Chapter Ilibin <3
"Friends"---
~Marylee's Side~
"Sa sobrang stressful ng isang 4th year college student ba't imbes na mangayayat, lalo akong tumataba?" Inis na tingin ko sa layer-layer na bilbil ko. "Pusanggala lalo silang nadadagdagan Mama."
Dinig na dinig naman ang pagtawa nila Bff at Marlinda sa sinabi ko. "It's because you don't exercise." Pag-english alam niyo na dapat na si Val na walang malay lang 'yan. 'Yan lang naman kasi ang amerikanong hilaw sa grupo namin.
And yes, tama kayo ng nabasa. Tropapits na kami nila kumareng Marlinda, Val na amerikana, ako at si Bff. Hindi ko din alam pa'no nangyaring makabuo kami ng isang grupo pang-kalokohanㅡ well, sila lang naman 'yung puro kalokohan kasi ako lang nag-iisang matalino dito samin eh. Well..
"Paano pa'ko magkaka-time mag-exercise eh untimo pagtulog ko nga walang wala na sa tamang oras??"
"Pero may time ka para tumambay sa bahay nila Renée-girl. Hay nako." Aba't inirapan pa'ko ng gaga. Nakuu!
Kalma, Marylee. Kalma. Kaibigan na siya. Kaibigan.
Huminga muna ako ng malalim saka nagsalita, "Palibhasa kase ikaw kahit anong kain mo 'di ka tumataba." Sabi ko saka tinusok ang siomai na nag-iisa. "Papaano mayroon kang anaconda sa tiyan."
"Hoy!!!! I heard that!" Papalag pa sana si gaga nang pigilan ni Marlinda. "Hep! Hep! Ayan na naman kayong dalawa. Nasa canteen tayo. Madaming tao, behave."
Binelatan ko nga. Ah wawa 'di nakaganti. Kahit naman magkakaibigan na kami, sadyang itong pangit na 'to lang lagi kong kaaway. Lagi ba naman akong pagtripan. Odi para kaming aso't pusa lagi except na lang kapag siya may sagot ng pagkain bwahahaha!
"Ay Jay, lumabas na ba ang m list ng mga kasali for Mr. And Ms. Campus this year?" Ani ni Renée. Umiling naman si Marlinda. "Wala pa nga eh. Nagtry ako magtanong kay Elaine dun sa office pero finafinalize pa raw."
Napatitig na lang ako sa dalawang 'to. Sa iisang table kasi kami nakaupo since magbebessy-bessy na nga kame duh. Pero magkatabi kaming dalawa ni Val tas yung dalawa naman sa tapat namin. Natutuwa ako na naging magkaka-close na kami pero tengene. Yung process ng panliligaw ni Bff 'di na umuusad these past few weeks. Hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang kabusyhan naming lahat as graduating students o ewan.
Kahit nga mga kaklase namin namimiss na mga banatan ni Renée kay Marlinda noon. Oo, pati 'yon nawala. Malay ko ba rito kay Bff. Magandang chance na nga 'tong close-close na silang dalawa para magkainlaban pero ba't 'di nakilos si gaga. Ako naiistress sa lablayp ng iba, kaya siguro single pa din ako eh punyeta.
Pero hoy!!!! May napapansin akong something fishy fishy ha. Comparing Marlinda pt.01 nung mga kapanahunang hindi pa naamin si Renée and that ligaw-thingy, ang gaslaw talaga ng galaw ni betla. Then sobrang masungit kung titignan, 'tas sobrang lambot like y'know typical betla. Ngayon? IBA GURLZ! Hindi na siya sobrang lambotㅡ well, nandun pa din 'yung lambot pero nabawasan na. Lagi na din nakangiti hindi na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa kapag nakasalubong mo sa hallway, and gurl!!!! GUMAGALAWANG HEARTTHROB NA TALAGA! May paminsanang namumulsa na siya while talking na kung dati'y naka-cross arms 'yan tas nakataas pa ang kilay. Oha! Oha!!
Marlinda pt.02 has started!!!
Konting panahon na lang talaga mga indaii, mapapa-straight din natin ang betlang itey. Trust meh!
Napabalik ako sa katinuan nang kalabitin ako ni Val. "Ano problema mo!?" Singhal ko. Kita nang may iniisip ako eh! "We're going already duh? Ano dyan ka na lang??"

BINABASA MO ANG
Courting The Gay Campus Heartthrob (HIATUS)
Roman pour Adolescents𝗣𝗶𝗻𝗸 𝗣𝗲𝗼𝗻𝘆 is a symbol of romance. This can be a perfect gift for a love one or the person who has stolen your heart. Date started 09.12.16 Highest Ranking: #9 SHINee 08/07/19