Chapter Tuwentii </3
"Bakit"---
This chapter is dedicated to my very best girl, Menggay. Thank you in everything! Sana mabasa mo 'to :))
---
~Renée's Side~
"Uy si Renée!"
"Hi Ate!"
"Ang ganda niyo po!"
Isa-isang bati sa'kin ng mga estudyante habang papasok ako. Nginitian at kinawayan ko na lang sila sa sobrang kahihiyan. 'Di ako sanay sa ganitong spotlight.
Tatlong araw na ang nakalipas after ng contest pero hindi pa din nila ako tinitigilan. Hindi naman sa pag-iinarte, kasi sa katunayan nagustuhan ko din naman yung naging feedback ng tao sa pagkapanalo ko.
Nawala yung mga chismisan about sa'kin at kay Joanna, nawala na din yung mga bad vibes, tila ba ng dahil sa pagkapanalo ko nakalimutan nila 'yon lahat which is sobrang ikinatuwa ko. Ang kaso nga lang, ayoko ng ganito.
Para bang nauubos agad energy ko kakakausap at interact sa ibang tao. Laging kailangan nakangiti ka kadi kapag hindi, baka may masabi sila eh ngawit na'ko huhu.
Matapos ang mahabang lakaran, sa wakas nakarating na din ako sa room. Nakahinga ako ng maluwag, para bang pwede na'ko bumalik sa normal. Ang mga kaklase ko kasi naka-move-on na, well buti pa nga sila sana soon yung iba din. ㅠㅠ
"Tagal mo," singhal sa'kin ni Bff. Nag-peace sign lang ako saka umupo.
Agad ko ipinalibot ang mata sa paligid, "Wala pa siya?" Tanong ko sa kanila.
"Bakit mo na naman hinahanap ang wala?" Magkasalubong ang kilay ni Bff nang sabihin niya 'yon, "Pwede ba, Renée Mae Ramirez ha? 'Wag mo'ko umpisahan."
"Ang aga-aga highblood ka," natawa na lang ako. Galit si Bff kay Jay. Well ano pa ba bago 'don? Galit naman na siya simula nung araw na nagbago pakikitungo niya sa amin. And nung araw na naging kaibigan na namin si Joanna.
Speaking of, naramdaman kong kinalabit ako nito na ikinalingon ko. "Hindi ka pa din ba pinapansin?"
Umiling ako, "Hindi eh."
"Ano bang problema n'on, Kumarse?" Tanong niya kay Val na ikinailing din nito, "I don't seriously know."
"I can't even imagine he'll be that cold enough against us especially to Renée-girl. It's beyond my expectation," bumuntong-hininga siya, "iba na si Marvin, ibang-iba na." Dagdag pa nito.
Narinig ko naman ang pag-ingos ni Bff mula sa likod, "H'wag na h'wag lang siya papakita sa'kin. Sa mga ginawa niya sa'yo sa mga nakaraang araw? Baka magdilim na paningin ko sa kanya."
Napangiti na lang ako ng mapait nang maalala yung mga nangyari.
Kasalukuyang may fare ang university dahil patuloy pa din ang pagdiriwang sa foundation day nito. Samu't-saring booths ang nagkalat sa buong campus at isa na rito ang booth nila Jay. Matapos ang pagkapanalo namin ni Joanna sa contest, hindi ko na siya ulit nakita kaya naisipan ko siyang puntahan.
Galit pa din kaya siya? Sana naman hindi na.
Habang tirik na tirik ang araw ay madami pa ding estudyante ang hindi magkamayaw sa paglilibot sa mga booths na inihanda ng kapwa nila estudyante. Sila Val at Bff kasama si Joanna ay kasalukuyang naglilibot sa food section. Ako naman, nagpauna na para puntahan si Jay.

BINABASA MO ANG
Courting The Gay Campus Heartthrob (HIATUS)
Ficção Adolescente𝗣𝗶𝗻𝗸 𝗣𝗲𝗼𝗻𝘆 is a symbol of romance. This can be a perfect gift for a love one or the person who has stolen your heart. Date started 09.12.16 Highest Ranking: #9 SHINee 08/07/19