiningi na nila ako kay God?"Ma'am tara na ho."
Nagdirecho ako sa kwarto at nagbihis ng pamasok.Hanggang ngayon lutang parin ako,pano ko sasabihin to kay tito Mark,Kian,Kira,Von tsaka kay Zyn?Pero hindi naman siguro madaldal si Zyn diba?Sa kanya ko nalang sasabihin.
Nang makarating ako sa M.A ay wala akong imik.Sisimulan ko na bang gumawa ng bucket list?Gusto ko pang libutin ang buong mundo.
"Cyndrelle."
Napalingon agad ako sa likod ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko,si Zyn.Walang emosyon ang muka nya pero matalim ang tingin na ibinibigay nya sakin.Isa patong isang to.
"Oh?"
Lumapit sya sakin pero tinitigan lang naman nya ko.
"Bakit?"
Tanong ko ulit tsaka sya sumagot.
"Why were you absent?"
Nagsimula na syang maglakad kaya sumabay ako.Sasabihin ko na sa kanya,sigurado akong hindi nya sasabihin kay tito Mark dahil sya ang tipo ng tao na hindi interesado sa buhay ng iba.
"Nagpa check up ako."
Diretso lang ang tingin ko pero napansin kong napatigil sya sa paglalakad kaya nauna ako sa kanya ng tatlong hakbang.
"What?"
Nilingon ko sya at nagkibit balikat.Kailan pa sya naging bingi?
"Ang sabi ko nagpa check up ako."
Nagpatuloy kami sa paglalakad at hinayaan kong si Zyn ang mag lead ng daan.
"What did the doctor said?"
Napatigil ako dahil sa tanong nya.Hinarap ko sya at saktong nakaharap din sya sakin,takte!Ito nanaman yung sa puso ko,ayokong ito ang maging ending ko.
"Cyndrelle?Are you okay?"
Napabalik ako sa wisyo ng pinitik ako sa noo ni Zyn.Nag-iwas ako ng tingin tsaka tumango. Pakiramdam ko nawalan ako ng boses.
"Something's wrong.Tell me,what happened to your check up?Bakit ka nagpa check up?You didn't tell me that you're---"
Inentrahan ko sya sa pagsasalita nya.
"I'm dying."
Diretso kong sabi at nakapag pakunot ng noo nya.Lumipas ang ilang segundo pero seryoso lang ang muka nya na para bang nagsabi ako ng isang sumpa.
"This is not funny,Cyndrelle."
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"If that's an excuse for being absent then just cut it!"
Medyo napatalon ako ng sumigaw si Zyn,pati narin ang ibang estudyante na naglalakad ay naagaw ang atensyon.Umiling lang ako tsaka bumuntong hininga.
"You think that kind of joke is funny,huh?Well its not!"
Sabi nya tsaka ako tinalikuran. Napabuntong hininga nalang ako tsaka nagpatuloy maglakad mag-isa.I guess I pushed his button,hindi naman ako nagbi-biro sa sinabi ko.Sino ba namang gugustuhing mamatay diba?
Natapos ang afternoon class namin pero walang Zyn na nagpakita.Ni anino nya hindi ko nasilayan,siguro galit parin sya.Wala na'kong magagawa don,pero sana bago mahuli ang lahat magka-ayos kami T_T.
A/n:Sorry for the late update 😂
Support my other storiesMathson Academy
10 years from now
Destined for cupidLove lots Mathsonians 😘
BINABASA MO ANG
Nyctophilia
VampireMathson Series #2 Cyndrelle Choi was known for her simplicity and closeness to Zyn Wilson, the epitome of perfection for most of the women, at least in their university. She was not aware of what she is getting into; he is aware but doesn't seem to...