Zyraine's POV
Two weeks had passed and Cyndy is still unconscious.I tried everything I can but I can't do anything,dinala ko na si Ash,my friend who happens to be a witch,dito para mag cast ng spell kay Cyndy pero wala paring nangyari.
"She became paler."
Si Mark ay halos hindi na umaalis dito sa hospital kakabantay kay Cyndy pati narin si Zyn pero pumapasok sya sa academy dahil ang sabi nya ay hihingi daw si Cyndy ng notes sa kanya kapag gumising ito.I pity my son and it hurts me that I can't do anything to make him feel better.
"Natatandaan ko pa ang mga binilin sakin ni Margarette bago sya namatay,para bang alam na alam nyang mamamatay na sya nung araw na'yon.Ang sabi nya ay wag kong pababayaan si Cyndy,parang siguradong siguro din nya na hindi rin magtatagal si Stephen,ibinilin nya na kahit anong mangyari ay wag kong hahayaang may mangyaring masama kay Cyndy pero heto sya ngayon,nakahiga sa kamang yan pero wala man lang akong nagawa para sa kanya."
Tinapik ni Kian ang balikat ng ama.I can feel their agony.What he said about Margarette is kinda weird for me well,she is.Masyado syang protective sa lahat ng bagay.
"Let's just pray,daddy.Matapang si Cyndy kaya sigurado akong lalaban sya at magigising."
I hope so,Kian.
Cyndy's POV
"Zamara,may gusto ka pa bang kainin?"
Kasalukuyan kaming nasa hapag kainan ni Zach ngayon,kumakain kami ng tanghalian at kagaya ng nakaugalian niya ay todo asikaso sya saakin.
"Wala na,Zach.Madami natong nasa pinggan ko.Salamat."
Nginitian ko sya at ganon din ang ginawa nya.Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng magising ako pero hanggang ngayon ay wala parin akong maalala.Noong nakaraan lang pakiramdam ko ay hindi ako nababagay dito,para bang isa akong dayo sa lugar nato pero ngayon ay pakiramdam ko ay dito talaga ako nakatira.
"Zamara."
Tiningnan ko sya habang ngumunguya ako ng pagkain,nakatitig sya sakin na para bang nakikita nya ang buong pagkatao ko.
"Bukas na ng gabi ang koronasyon.Magiging opisyal ka ng reyna ng kaharian nato."
Nabanggit nya sakin na sya ang hari ng lugar nato.Noong una ay nagdududa ako pero ng makalabas ako ng kwarto,nakita ko na nasa isa talaga kaming palasyo at nakita ko rin kung gano kalawak ang sinasakupan nya.Ang sabi nya saakin ay hindi pa talaga ako ang reyna dahil hindi pa kami nagpapakasal,nung araw ng kasal namin ay naaksidente daw ako at nawalan ako ng alaala kaya hindi ito natuloy,bukas ng gabi namin gaganapin ito.Hindi ako tumutol sa sinabi nya,nakikita ko na nagsasabi sya ng totoo at may tiwala ako sa kanya.Hindi nya naman ako lolokohin,hindi ba?Mahal nya ko.
"Alam ko,Zach.Wag kang mag-alala.Wala akong pagtutol dito."
Hinawakan ko ang kamay nya na nasa ibabaw ng lamesa at binigyan sya ng matamis na ngiti.Hinawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa kamay nya at may isinuot na singsing dito.
"Nakikiusap ako sayo na wag na wag mong tatanggalin yan,Zamara."
Isang ngiti at tango lang ang isinagot ko sa kanya.Pakiramdam ko ay isa akong kayamanan sa kanya.Napakawerte ko.
Third Person's POV
Kagagaling lang ni Zyn sa M.A at sa hospital na sya dumiretso,sa nagdaang linggo ay ganito na ang ginagawa nya.Minsan ay dito na sya nagpapalipas ng gabi at papasok na ulit sa M.A kinabukasan.
Tuwing gabi ay naiiwan syang bantay kay Cyndy dahil hindi na maaring iwanan ni Kian at Mark ang kumpanya nila Cyndy dahil baka mawalan sila ng mga proyekto.Alam na ng eskwalahan ang nangyari kay Cyndy ang kaibigan naman nitong si Kira at Von ay dumadalaw paminsan.
"You sleepy head,you're just making this as an excuse to absent,huh?Are you that sleepy to sleep that long?You should wake up now.They cut your hair and you got stitches,you haven't eaten for two weeks and knowing you? that dextrose isn't enough for the dragon inside your stomach."
Hindi nya alam kung ano ba ang pinagsasasabi nya,ni hindi ito normal sa kanya pero kusa nalang lumalabas to sa bibig nya na parang natural na natural.
"The doctor said you can hear me and you can't talk right now so I think this is the right time for me to tell you this."
Hinawakan nya ang kamay ni Cyndy at marahang hinaplos ito.
"I like hearing the sound of your heartbeat,Cyndrelle.I can hear that heart beating fast when I'm around,I can count your heartbeats for a minute and your heart and my heart are synchronize.If you're just a vampire,I would've thought you are my mate."
Pabulong nyang sinabi ang huling mga salitang binigkas nya.
"I want to hear those abnormal heartbeats when I'm around you,I want to hear that again."
Cyndy's POV
Paakyat na kami ni Zachary sa aming silid ng makaramdam ako ng pagkahilo,nanlalabo ang paningin ko at meron akong boses na naririnig ngunit hindi malinaw.
"Cyndrelle,wake up."
Sumakit ang bandang dibdib ko kaya napahawak ako dito,bawat tibok ng puso ko ay damang dama ko at pisikal akong nasasaktan.
"Zamara?Anong nangyayari sayo?!"
Hindi ko magawang magsalita dahil unti unti nakong kinakapos ng hininga.Ang huli kong nakita ay ang muka ni Zachary na puno ng pag-aalala.
Zyn's POV
I'm still holding her hand and I don't want to let this hand go.
"Cyndrelle,wake up."
As if on cue I heard her fast heartbeats and the small force between our palms.
I rose from my seat and stare at her face.Any minute now I am sure that she will open her eyes."Cyndrelle,come on.Wake up."
She slowly open her eyes and look at me gloomily.She look in every corner of the room as if she is looking for something,what is she looking for?
"Cyndrelle,how do you feel?"
She looks at me with so much confusion.
"Sino ka?"
Damn it.
A/n:I can't give justice to Zyn's POV T^T.I'm sorry guys!
BINABASA MO ANG
Nyctophilia
VampireMathson Series #2 Cyndrelle Choi was known for her simplicity and closeness to Zyn Wilson, the epitome of perfection for most of the women, at least in their university. She was not aware of what she is getting into; he is aware but doesn't seem to...