(38) • sorting out the dilemma

84 1 0
                                    

(Jelai)
•••

Natawa ng mapakla si Kurt. "What do you take me for? What would I get if I tell Kiefer the truth? Prison bars?" Nang-uuyam na tanong niya.

I looked at him with a slight of hope. "You shouldn't take your revenge on Kiefer. He wouldn't fire Gaile if it wasn't for me. Alam ko naman na mahal mo si Gaile, walang duda yon. Hindi ka naman mapupunta sa sitwasyong ito kung hindi, diba? Parehas lang tayong nagmamahal," huminto ako upang sukatin ang reaksyon niya.

Nakatingin sa canvass si Kurt na tila nag-iisip. I took it as a chance to continue.

"If you continue doing this, you won't get redemption. You might have successfully managed to separate us, but didn't really get to break us apart. I still love Kiefer. Kung gugustuhin ko at nagpaliwanag ako ng mabuti sa kanya, he'll listen well enough and he'd take me back without second thoughts," napansin ko ang pagkibot ng noo niya.

At the back of my head, I'm hoping that my plan would work. Ilang beses din akong nanghihingi ng tawad kay Kiefer sa gagawin ko.

Wala na kasi akong maisip na ibang paraan. Remembering the way he reacted to me still hurts. Remembering his rough way of touching my body sends shiver to my spine.

Doing this or the other way around, alam ko naman na wala na ring magbabago.

Kiefer already said it. Hindi na niya ako mahal. So what better way to answer that is to give him his freedom back.

"Wag mo nga ako paikutin. Anong mapapala ko  kung aaminin ko sa kaniya ang totoo?" Inis na wika ni Kurt na sa ngayon ay mariin akong tinititigan.

"Ako mismo ang lalayo kay Kiefer. Ako mismo ang magtatapos ng relasyon namin. If I do that, it'll be more hurtful to him. Masasaktan ang ego niya dahil ako, na isang sekretarya lamang niya, magkakaroon ng lakas ng loob na hiwalayan siya? How shameful it is," kahit hindi ko maatim ay nagawa kong sabihin. My voice couldn't help but cracked.

Napangisi naman si Kurt. Looks like he's about to bite the bait.

"If it means hurting him more, then let's do this. But I think Gaile should know. I mean, she plotted all this whole scheme. Ang plano namin, kapag natanggal ka sa trabaho, maaari na siyang bumalik," nanlaki ang mga mata ko pagkarinig ng pangalan ni Gaile.

"Ibig mong sabihin, Gaile put you into this mess? Na hindi aksidente ang pagkikita natin? How long have you been betraying Kiefer?" The impact of the revelations is now bearing its weight.

Tila kaswal lang na nagkuwento si Kurt. "Kung hindi naman sinabi ni Gaile, hahayaan ko naman kayo sa happy ending nyo eh. But Gaile wanted both of you to suffer. Kaya ini-stalk kita. Damn, you have a boring life. You go to the same restaurants with the same people. You even have a gullible persona. Biruin mo, naniwala ka pa na paborito ko si Taylor Swift. Nakakatawa ka," naglagay siya ng panibagong canvass.

Nagtataka naman ako kung bakit hindi kami nilalapitan nung lalaki na nagsisilbing guard malapit sa pintuan.

Nakatingin lang siya sa amin na parang normal lang ang ang ganitong sitwasyon. Kinuha na ni Kurt ang cellphone nya at akma nang tatawagan si Gaile.

I need to think fast. I need to distract him. Manipulating him is difficult, but talking to Gaile is on another level of difficulty.

"I'm not sure she'll agree. I'll tell you a little secret," I paused, trying to get his attention. "Hindi mo ba naisip kung bakit galit na galit sa akin si Gaile? Lalo na nung nalaman niya na boyfriend ko na si Kiefer? If she wanted to hurt me, ako lang sana ang pinahirapan niya. Babalik siya sa kumpanya kasi may gusto siya kay Kiefer," sigaw ko.

Beautiful Heartbreak (Beautiful Series 1) • COMPLETED ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon