XVIII - Rain

62 32 119
                                    

Chapter Eytiiin </3
"Rain"

---

~Renée's Side~

"Renée!! Renée!!!"

"Poㅡ a-aray.. Bakit po??!!"

"Ano bang ginagawa mo?! Kanina pa kita tinatawag!!" Sigaw ni Mama sa pinto. Kanina pa kasi ako nagmamadaling kumilos. Shet ma-late na'ko sa lahat ng subject ko sa school 'wag lang pagdating kay Jay.

Dahan-dahan kong inangat ang paa kong nabangga sa kanto ng kama 'ko. Sheeeeeet mashaket ㅠㅠ

Wala pa man ilang segundo narinig ko na naman ang pag-galabog ni Mama sa pinto. "Renée ano ba!!!"

"Eto na poooo!" Agad na'kong lumapit sa pinto at pinagbuksan si Mama. Kitang-kita ang pagkunot ng noo niya nang makita ako.

"Saan ka pupunta ba't nakabihis ka?"

Pagkabukas ko ng pinto ay iniwanan ko na siya para makapag-ayos. "Ma, may susunduin lang." Ni hindi pa nga ako nakakapagsuklay!!!

"Sino? Saang airport??" Dinig kong tanong niya. "Huh? Anong airport, Ma?" Tanong ko habang nagmamadali pa din.

"Oh ba't ako tinatanong mo eh ikaw ang manunundo?"

Hala ka ang gulo mo po, Ma. "I mean, susunduin nga po pero hindi po sa airport manggagaling."

"At sino naman?" Bakit hindi matapos-tapos 'tong question and answer portion ni Mama?????

Kinakabahan ako eh!!!

Baka mamaya kakatanong niya ng tanong tapos ako nagmamadali 'di ko na lang mamalayan naisiwalat ko na lahat ng kalandian ko tungkol kay Jay pati 'tong pagsusundo ko sa kanya.

Napag-usapan kasi namin kahapon ni Jay na susunduin ko siya mamaya pag-uwi niya. Ilang araw na din simula nung walk-out keme, ilang araw na din simula nung pabayaan ko siya para makapag-isip-isip at magpahinga muna kasi baka mamaya ma-wrong timing na naman ako then kahapon nagstart uli ako na kausapin siya.

"Uhh. J-jay?" Kabadong tanong ko. Laking pasalamat ko nang lumingon naman siya sa gawi ko. Halos manubig mata ko nang makita ko siyang tumingin sa mga mata ko. Huhu ilang araw na din nakalipas simula nang huling beses niya ako tinignan ng ganito.. Naalala ko na naman nung time na inalisan niya ko, nakakaiyak.

Buti na lang saktong pumasok na siya sa klase namin kaya nagkaroon na'ko ng chance na makausap siya ulit.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Nagulat ako ng umayos siya ng tayo sa harap ko. Sheyt lalong dumoble 'yung kaba ko. "T-tungkol sana saㅡ"

"Ramirez, kung tungkol pa rin 'to sa relasyon niyo ni Anderson, 'wag ka na mag-abala pa." Aniya na agad kong kinontra. "H-hindi! Tungkol sana 'to sa atiㅡ"

Napatigil ako nang marinig ang malakas na tunog ng bell. "Pwede bang mag-usap tayo mamaya pag-uwi?" Huhu ang wrong timing talaga.

"Hindi ako pwede mamaya. I have loads of work to do." Sambit nito saka tumalikod paalis. "T-teka, Jay! Bukas pwede??" Sigaw ko.

Courting The Gay Campus Heartthrob (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon