XXII - Finally

44 14 251
                                    

Chapter Tuwentii-tu </3
"Finally"

---

~Joanna's Side~

"Taray ang aga na naman natin ngayon, Ramirez!" Napatingala ako mula sa pagkakayuko saka agad na hinanap ng mata si Kumarse Renée.

Natatawang umapir naman siya sa isa naming kaklase, "syempre naman, enjoy-in ko na natitirang oras natin dito hano."

"Bagong buhay talaga, naunahan mo pa sila Kumarse Marylee at Val." Natatawang pang-aasar ko din nang makarating na siya sa kanyang beloved seat.

"Ewan ko ba sa inyo, masanay na kasi kayo. Ibang Renée Mae Ramirez na ata kaharap ninyo," proud na sabi niya saka tumawa pagkatapos.

Pero natahimik lang kami kasi para sa amin, iba ang dating ng sinabi niyang 'yon.

Ilang araw na kasi nakajipas matapos ang naganap na kujungan pero waley epek mga kumarse. Nang makalabas sila, parang walang nangyari. Nalaman na lang namin na na-hurtsung si Kumarse Renée sa kamay dahil sa basag na tube which is thankfully, wala namang laman na kahit na anong chemical.

Buti na lang din kamo, naagapan yung pagdudugo. Who would've thought na tatagal sila ng halos 5 hours sa loob! Korak 'yan mga kumarse, paano ba naman nagkaroon pa ng meeting de abanse kahapon si President tsaka ang mga staffs ng university kaya yung pagsasara umabot na ng 10pm!

Pero siyempre hindi naman namin hinayaan na lang sila maborlog 'dun sa loob, may conscience naman kami lalo na ako. Kaya nung 3 hours pa lang nagtry na kami na may papuntahin 'don kaso kalurkey! Daming ganap! Ending, hindi din nakarating!!

Hanggang ngayon wala namang nakakaalam sa naging plano namin, dahil kung hindi din namin ititikom ang bibig namin edi kumarse walang ga-graduate sa'min.

"Balentayms na pala bukas! Naku, porsyur kumarse dami na namang ganap na pakeme 'Will You Be My Girlfriend?'" Hindi ako inggit, okay? I don't like surprises, nkklk.

Narinig ko siyang tumawa, "bayaan mo sila. Samahan na lang kita mag-sana all."

"Eh diba 'in a relationship' kayo? Edi makiganap din kayo bukas para 'di kayo magsasana all lang," paki-epal ng isa sa burnok kong kaklase. Syempre mabilis akong nag-react.

"Hoy lalaking walang lovelife, kung walang magandang lalabas dyan sa bunganga mo itikom mo na lang para bawas pollution!" Say ko then umirap ng 360 degrees. Swear, nakita ko pa nga brainz ko from the back of my head lols.

"Sino may sabing wala akong lovelife?!" Hysterical na tanong nito at tumayo pa talaga mygad, "tignan mo bukas, Anderson. Baka sa sobrang dami ng magbibigay ng letter at bulaklak sa'kin mapa-sana all ka talaga."

I rolled my eyes again, "mapapa-sana all talaga ako. Sana all mukha ng patay na para alayan ng madaming flowers." Tatawa-tawa naman at mga nagsipag-gatungan pa ang mga burnak naming kaklase nang mabara ko si gaga.

Pampam eh. Pa-letter pang nalalaman as if hindi namin alam na messenger lang siya ng mga babae sa mga crush nila paano sobrang friendly pero 'di naman magawang magpaka-lalaki. Gosh so kawawa.

Nang balikan ko ang direksyon ni Kumarse ay nakita ko na naman siyang tulala na nakatingin sa malayo.

Ilang beses na siyang ganyan. Ang tutulala na lang bigla na para bang napakalalim ng iniisip tapos kapag may luhang pumatak 'dun siya parang magigising at babalik sa normal. Mabilis niyang pupunasan ang luha sa pisngi saka aayusin ang sarili na parang walang nangyari, pero kitang-kita sa mga mata niya yung totoo niyang nararamdaman.

Courting The Gay Campus Heartthrob (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon