Chapter Siks </3
"Tigil?"---
~Marylee's Side~
"Tignan mo talaga 'tong batang 'to oh! Anong oras na! Hindi pa nagigising! Aba'tㅡ" dahan-dahan kong tinakpan ang magkabilang tenga gamit ang earphone saka uminom ng ihinanda niyang juice. Eto naman kasing si Bff bakit hanggang ngayon tulog pa den! Mag-asawang sermon na naman abot netong babaitang to eh.
Nandito ako ngayon sa bahay nila, sabay kasi kami pumasok araw-araw pero ngayon lang uli ako nag-antay sa kanya dito sa bahay nila. Hindi na ako dito nag-aantay sa bahay nila kasi ayokong nakikitang sinesermonan si Bff ng nanay niya. Baka hindi ako makapag-pigil eh! Buti na lang may earphone dito sa sofa nila.. -_-
Nakakatawa lang tignan, parang nasa gitna ako ng gyera pero muted lahat HAHAHAHA! Kaloka. Kita mo pa yung paglabasan ng ugat ni Tita sa lalamunan pero nagdala talaga yung pagkawalang-tunog ng pinagsasasabi niya hahahahhaha LT naknang foots! XD
Hanggang sa nakita ko nang bumaba si Bff sa hagdan kaya tinanggal ko na yung earphone. "Buti naman nagising ka na no!? Anong oras na!! Kanina pa nandito si Maryleeㅡ"
"Ahahaha.. Okay lang po, Titaㅡ"
"Anong okay?? Hindi okay yun! Kung ano ba kaseng pinaggagagawa ng batang 'to gabi-gabi, bakit laging tanghali na magising! Ilang taon ka nang ganyan, Renée! Hindi ka matuto-tuto!!!" Sigaw niya na may kasama pang dutdot-dutdot sa ulo ni Bff. Hutangㅡ
Hanggang sa hindi na ako nakapag-tiis. Agad kong hinatak si Renée palabas saka sumigaw, "Sige po, Ta!!" Sigaw ko. PoTa ka talaga!
Habang naglalakad, mukhang timang na ngingiti-ngiti pa si Renée. Kundi ba naman malakas tama neto e no!? Parang walang nangyari?? Kung sabagay, sanay na kasi siya sa panggaganyan sa kanya ng nanay niya.. Sa araw-araw ba naman eh hindi ka pa masasanay? Simula nung umalis yung Papa niya.. Oo, broken-family sila. Hindi pa napapanganak si Bff, hindi na niya nakita Tatay niya. Minsan nga kapag naggagala kami tapos nakakakita kami ng mag-anak na buo, masaya, hindi niya maiwasang maiyak. Taena kahit naman ako e. Eh kung ako nga, hindi ko minsan kinakaya ang pag-alis ni Papa papuntang abroad kahit na magkikita din naman kami next year, siya pa kaya na simula't sapul ni-anino hindi man lang niya nakita. Kaya nga kung minsan kapag nakakakita dn ako ng buong pamilya hindi ko maiwasang mapabulong, "Mag-aabroad din yan 'pag wala na kayong pera." kaasar e :3
Feeling ko, parang yung galit ng Mama niya sa Papa niya sa kanya binubunton kaya ganyan siya itrato.. Kahit ako hindi ko pa nakikita Papa niya pero lakas ng kutob ko na kamukha niya si Renée. Hindi niya kamukha si Tita eh hahahahha. Minsan ko na ngang natanong kay Bff kung bakit napagtitiisan niya yung pagtatrato sa kanya ng nanay nya, "Siya na lang ang pamilya ko.. Kaya kailangan nasa tabi niya ako. Nanay ko pa din naman siya kahit itaktak pa natin pabaliktad ang mundo." Sagot niya.
*
~Renée's Side~
The bell rangs kasabay ng pag-alisan ng mga estudyante sa kani-kanilang silid. Nandito ako ngayon sa room namin, nakaupo, nagmamasid sa mga estudyanteng busing-busy sa pagliligpit ng mga gamit nila para makalabas na. Uwian na kasi pero feel ko pang mag-muni-muni dito. Tsaka ayoko pang umuwi tiyak papagalitan na naman ako ni Mama.
Haaay.
"Sst. Uwian na, hindi pa ba tayo uuwi?" Kalabit sa akin ni Bff. Umiling ako, "Mamaya pa'ko. Kung gusto mo mauna ka na lang.." Sabi ko saka yumuko. Nadinig ko namang nagbuntung-hininga si Bff saka nagsalita,
"Bff, kanina ko pa sinasabi sa'yo.. Walang mangyayari sa kanila. Kita mo naman hindi siya pinapansin ni Jay mo diba? Hanggang dun lang yun. Wag ka mag-alala." Sabi niya kasabay ng pagsulpot sa isip ko ng mumento kanina..

BINABASA MO ANG
Courting The Gay Campus Heartthrob (HIATUS)
Teen Fiction𝗣𝗶𝗻𝗸 𝗣𝗲𝗼𝗻𝘆 is a symbol of romance. This can be a perfect gift for a love one or the person who has stolen your heart. Date started 09.12.16 Highest Ranking: #9 SHINee 08/07/19