Chapter Twintiii-Por <3
"Showbixz"---
~Mama Ramirez's Side~
Alas-sais na ng umaga nang magising ako. Saglit lang akong naligo saka bumaba para makapagluto na ng agahan, pero para pa akong adik sa sobrang high dahil pinuyat ako ng napakagaling kong anak na napagtripang magtampisaw sa ulan. Na-miss atang maging bata ng lukaret. Mabuti na lang at agad namang humupa ang lagnat niya bandang alas-dos ng madaling araw.
Simula bata pa lang, napakadali ng madapuan ng sakit si Renée. Dahil na din siguro sa mga komplikasyong naranasan ko sa pagbubuntis sa kanya, kaya doble ingat ako palagi. Etong batang 'to lang talaga kung minsan ang sarap tuktukan. Ewan ko ba sa'n niya namana 'yang sobrang kakulitan at katigasan ng ulo. Minsan napapaisip ako kung naglihi ba'ko sa helmet e.
Alas-siyete nang matapos akong magluto ng aroz-caldo na gustong-gusto ni Renée kapag hindi maganda ang pakiramdam o kakagaling lang sa sakit. Alas-nuwebe ang pasok niya at alas-otso umaalis na siya pero hanggang ngayon tila ba ang tahimik pa din at walang kumikilos.
Kahit kailan talaga..
Papanik na sana ako para manggising nang may nahagip akong kung sinong tao na nasa labas. Napakunot ang noo ko saka lumapit, naka-uniporme ito ng katulad kay Joanna, tahimik lang at nakatalikod na naghihintay. Hindi niya ako napansing lumapit kaya nagsalita na ako, "Sino ho sila?"
Para namang napaso na agad na humarap ito saka bumati, "G-good morning po." Ah teka, parang nakita ko na mukha nito. "Ako po si Marvin Jay De Guzman, kaklase po ni Renée."
Ah! "Jay ba kamo?" Tanong ko. Agad naman itong tumango, "Opo. A-ako nga po."
"Hala pasok ka! Bakit ka nariyan sa labas ang lawak-lawak ng salas. Pasok!" Nakangiting bati ko saka siya hinatak sa loob at ipina-upo. "Oh siya nag-almusal ka na ba?"
Sa halos apat na taon ba namang bukam-bibig ng anak kong baliw ang pangalang 'yan, kahit siguro sino makikilala siya agad. Kaya pala parang pamilyar ang mukha, paano 'yan din yung mukha na nakadikit sa likuran ng unan nung isa!
"A-ah opo! Opo, nag-almusal na po ako." Parang natataeng sagot niya. Tinapik ko siya sa balikat, "Hijo kumalma ka. Hindi ako asong mangangagat."
Nadinig ko siyang natawa ng bahagya, "Si Renée po?" Tanong niya na ikinangiwi ko. Hindi pa nga pala gising ang gaga! "Ay nasa taas pa! Sige diyan ka lang at aakyatin ko lang saglit." Nakita ko siyang aapela na sana pero nilayasan ko na lang agad.
Babatukan ko talaga 'tong batang 'to kapag tulog pa, "Renée!" Impit na sigaw ko saka ko sinundan ng mahinahong pagkatok. Nakakahiya naman kung makita ni Jay kung gaano kami kaingay kahit na dadalawa lang kami sa bahay.
Hindi pa man ako nagtatagal ng isang minuto, bigla nang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Renée na bihis na't pagkalapad-lapad ang ngiti. "Good morning, Ma!" Bati pa nito saka ako ginawaran ng halik sa pisngi, na nagpakunot sa noo ko.
Agad kong inilapat ang palad sa noo niya, hindi naman mainit. Isinunod ko ang leeg niya, hindi din naman mainit, isusuksok ko na sana sa kili-kili niya nang pigilan niya ako, "Ma, ano ba ginagawa mo? Wala na 'kong lagnat ano ba!" Tatawa-tawa pang sambit nito.
"Hmm~ aroz-caldo ba 'yun? Shieeeeeet tara, kain na tayo, Ma!" Magiliw na sagot nito saka na naunang bumaba. Habang ako naiwang nakatulala at nag-iisip.
Tama naman sigurong paracetamol napainom ko sa kanya kagabi, ano?
Wala pang ilang minuto ay agad ko din siyang nakitang nagmamadaling bumalik paakyat at bilog na bilog ang mata. "Mama! Sino yung nasa baba??!?!" Abot-hiningang tanong niya.
BINABASA MO ANG
Courting The Gay Campus Heartthrob (HIATUS)
Teen Fiction𝗣𝗶𝗻𝗸 𝗣𝗲𝗼𝗻𝘆 is a symbol of romance. This can be a perfect gift for a love one or the person who has stolen your heart. Date started 09.12.16 Highest Ranking: #9 SHINee 08/07/19