VII - Rivals

53 35 30
                                    

Chapter Sibin <3
"Rivals"

--

~Marylee's Side~

"Oops. Didn't hear that earlier from you."

"Ask yourself first if you really did listen to my report because if you really do, then you don't need to ask questions which I clearly stated before." Irap ni Bff. "Boba." Dinig ko pang bulong niya na siniko ko naman.

Kanina pa kami nakatayo rito sa harap kahit tapos na kami sa report namin. At kasalukuyang kasalan ito ng napakawalanhiyang gagang si Val na kanina pa tanong ng tanong kay Renée. Halatado na masyadong nananadya ang gaga eh.

"So no more questions? Okay, you may sit down. Thank you." Sabi ni Sir saka nagbigay ng further explanation about sa nireport namin.

Ansakit talaga sa bangs netong si Renée. Kulong-kulo ang dugo dito sa Val na 'to kahit may prof mukhang ready mambasag ng mukha eh. Buti na lang kahit barado si gaga hindi na pumoporma pa. Alam na atang wala siyang laban sa bunganga netong kaibigan ko lalo na kapag si Jay ang dahilan.

Nilingon ko naman si Bff na kasalukuyang nagdodrawing ng kung ano-anong linya sa likod ng notebook niya. As usual ganun naman siya palagi kapag galit siya. Hanggang sa natapos na lang yung subject nakaubos na siya ng tinta ng isang buong ballpen.

"Ngayon, nababalita ang tuluyang pagtanggal sa mga asignaturang Filipino at panitikan sa kolehiyo. Ano ang masasabi niyo rito bilang isang estudyante sa ika-apat na taon sa kolehiyo?"

Nagising diwa ko nang biglang nagtawag si Ma'am ng sasagot. Potek 'di pa naman ako nakikinig. Pero mas nagulat ako nang si Bff pala ang natawag.

"Hindi ako sang-ayon, Ma'am." Pucha. Mukhang mahaba-habang explanation 'to ah..

"At bakit?"

"Dahil alam naman nating ang wikang Filipino ang siyang ating wika na sumisimbulo sa pagkakakilanlan nating mga Pilipino. Kung tatanggalin ito, ano na lang ang ating magiging pagkakakilanlan?" Shookt for words. Iba talaga kapag broken, tumatalino.

Nagulat kami nang biglang nagtaas ng kamay si Val saka tumayo't nagsalita. "Tama lang na tanggalin bilang college subjects ang Filipino at panitikan 'coz on DepEd's new curriculum, they are preparing the students to be globally competitive. To be able to compete to different countries nang umunlad naman ang ekonomiya ng bansa and besides kabilang na ang mga ito sa K to 12 Basic Education Curriculum so it won't be needed in college anymore."

Sheyt. Ready for the battle?

Tumikhim si Renée. "Nakatuon ang Filipino sa tamang paggamit ng wikang Filipino, habang ang panitikan ay nakatuon naman sa pagbabasa at literatura. Kung 'yang sinasabi mo na pineprepara ng DepEd ang mga estudyante na makipagsabayan ng kompitensya sa buong mundo, paano nila ito magagawa kung sa sariling wika'y 'di sila tumugma?"

Nararamdaman niyo ba? Nararamdaman niyo ba yung ilong ko? Dumudugo na.

"Baka nga kahit ikaw walang alam sa tamang paggamit ng 'nang' at 'ng'." Dinig ko pang sagot ni Renée na siyang ikina-ingay ng mga kaklase namin. Kita naman sa mukha ni Val ang pagka-inis.

"Well sorry to say it's because I did not study here, I studied in States. So, how am I suppose to know those?"

"That's the point! Masasabi mo bang lumalago ang ekonomiya ng isang bansa kung hindi ito nakaiimpluwensiya sa mga banyaga na tangkilikin ang kanila?" Sagot ni Renée. Saka siya humarap sa aming lahat. "Sa inyong paningin sino ang mas nakalalamang, ang bansang Amerika na siyang nakaiimpluwensiyang gamitin ng ibang bansa ang kanilang sariling wika o ang bansang siyang gumagamit ng wikang Ingles at iba pang wikang banyaga para sa ikauunlad nila?"

Courting The Gay Campus Heartthrob (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon