XIX - Mr. Deny

57 29 261
                                    

Chapter Nayntiin </3
"Mr. Deny"

---

Dedicated sa'yo. Thank you kasi dahil din sa'yo, nakabalik na'ko :))

---
~Marylee's Side~

Futa para akong natatae. Kanina pa ako pinagpapawisan ng malamig at butil-butil, samahan mo pa ng nagtatayuang balahibo ko mula ulo hanggang singit sa sobrang kaba!

Kanina pa nag-start ang contest nila Bff. Ewan ko ba! Ako yung mas kinakabahan pero di naman ako yung lumalaban!!

Tapos na ang casual wear, intermission number at kasalukuyang rumarampa na sila with their sports wear. At pagkatapos nito chismisan naman ng celebrity guest na 'yon, then formal wear na and awardings. So far so good naman, of course 'di magpapatalo si Val at ang pakner niya na kala mo nagmomodel laging naka-fierce-- in short nakabusangot na si Marlinda.

Pero 'di din naman basta-basta papakabog ang Bff ko syempre!! Ako manager n'on eh! Kahit na kanina halos muntik na silang lumigwak dahil sa ewan anong sumaping kahihiyan na naman dyan kay Bff. Buti na lang naisalba pa din ni Mareng Joanna. 'Yang dalawa lang naman talaga naglalaban. Marlina and Val, Joanna and Bff. Pampagulo lang talaga yung iba.

"Hoy!" Hinatak ko ang isa sa mga photographer-kuno ng event.

"Dahan-dahan naman! May camera ako. Bakit ba?" Ingos niya, binatukan ko nga.

"Ayusin mo naman sa pagkuha ng litrato kay Ramirez! Nakaka-ilang click ka pa lang sa iba ka na agad naka-focus aba! Sayang binayad ko sa'yo!!" 'Wag niya'ko inaano naririnig ko click ng pipitsuging dlsr niya. Wala pang 5 click lilipat na agad.

Nagkamot ito ng ulo, "Eh sabi mo kapag nandyan din si Miss Val picture-an ko din agad."

"Oo nga pero ang usapan tig-5 sila. 'Di ka ba marunong magbilang? Ano tuturuan pa kita??" Buknoy na 'to nasagot pa.

"Oo na," labas sa ilong na sagot niya, "kala mo naman napakalaki ng binayad parang fifty pesos lang naman."

Naningkit ang mga mata ko, "may sinasabi ka?"

"Uy, si Ramirez ulit! Sige ssob!" 'Yun lang at umalis na siya pero talagang nagpakalayo-layo.

Tarantadong 'yon. Buti nga singkwenta pa binigay ko dapat bente nga lang wala tuloy ako papainom na malamig na softdrinks sa alaga ko. Tiis-tiis lang muna tuloy dito--

"Hoy! Sino may sabing tanggalin mo 'yan?!" Dali-dali akong lumapit sa drinking fountain kung saan may kasalukuyang abnormal na inaalis ang pinapupuno kong galon.

"Ahm 'di ba pwedeng pasingit lang ng isang baso? Uhaw na uhaw na kasi ako--"

"Wala akong pake," putol ko. "Pumila ka kung gusto mo uminom ng libre hindi yung sumisingit ka. Gusto mo kurutin ko ng nailcutter singit mo?"

Magsasalita pa sana siya nang makita kong puno na pala yung galon. Agad kong tinanggal yung hose na kinabit ko kanina tsaka binuhat yung galon. "Oh, ayan. Laklakin mo ha?"

*
~Third Person's Side~

"Oh, ayan. Laklakin mo ha?"

Parang nagningning ata ang paligid niya nang marinig iyon at nang sa wakas natapos na sa pag-iigib yung babaeng 4th year na ang tapang-tapang. Halos himatayin na kasi siya kanina pa dahil sa 'di sinasadyang pagkain niya ng dinamite na pinilit sa kanya ng crush niya. Malay ba niyang sili pala ang laman noon!

Pagkaalis na pagkaalis nito ay agad niyang itinutok ang baso na nakuha niya sa canteen pero--

"Huh?"

Courting The Gay Campus Heartthrob (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon