VIII - "Us?"

48 34 32
                                    

Chapter Eyt <3
"Us?"

---

~Marylee's Side~

"Renée!!" Ampotek na babae na 'yon nasaan na kaya!?!?

"Jusko naman! Nasaan ka na malapit na magsimulaaaaaa."

May program kasi ngayon in celebration for the foundation and isa sa performers si bff, oha kala mo lang walang katalent-talent sa katawan 'yong lampatutay na 'yon pero maganda boses ng bruhilda! Well ganun talaga ako magpalaki eh *flips hair* pero ampotek hindi ko makita kung nasaan! HAWAK KO PA MAN DIN YUNG DAMIT NIYA!!

May napadaang estudyante sa harap ko na agad kong hinaltak pabalik. "Hoy! Nakita mo si Ramirez???" Tanong ko at nailing naman ito kaya agad ko ding binitawan.

Hanggang sa nakita ko 'yung isa sa mga kaklase namin na agad ko namang nilapitan, "Si Renée??"

"Ah! Nandun sa loob kanina ka pa hinihintay--" Hindi ko na narinig 'yung sumunod pa niyang sinabi dahil agad akong pumasok sa kwartong itinuro niya. "Bruha! Kanina pako naghahanap sa'yo sa labas!!"

Abot tenga naman ang ngiti niya saka kinuha sa akin ang damit na para bang hindi ako narinig na dumakdak sa kanya. Tsk iba din talaga amats neto eh. Kumuha ako ng isang silya saka naupo habang hinihintay siya. Actually may 5 minutes pa naman bago siya magperform sadyang oa lang talaga ako magreact. Sorna.

Hanggang sa napansin ko 'yung mga papel na nasa ibabaw ng lamesa niya. Liriko pala ng kantang kakantahin niya mamaya. Talagang prepared ang gaga. Hays kung sabagay, paano ba siya hindi magiging prepared eh halos eto na din 'yung declaration of love niya, kanino pa ba? Edi kay Jay. Yep. That's the main reason kung bakit ang dating tatahi-tahimik at daig pa Maria Clara na Renée Mae Ramirez naisipang ilabas ang kanyang inner artist para lang sa nililigawan niya. Nayswan deba? Si Maria Clara na ngayon nanliligaw ayooooos. =_=

"Hala ang ganda mooo!!" Napatingin na lang ako sa pinanggalingan ng boses. Nandito na pala sa loob ng classroom mga chismosa naming kaklase at saka ko lang nakita si Bff na suot ang dress na bitbit ko. Sheyt. Naiiyak ako. I feel so proud.

(TT) "Dalagang dalaga ka na anak. Parang kelan lang.." Himas ko sa buhok niya with matching teary eyes na ikinatawa naman niya. "Parang tanga." Natatawang sabi pa ng gaga.

"Renée ikaw na. Goodluck!" Biglang sulpot ng isa sa mga organizer na kaklase lang din namin saka lumabas si Bff.

"Galingan mo!!!" Pahabol ko pang sigaw bago siya tuluyang makalabas ng kwarto.

Ngayon naman, oplan hanap De Guzman naman. Kailangang marinig niya at masaksihan ang dekralasyon ng pagsinta sa kanya ng aking kaibigan!! Hindi ko hahayaang masayang lang ang lahat ng pagod kakapractice, lakas ng loob, at ice cream na hindi namin makain dahil lang sa kantahang iyan! Hindeeeee

*

~Renée's Side~

Ilang drum ng tubig na ininom ko pero tae kinakabahan pa din ako sa gagawin ko. Like omaygawd. For Christ's sake I've never been sang in front of anybody kahit nga kay Mama hindi ko magawa, SA ILANG DAANG ESTUDYANTE AT MGA GURO PA KAYA??? Sabi na nga ba sana uminom muna ako para lumakas loob ko eh ㅠㅠ

Isipin mo na lang, nananaginip ka lang.

Isipin mo na lang, nasa banyo ka lang..

Isipin mo na lang, para sa grades 'to...

Isipin mo na lang, nandyan si Jay manonood sa'yo.

ANUBAAAAAAAA!! NAMAN NAMAN!! Lalo akong kinabahan eh!!! Parang tanga!!!!

Courting The Gay Campus Heartthrob (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon