(Jelai)
•••"Are you okay? You look ridiculous. You should see yourself in the mirror," Kiefer grinned. I'm still at the state of surprise and disbelief.
"Kiefer, totoo ba ang lahat ng ito? Kanina lang," hinawi ni Kiefer ang ilang hibla ng buhok na nalaglag sa mukha ko pagkuwa'y tumingin siya sa akin. His eyes are seeking.
"I still need answers. Gusto mo ba ako Jelai? I want to hear it from your mouth though I know the obvious answer," he said with confidence.
That confident smirk on his lips tells me that I should just say yes and confirm his assumptions but my mind is telling me otherwise. Is Kiefer getting a revenge on me?
"Sir, maiintindihan ko naman kung galit kayo. Huwag niyo na lang idaan sa personalan ang parusa," pakiusap ko.
He took a few steps away from me and studied my face. He gave a frowning look then gently smiles.
"I'm still mad at you but I can't get you off my mind. I was waiting for your call two days ago. I'm still waiting for it this morning, but I didn't get anything from you. Inisip ko na lang na baka ayaw mo akong kausapin. Don't you know that I missed you so much?" Hinila niya ang kamay ko patungo sa sofa na malapit sa bintana at hinikayat akong maupo. I looked at him as he went to lean on the railings of the glass window, opened it and inhaled some air.
"Sorry Kiefer. Hindi ko naman alam na importante---" Kiefer cut me off.
"Importante iyon. Importante ka Jelai. Hindi mo lang siguro nakikita pero I have been giving you the most special treatment since you entered my office. So don't think that you are not important because you are," buong pagsuyo niyang sabi.
Sapat na ang mga narinig ko para maibulalas ang matagal ko nang nararamdaman para kay Kiefer. His words are too good to be true.
What's happening now is too good to be true, too. Habang nakayuko mula sa pagkakaupo ay nagsalita na ako.
"Importante ka din, Sir. Next to my father, you are the second most important man in my life. Mahal kita Kiefer. Dati pa," I said with a low tone. Malamig sa loob ng opisina niya pero nararamdaman ko ang pawis na namumuo sa noo ko.
"Anong sabi mo?" He uttered.
"Importante ka," saka pa lamang ako tumingin sa kaniya. He is seriously good-looking by the way he smirks at the moment.
"Narinig ko na importante ako. What I meant was the last part of your sentence. Say it again," utos niya.
Nakasandal siya sa railings ng building at nakatingin ng diretso sa akin. Kahit nahihiya ay inulit ko ang huli kong sinabi.
"M-mahal kita Kiefer," nakayuko pa rin ako.
Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin ni Kiefer. His stare makes it difficult for me to remain confident and calm.
Lumapit sa akin si Kiefer at ilang segundo na nanatili lang na nakatayo sa harapan ko. Hindi ako nag-angat ng paningin.
"Did you just hear yourself Jelai? You confessed that you love me," kalmado ang boses niya.
Hindi ko naman matanggal ang pagkakahawak ko sa palda ko. Talagang tinatanong pa ko kung narinig ko ang mga sinabi ko?
"Yes," tumingin na ako ng diretso sa mga mata niya.
"Was that a joke? Are you just trying to lead me on?" Muli niyang tanong. Sa pagkakataong ito ay umupo na siya sa tabi ko at inakbayan ako.
"Kiefer, ano ba ang seryoso para sayo?" Ibinalik ko sa kaniya ng isa pang tanong ang tanong niya.

BINABASA MO ANG
Beautiful Heartbreak (Beautiful Series 1) • COMPLETED ✔️
RomanceKiefer Park is like a storm that comes raging in, ready to ruin the best of her. Parang nasa mata ng bagyo si Jelai na maaaring mawasak anumang oras. ••• Ni sa panaginip ay hindi inaasahan ni Jelai na mapapansin siya ng hot magnate slash Greek god...