(Jelai)
•••"R-resignation letter? You must be kidding," hindi makapaniwala kong sabi.
Sunod-sunod pa rin ang pag-iling ni Barbie. Why would I hand Kiefer my resignation letter? I just got my job back. And now, he is making me resign?
Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi ko alam kung nasobrahan lang ako sa kinain ko kanina pero sa hindi maipaliwanag na bagay ay bigla na lamang itong kumirot.
"Believe me, Jelai. That Sir Kiefer whom I talked to earlier, wasn't the man that you love," mababanaagan ng pangamba ang mukha ni Barbie.
"Yun nga din ang vibes ko sa kanya habang nasa meeting kami kanina. Parang bumalik yung Sir Kiefer 1.0 nung hindi pa sila ni Jelai. Mas malala pa ngayon," nakangiwing sabi ni Clariz.
"Sa palagay nyo dapat ko na ba syang puntahan? I'm certain that he is not in his office since my cubicle is adjacent to his. Maririnig ko siya kung sakaling papasok siya," I sighed.
Kung sumama na lang pala ako sa kaniya sa Singapore, maybe none of this would happen. Hindi na sana ako nahihirapan ng ganito.
Napahawak ako sa noo ko. Clariz took my hand and squeezed it.
"Whatever it is that both of you are going through, malalagpasan niyo ring dalawa iyan. Great love meets great challenges, diba? Sabi ko nga sayo, bukas lagi ang bahay ko para sa laklakan," kahit na naiiyak ay turan ni Clariz.
Nakalabing tumingin ako kay Clariz. Sa ganitong pagkakataon, her support is what I needed. Kaya kahit nalulungkot ako ay bahagya akong napangiti.
"Ikaw, kung ano-anong quotes tungkol sa love ang pinagsasasabi mo. Saan mo ba napulot iyan?" medyo natatawa kong turan.
"Nababasa ko lang. With all seriousness, alam kong mahal ka pa rin ni Sir Kiefer. I saw it in his eyes, kahit galit siya sayo kanina. Maybe if you talk to him with all sincerity and he hears you out, you'll be able to sort things up," she advised.
Sumingit naman si Barbie. "Tama. And I can't think of anyone na babagay sa kaniya kung hindi ikaw lamang. Vice-versa. Team JelFer pa rin ako," itinaas pa niya ang isang kamay niya.
Buti na lang mayroon akong mga kaibigan na handa akong damayan sa lahat ng oras. We went for a group hug.
"Ang alam ko nasa meeting room pa rin si Sir Kiefer. Try mo siya puntahan doon sa private room niya. I think, not unless you leave the Wood, hindi siya pupunta dito," naaasiwang sabi ni Barbie.
She hates to be the bearer of bad news. Naiintindihan ko naman siya. Hindi madaling mamili between friednship and work. She needs her job. Tumango ako kay Barbie at nagpasalamat sa kanilang dalawa.
Kailangang tatagan ko ang loob ko if I want to settle things with Kiefer. This misunderstanding won't stop if I won't make him understand me.
Lumabas ako at nagtungo sa meeting room. Sariwa pa rin sa isip ko nangyari kanina. Pihadong laman na kami ng mga usapan nila. Kaya nga kahit pinagtitinginan ako ng ibang empleyado ay hindi ko na alintana.
Hindi na rin mahalaga kung ano ang tingin nila sa akin. Ang binibigyan ko ng importansya ngayon ay kung ano ang tingin sa akin ni Kiefer.
Pinihit ko ang seradura ng pintuan sa meeting room. Napapikit ako saglit. If I catch him inside, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla ko na lang siyang yakapin.
Tuluyan na akong pumasok sa meeting room. Wala akong naabutan na kahit sino. Naalala ko ang sinabi ni Barbie na puntahan ko siya sa private room niya.
I've been to his private room twice. Noong mga panahon na kailangan niyang magdagdag ng oras para sa ikauunlad ng kumpanya. I was there, making him cups of coffee.
BINABASA MO ANG
Beautiful Heartbreak (Beautiful Series 1) • COMPLETED ✔️
RomansKiefer Park is like a storm that comes raging in, ready to ruin the best of her. Parang nasa mata ng bagyo si Jelai na maaaring mawasak anumang oras. ••• Ni sa panaginip ay hindi inaasahan ni Jelai na mapapansin siya ng hot magnate slash Greek god...