(15) • invisible pinky swear

725 15 0
                                    

(Jelai)
...

My chest is moving in a rapid motion. I can't control my breathing. Nakailang beses na akong humawak sa doorknob para sana buksan ito pero hindi ko magawa. Something is holding me back. What if he realize that I'm not what he really wants?

Kiefer let go of his pride and went on his way to see me. He did that for a reason. I sucked in a big bag of air. Paano ko ba siya haharapain without being guilty of everything I did that hurt him?

Narinig ko ang muling pagbukas ng pintuan. Napabuntunghininga ako nang makita ko si ate. Nakataas ang kilay niya sa akin at may bahagyang ngiti sa labi habang nakahawak sa pasimano ng pintuan ng kuwarto ko.

"Ang sabi ko magbihis ka lang, hindi mag-emote. Sasabihin ko kay Kiefer na maghanap na siya ng iba. Ang tagal mo," akmang aalis na si ate ng hinila ko siya sa braso. Napalakas yata ang pagkakahablot ko sa braso niya kaya napapasok siya sa loob ng kuwarto at napaupo sa kama.

"Ate, sorry! Huwag mo na kasing idamay si Kiefer sa mga kalokohan mo. Eh bababa naman ako, ate. Kinakabahan lang kasi ako kaya hindi ako makaalis dito. Natatakot ako sa maaaring mangyari kapag nagkita kami," I twitched my palms, showing my nervousness. Nakangusong nakatingin si ate Aria sa akin.

"Bumaba ka na kasi. Mamaya umalis na iyon tapos mag-iiyak ka na naman. If that ever happens, huli na talaga ang lahat. Bahala ka na talaga," nakangusong hinihimas ni ate Aria ang braso niya habang seryoso ang mukha na nakatingin sa akin.

"At saka ano ba ang mangyayari kapag nagkita kayo at kinakabahan ka? Are you going to have sex in front of us?" sa huling tinuran ni ate Aria ay tila naging makopa ang pisngi ko sa pula.

Kahit namumula ang buong mukha ay hindi ko maiwasang mapangiti. Bagay na dahilan ng pagkunot ng noo ni ate Aria. She pinched my nose and let out a smutty smile. Frankly, I don't like where that smile of hers is going.

"Oh my, your face is turning red like a cute little tomato. Huwag mo sabihing, well, it appears to me that you have succeeded taking away your boyfriend's innocence. Have you been gentle to him? Mukha pa namang magaling ang boyfriend mo," tatawa-tawang turan ni ate.

"Ate grabe ka naman kay Kiefer. Hindi naman siya mahilig sa ano. Isang beses lang nangyari iyon. He was such a gentleman. Favor naman, can I request for that matter to remain as a secret ate? Please don't tell nanay," pakiusap ko sa kaniya. She smiled and winked at me. It's like she is congratulating me on a task that I have successfully finished.

"You chose the right guy. Kiefer is a nice person. He won't go after you if you are not important to him. Just, this time, learn how to trust more. Wag kang puro pagdududa Jelai. Kung gusto mo talaga siyang manatili sayo, mahalin mo siya ng buong-buo. So now, go!" Pagtataboy sa akin ni ate Aria. Itinulak niya ako ng bahagya palabas ng pintuan.

"Okay, I'll do it. I'll go where my heart is. Thanks ate! You are, definitely, the best by far!" niyakap ko ng mabilis si ate pagkatapos ay pikit-mata na akong lumabas ng kuwarto. Bahala na. Ilang beses rin akong napahawak sa likod ng tenga ko. Ganito ako kapag hindi ako mapakali o kapag kinakabahan ako. I feel the tension penetrate my veins.

Huminga ako ng malalim. When will I get used to his presence? Dahan-dahan ang mga hakbang ko pababa sa hagdanan. I tiptoed my way to the living room.

Ipinilig ko ang ulo ko. I can smell Kiefer's scent from where I'm standing. Oh gosh, his manly scent is luring me to run into him for an embrace. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit nagagawa ko pang magduda. As I approached to the living room which is adjacent to the stairs, I saw him. Tila nabibingi na ako sa tibok ng sarili kong puso. Nakatalikod siya sa akin habang nakaupo sa sofa at kausap si nanay.

Beautiful Heartbreak (Beautiful Series 1) • COMPLETED ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon