Chapter Tirtin </3
"Change"---
~Renée's Side~
"Renée look at this." Pagtawag pansin sakin ni JM na ikinatingin ko. Ipinakita niya sa'kin yung telepono niya saka nagplay yung video.
"HAHAHAHAHAHAHA! Ang kyuuuuut!!" Natatawang sabi ko. Yung ipinakita niya kasi video ng mga pusa tapos yung mga amo nila naglalapag ng pipino 'tas yung mga kaawa-awang pusa napapatalon sa gulat. Hindi ako cat-person pero soooobrang kyut kasi!!!!!!
"Gawin ko kaya 'to kay Muning? AHAHAHAHAHAHA fudge I can imagine it already pfft!" Tatawa-tawang sabi niya rin.
Simula nung araw na umamin siyang bakla siya naging close na kami. Dahil siguro kasi ako lang ang nakakaalam na ganun siya.
Mahigpit na bilin niya kasi sakin na huwag kong ipagkalat kahit kanino especially kay Bff kasi for sure mas madaldal 'yun kesa sa'kin at baka kumalat sa university na 'to na bakla siya at kapag nangyari 'yun, BOOM!
Nakwento niya kasi sa'kin na may Kuya siya at! ISA PA SA MGA BAGONG PROPESOR NG UNIVERSITY NAMIN! Kaya once na kumalat ang bali-balitang bakla siya, malamang sa malamang lagot siya, hindi lang sa Kuya niya kundi pati na rin sa mga magulang niya. Tinanong ko nga siya kung ganoon na lang ba kastrikto ang pamilya niya about sexuality ng anak nila pero sabi niya hindi niya daw talaga alam. Hindi niya alam kung magagalit ba sila or what pero hangga't maaari iiwasan na niya. Mahal na mahal niya daw kasi ang Mommy niya at ayaw niya itong masaktan or mamoblema if ever ilantad niya ang tunay na siya.
Kahit nga yung pagiging anak niya na hindi naman talaga totoo, itinatago niya sa pamilya niya kasi ayaw niyang masasaktan sila. Paano nangyari 'yun? Ampon lang daw kasi siya. Matagal na niyang alam. Nag-umpisa 'yon nung magtakha siya kasi lagi daw siyang niloloko dati na hindi naman daw sila magkamukha ng Kuya niya kaya halos walang naniniwala na magkapatid sila hanggang sa napagdesisyunan niyang alamin kung bakit ba talaga. Untimo kasi sa parents nila wala siyang kamukha ng kahit 0.1% kumpara sa Kuya niya na kamukha ng Papa nila. At ayun na nga, nalaman niyang hindi siya tunay na anak pero imbes na magwala, mag-eskandalo kung bakit nila itinago 'yun sa kanya, mas pinili na lang niyang manahimik at magkunwaring walang alam tungkol sa usaping 'yon. Kasi sobrang masaya naman daw siya sa pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya mula noon hanggang ngayon lalong lalo na sa pagmamahal ng Mommy niya kahit na kung tutuusi'y hindi naman siya nagmula dito, kaya parang sukli na niya ang pagtatagong 'to para sa lahat ng sakripisyo nila sa kaniya na hindi man lang nila kadugo, pero minahal ng buo.
Kinwento niya din yung mga paghihirap niya sa pagtatago. Like yung mga pagpapalalim niya ng boses niya everytime sa ibang tao siya haharap at lalong-lalo na kapag sa pamilya niya.
Yung mga pagpipigil niya daw kapag napapaligiran siya ng mga pandesalㅡ err, not the pandesal-tinapay okay? I mean mga gwapong lalaki na super lowkey lang pero sumasabog ang kagwapuhan. Yun kasi term niya sa mga ganung klaseng lalaki eh, pandesal so... yeah.
And then yung mga times nung bata pa siya na pinapipili siya ng Papa niya ng laruan kasi chinicheck kung lalaki ba talaga siya, between Barbie and Superman, he smartly chose Superman na ikinatuwa naman ng ama niya pero little did his father know daw kaya niya pinili si Superman kasi gwapo atㅡ nakalabas ang brief then naiirita daw siya kay Barbie kasi mas maganda sa kanya. *facepalm*
Sobrang naging magaan ang loob ko sa kanya at natuwa ako kasi isa ako sa mga pinagkatiwalaan niya ng mga sikreto niyang 'yun kahit na kung iisipin at bibilangin eh iilang araw pa lang kami nagkakilala at nagkausap. I'm still a complete stranger to him pero walang atubili siyang nagshare ng kwento niya ng hindi ako itinuturing na basta kung sino lang. Kaya ayun, syempre alam ko din naman sa sarili ko na 'di ko kayang pigilan ang bibig ko lalong-lalong-lalong- lalo na pagdating kay Bff na halos lahat ng baho't sikreto ko sa katawan at buong buhay, alam niya, iniiwasan ko tuloy siya huhu. Baka kasi hindi ko na lang mamalayan mapunta na'ko sa kabaklaan ni Joanㅡ este Mike huhu. Buti na nga lang at nakikita kong nandyan si Val at kahit papaano napupunan niya yung pagkukulang ko kay Bff huhuhu ngayon pa lang ako nahiwalay ng ganto kay Bff kahit mag-away man kami noon sooner or later magbabati din agad kasi hindi namin matiis ang isa't-isa pero huhuhu.

BINABASA MO ANG
Courting The Gay Campus Heartthrob (HIATUS)
Teen Fiction𝗣𝗶𝗻𝗸 𝗣𝗲𝗼𝗻𝘆 is a symbol of romance. This can be a perfect gift for a love one or the person who has stolen your heart. Date started 09.12.16 Highest Ranking: #9 SHINee 08/07/19