X - Manok

44 33 62
                                    

Chapter Ten <3
"Manok"

---

~Marvin's Side~

"Ahm.. Renée,







YOU DO KNOW THAT I LIVE HERE IN A 30-FLOORED-CONDOMINIUM RIGHT?????"

Napakamot sa batok si ateng habang nakangiti ng ngiwi. Napabuntong-hininga na lang ako. "Saan mo na naman ba kasi napulot 'yang idea na 'yan? Manliligaw gamit ang isang manok? Alam mo naman sigurong hindi din mahilig manabong 'yung tatay ko di'ba?"

Pagka-aga-aga ba naman kasi may tumawag sa telephone ko dito sa condo at nagsabing may nagngangalang Renée Mae Ramirez na nasa lobby at gustong pumunta sa unit ko pero 'di nila mapayagan papaano, MAY DALA BA NAMANG TANDANG MANOK. Buti na lang at napakiusapan ko naman na papasukin siya at sinabing ako na lang bahala na hindi makakawala at makapinsala 'yung manok na bitbit niya.

"Hindi naman kasi para panabong 'yan. Sabi kasi nung magtataho samin na si Kuya Pendong ganun daw ginagawa nila dun sa kanila. Sabi niya magdala daw 'yung manliligaw ng isang lalaking manok sa bahay ng nililigawan tapos 'yang manok 'yung magsisilbing tagapamagitan sa dalawa. Tsaka nagresearch din naman ako kung totoong may ganun at oo nalabas kaya. Registered as Rooster Courtship ng Pilipinas!"

Napasapo ako sa noo. So kasalanan pala 'to ni Kuya....

Ano nga pangalan 'non?

...Panding?

...Pating?

....Pending?

Ay basta! HINDI KA SANA MAKABENTA NG TAHO!!

"Okay sige kukunin ko 'yang manok mo." Para kapag wala na'kong makain, iihawin ko 'yan. Pagkalapad-lapad naman ng ngiti ni babae nung marinig 'yon, napailing na lang ako.

Ilang araw na lumipas simula nung nakapag-usap kami na sabi ko tigil-tigilan na niya ang panliligaw niya sakin kasi nga wala lang siyang mapapala pero ayon na nga, ano bang magagawa ko eh trip niya talaga eh. Kung dito naman siya sasaya edi go, sino ba naman ako para pigilan siya sa bagay na ikasisiya niya di'ba?

Pero hanggang ngayon wala pa ring nakakaalam kung bakit siya hindi nakapasok ng isang araw. Kahit si Racelis hindi niya sinasagot sa t'wing nagtatanong, binabalewala na lang niya or iibahin na lang niya ang usapan. Hindi naman sa big deal na hindi siya nakapasok like hello? Hindi naman 'to first time na nakakita kami ng umaabsent pero first time kasi umabsent sa examination week ng isang Renée at 'yun ang mas nakakapagtaka.

Tho, alam ko naman na bibigyan siya ng chance makapagtake ng mga na-miss niyang examinations dahil isa siya sa mga top students ng bawat Prof namin, never naman niya itinake for granted 'yun. Sa buong mga taon na naging kaklase ko siya, never talaga. Kaya kahit ako mismo hindi 'din mapigilang mapaisip kung anong meron.

"Jay ano ipapangalan mo sa kanya?" Napatingin ako sa manok na kasalukuyan niyang pinakawalan at ngayo'y dahan-dahang naglalakad sa salas para bang iniikot ang sarili sa condo ko. First time ba naman kasi ng isang manok manirahan sa condo, susyalin diba. First time ko lang din makarinig ng tenant na may alaga pero hindi aso o pusa kundi manok jusmiyo.

"Prito." Nanlaki ang mata ni Renée sa sinabi ko. Pati ako nagulat eh pero why not. "Kyut naman ah. Prito~ klok klok." Pagtawag ko dito.

'Wag niyo ko pagtawanan di ko alam pantawag sa manok eh bakit ba.

Nilingon naman ako ni Prito saka itinagilid ang ulo na para bang nabali 'yun. "Siraulo 'tong amo ko, buhay pa man din ako pero naisipan na ng style sa pagluto." Dinig kong bulong ni Renée na para bang si Prito ang nagsasalita na sikreto kong ikinatawa.

Courting The Gay Campus Heartthrob (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon