XVII - Unheard

44 31 84
                                    

Chapter Sebentiiin </3
"Unheard"

---

~Renée's Side~

"Anong ginagawa mo dito?" ulit niya. Hindi ko mawari kung ano pero talagang may mali.

"Ahm, dinalhan kita ng pagkain! Bopis na luto ni Ate Lorns. Paborito mo 'to 'di'ba?" Isa-isa ko ng isinalansan ang mga pagkain.

"Hindi ako nagugutom." dinig kong sagot niya kaya tinignan ko siya. Kasalukuyan siyang nakatingin sa malayo.

"Yie parang ano naman 'to. Bagong luto pa 'to oh, mainit-init pa nga. Fresh from kaldero oha. Unang sandok pa 'to ni Ate Lorns kaya paniguradong masarap!" pagpupumilit ko, with matching arte pa 'yan para lang magutom siya at 'di na makatiis na kumain.

Pero ilang segundo na ang nakalipas wala pa din siyang kibo, at mas lalo akong kinabahan dahil doon.

"Uy, Jay, nagtatampo ka ba? Sorry na kung 'di kita nakakamusta this past few weeks. Sobrang busy mo kasi kaya naisip kong h'wag ka na lang distorbohin. Alam ko kasing ayaw na ayaw mong nadi-distract ka lalong lalo na sa school duties." Akala 'ko pagkatapos 'ko 'yun sabihin bigla na lang magpapapadyak si Jay 'tas tatalakan ako na kesyo oo nagtatampo nga siya 'tas bakit ko siya kinalimutan ganto ganyan like what a typical Marlinda that I knew would do peroㅡ wala.

Nananatili siyang tahimik na nakatayo sa gilid at sa malayo nakamasid. Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita, "Jay, may problema ba?"

Akala ko 'di na niya talaga 'ko kikibuin forevs pero laking pasalamat ko nang marinig ko siyang sumagot.

"Walang problema, pero may tanong ako." aniya habang nakatingin pa 'din sa malayo.

Lalo atang nagwala yung dibdib ko sa sinabi niya. "Ano 'y-yun?" Lintek na 'yan, Renée kumalma ka nga hindi 'to graded recitation anuba.

"Bakit mo pa ginagawa 'to?"

Kumunot ang noo 'ko sa tinanong niya. "Ang alin?"

Huminga siya ng malalim saka nagsalita, "Ba't nandito ka? Bakit pinaghahandaan mo'ko ng makakain? Bakit 'di ka na lang 'dun sa partner mo? Ano? Iniwanan ka niya siguro kaya balik ka uli sa'kin." aniya but this time, habang titig na titig sa mga mata 'ko na para bang may hinahanap siyang sagot mula rito.

Hindi ko alam pero para niya akong sinampal sa mga tanong niya. "Ganyang klase ng babae ba tingin mo sa'kin, Jay?"

Pagkasabing-pagkasabi 'ko no'n, agad siyang nag-iwas ng tingin. "Hindi ko na din alam, Renée. Gulong-gulo na'ko."

Magsasalita pa sana uli ako pero shet! May naalala ko!! Hindi nga pala niya alam na hindi totoo yung meron sa pagitan namin ni Joanna. Baka kaya siya naguguluhan ngayon kasi hindi na niya maintindihan kung bakit ko pa 'to ginagawa, kung bakit ko pa ipinagpapatuloy yung panliligaw ko sa kanya kung may kasintahan na'kong iba.

"I'm sorry, hindi ko pa pala naipapaliwanag sa'yoㅡ"

"No. Hindi mo na kailangan ipaliwanag. Naiintindihan ko." putol niya.

"Pero, Jayㅡ" hindi niya 'ko pinatapos, agad na siyang umalis at iniwan akong tunganga sa loob ng faculty.

*

~Marvin's Side~

After I left her at the faculty, dumiretso ako sa field kung saan napakatahimik at walang ibang tao. Hindi 'ko na din maintindihan sarili 'ko kung bakit ganun yung inasta 'ko kanina. But one thing is for sure, and that is,

Courting The Gay Campus Heartthrob (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon