III - CTGCH

143 36 49
                                    

Chapter Tri <3
"Courting The Gay Campus Heartthrob"

---

~Renée's Side~



Waaahhh!


"G-good morning Ms.Gina, good morning classmates I'm sincerely sorry for being late--"



"Stay outside and do your DAILY ROUTINE."



Soo, here we go again. Kinuha ko sa bag ko 'yung dalawang libro kong biology and chemistry na PAREHONG MAKAPAL ╥﹏╥ saka lumuhod then spread my wings-- este my arms saka pinatong ang dalawang libro sa ibabaw nito.



Tentenen! Presenting my 'daily routine'!! (╥_╥)



Ganito pinagagawa sa'kin nyang si Ma'am Gina everytime na late ako sa klase nya. Ako lang? Yep. Ako lang naman kasi ang hindi matuto-tuto sa kanya e. At least! May special treatment sya sa'kin HAHAHA!



Buti na lang talaga walang dumadaan-daan dito kasi sobrang nakakahiya. May klase kase kaya as in wala kang makikitang taong dumadaan-daan lang except na lang kung tumatakbo kasi panigurado, late din 'yun xD Pang-elementary pa 'tong punishment na'to eh -___- 'Di pa ata maka-move on si Ma'am sa pagiging elementary.



At habang nagk-kwento ako sa inyo, bigla na lang lumabas si Ma'am sa kwarto saka ako inirapan then lumayas. Magtataka na sana ako kung bakit umalis sya agad pero



*kriiiiiiiiiing*



*smirk* Kaya naman pala inirapan ako kasi wala pa akong tatlong minuto dito sa ginagawa ko, bell na! Nyahahaha! Ganun ako ka-late sa kanya? Hahahahah!



Nang makapasok ako sa room, nadaanan ko 'yung dalawa kong kaklase na ke-aga-aga nagkakasala na agad. "Sst. Mag-motel kayo. 'Wag dito maraming bata." Kalabit ko sa kanila saka umupo sa upuan ko.



Pansin ko lang. Valentines na ba? Bakit andaming chuchuekslavung ka-churvahan ang nangyayari sa paligid ko?? Hahaha oo na ako na ampalaya dito.



>.>) ------ mga kaklaseng mag-jowa



Mga kaklaseng naglalandian ayaw namang mag-aminan ------ (<.<



Alam mo 'yung tipong halos daig pa nila mag-asawa kung maglandian pero hindi pa nga nagkakaligawan. Kung ako sa lalaki nako, niligawan ko na 'yan.. Hindi 'yung ganyan, M.U. ng M.U. Mga Malalanding Unggoy nga (^v^)



"Bff! Ano jan na lang forevs??" Nagulat ako nang sumigaw si Bff na ikinagising ng diwa ko. "Ayan na nga oh lalapit na." Sabi ko saka umupo sa upuan.



"Problema mo?" Tanong ko sa kanya.



"Pinaupo ka lang may problema na? Malapit ng dumating si Sir, kung hindi pa kita pinaupo edi detention room na naman ang papasukan mo imbes canteen." Sabi nya.



"Alam mo, Bes. Mata-tats na sana ako sa worries mo sa akin pero.. Tuesday ngayon, Bes. 3 subjects lang ang papasukan natin at hindi kasama doon si Sir Agunat. Pffft" Natatawang sabi ko sa kanya. "Tss. Alam ko 'yon.. Ang totoo talaga, nagmumukha ka na kasing tangang naka-tulala sa harap ng mga naglalandian nating kaklase kanina. Inggit lang?"



"Hindi.. Wala lang.. Kasi napa-isip lang ako. Bakit ba hindi pa nila ituloy sa totoong relasyon kung umasta naman sila daig pa bagong kasal. Kung ako 'yung lalake, malamang matagal ko nang napasagot 'yang babae."



"Bebs kahapon ka pa lang ba ipinanganak para hindi mo pa makasalamuha ang mga taong tinatawag na 'torpe'? Parang ikaw."



"Oiii. Anong ako??"



Courting The Gay Campus Heartthrob (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon