Chapter Sikstiiin </3
"Mr & Ms"---
~Renée's Side~
"Sis don't worry, I can handle them." sabi ni Joanna na sinundan ng tawa. "Siguraduhin mo lang, Enriquez kundi nako 'di talaga kita tatantanan pagbalik ko."
"Hoy! Don't you dare say that name again, sinasabi ko sa'yo."
"Ano gagawin mo? Ha?" halos iluwa na si Bff ng screen sa sobrang lapit. "Kasi naman kumarse ang ganda-ganda ng name ko binabasura mo huhu."
Natawa na lang kami ni Val. Nag-uusap kasi yung dalawa thru video call kanina pa at binibilinan ni Bff si Joanna since he's still the guy here, dapat daw bantayan niya kami especially around people like nung nakaaway niya back then pero siyempre hindi mawawala ang asaran nila.
"Teka ba't kayo naglalakad? Ako nahihilo sa inyo eh."
"Shunga sasabihin na daw yung mga candidates sa Mr & Ms Campus. Nakaka-excite!" sagot ni Joanna.
Kumunot ang noo ni Bff, "Oh eh ba't 'di pa kayo pumupunta sa hall?"
"Teh eto na nga oh papunta na, bulag lang?"
"Hoy bayot ka kanina ka pa namumuro ka na sa'kin pasalamat ka wala ako dyan kundi kinalbo na kita!!" nanggigigil na sabi ni Bff na ikinatawa naman ni Joanna.
"Char-char lang kumarse, miss you!" anito saka nag-flying-kiss.
Natatawa namang kinuha ni Val 'yung phone, "Sige na. We're already inside the hall, talk to you later." 'Yun lang at in-end na niya ang call.
Nagsisimula nang dumami ang mga tao sa loob. Nagsisimula na ding magsidatingan yung mga famous students na for sure isa sa mga candidates.
Hindi din masyadong nagtagal nang magsimula na sila sa programa. "Good Morning, students. It's good to see you all excited!" panimula ng MC.
"Without further ado, let's all welcome Ms. Elane!!" Nagpalakpakan kaming lahat sa pag-akyat nito sa stage. Masayang iwinagayway nito ang isang sobre na posibleng naglalaman ng mga pangalang pinaka-aabangan ng lahat.
"Lakas maka-kaway, nakalimutan niya atang naka-sleeveless siya. Darkness fell, kumarse!" dinig kong bulong ni Joanna na ikinatawa ko. "Manahimik ka nga adik ka." saway ko habang tatawa-tawa pa din si baklita.
"So the lists of candidates for Mr and Ms Campus has finally arrived. And I congratulate every candidates in advance." Saglit na lumingon si Ms. Elaneㅡ organizer and head na humahawak ng programs for foundation dayㅡ sa technical team saka biglang nagflash sa napakalaking screen ang mga pangalan.
Marvin Jay De Guzman & Ven Audrey Lorraine Flax
Agad akong napalingon sa gawi ni Val nang makita ko ang pangalan niya. Kasalukuyang pinagkakaguluhan siya ng mga kaklase namin na ikinatawa ko. Wala si Jay, hindi ko alam kung bakit pero puntahan ko na lang siguro siya mamaya sa faculty.
Patuloy pa din ang kaliwa't-kanang asaran kay Val hanggang sa ang sumunod na pangalang ipinakita naman ay,
John Mike Anderson & ...
Hoy!? Ba'tㅡ
"OMYGOD RAMIREEEEEEZ!!!!"
*
~Marvin's Side~
"Ano guys, okay na ba? Make sure to flash the candidates exactly like stated on the paper that Ms. Elane will be reading later." kausap ko sa technical team.

BINABASA MO ANG
Courting The Gay Campus Heartthrob (HIATUS)
Teen Fiction𝗣𝗶𝗻𝗸 𝗣𝗲𝗼𝗻𝘆 is a symbol of romance. This can be a perfect gift for a love one or the person who has stolen your heart. Date started 09.12.16 Highest Ranking: #9 SHINee 08/07/19