XXI - Locked

50 12 132
                                    

Chapter Tuwentii-wan </3
"Locked"

---

Para sa silent reader ko kuno, Norms! Kung talagang nagbabasa ka, malalaman mong this chapter is dedicated to you. Thank you, I love you and I miss you <3

---

~Joanna's Side~

"Si Renée?" Bungad ko nang dumating na sila Kumarse Marylee at Val.

Umiling lang si Kumarse Val at nagdire-diretso naman si Kumarse Marylee. I sighed.

Maaga akong pumasok dala na din ng pag-aalala kay Kumarse Renée dahil sa nangyari kahapon. Oo, alam na namin naging desisyon niya. Kaya hindi mapakali pwetsung namin dito simula kagabi pa.

Tinry namin siyang contact-in kagabi nang magkajiwa-jiwalay na kami after niya ipaalam samin yung nangyari pero hindi na siya sumasagot. Pinuntahan naman siya ni Kumarse Marylee sa bahay nila pero hindi daw ito lumabas.

"Sana ayos lang siya," wala sa sariling bulong ko. Narinig ko naman na nagsalita si Kumarse Marylee, "Tsk, da't talaga 'di ko siya tinigilan kagabi hangga't 'di niya ako nilalabas eh."

Naramdaman ko naman ang pagtapik sa balikat ni Kumarse Val, "Don't worry too much. Renée is a strong independent lady, she will not decide like that in the first place if she know that it can destroy herself. Believe in her."

We're all expecting the same, na hindi makakaborlog si Kumarse Renée kakaiyak then hindi makakapasok kasi jajagnatin. Kaya sabay-sabay kaming napatanga ng dumating si Renée at parang walang nangyari saka umupo sa upuan niya.

"Good morning!" Abot-tengang ngiti pa ang pagbati nito samin.

Sa sobrang shockla 'di namin magawang sumagot pabalik, tinitigan lang namin si Kumarse Renée na masiglang inilabas ang mga gamit tila ba naghahanda para sa susunod na subject. Untimo si Kumarse Marylee na literal na taong bunganga, hindi nakagalaw at nakapagsalita.

Kumarse sino ba namang hindi mabibigla, kung alam niyo lang nangyari kajapon! And to think na HINDI PA SIYA LATE PUMASOK!!

Pero bago tuluyang tumunog ang bellaluㅡ hudyat na simula na ang klase, halos magkasabay na dumating ang guro saka si Marvin. Saglit na inilibot niya ang mga mata na para bang may hinahanap at nang dumating siya sa direksyon ni Renée, para siyang nakakakita ng multo kaya agad niyang iniwas ang tingin.

Sabay-sabay kaming palihim na nilingon si Renée sa inakalang, nag-iwas ito ng tingin at nag-busy-busy-han, pero nagulat kami sa nakita.

Si Renée na diretsong nakatingin sa kanya, na walang kahit na anong bahid ng emosyon sa mga mata.

Para akong natakot na 'di ko maintindihan. Bigla akong kinabahan at nag-alala.

Renée, sana ayos ka lang talaga.

*
~Marylee's Side~

"Racelis, anong nangyari 'dun?"

"Oo nga, ba't parang ang awkward na ewan?"

"Kaya nga, para silang 'di magkakilala."

Isa-isang tanong samin ng mga chismoso naming kaklase pagkatapos na pagkatapos ng klase. Nandito kami ngayon sa canteen, sila Bff kasalukuyang kasama si Joanna bumibili ng pagkain kaya sinamantala na ng mga 'to ang pag-alis niya. Ang iilan naman ay nag-aabang sa kasagutan. Halatadong-halatado sa mukha nila ang pagtatakha sa nangyayari.

Buong maghapon kasing parang tangang nag-iiwasan ang dalawa. Alam niyo naman siguro kung sino?

Ramdam na ramdam ng buong klase ang biglaang pagbabago ng pakikitungo nila sa isa't-isa kaya ayan, hindi na nila napigilang magtanong. Hindi ko naman sila masisisi, saksi din sila sa naging kaharutan ni Bff noon kay Guzman kaya kahit ako sila, magtatakha din ako kung isang araw bigla na lang parang nagka-amnesia si Renée at ni hindi magawang lapitan yung isa.

Courting The Gay Campus Heartthrob (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon