(23) • mended past, sturdy future

238 5 0
                                    

(Jelai)
...

Palipat-lipat ang tingin ko kina Clariz, Barbie at ate Aria. Hindi ko kasi malaman kung sino sa kanila ang dapat kong bigyan ng pansin sa pagpili ng motif para sa nalalapit naming kasal ni Kiefer.

I've consulted Kiefer about this matter and he smiled his answer away. Hindi ko alam kung ipinauubaya na niya sa akin ang pag-aayos sa kasal naming dalawa dahil may tiwala siya sa akin, o masyado lang siyang okupado ng trabaho niya kung kaya't hindi niya ako magawang samahan.

Either of the two options, I'm fine with it. Muli kong tinapunan ng tingin ang tatlong babae sa buhay ko na hanggang ngayon ay nagtatalo-talo parin sa color motif. Gusto kong matawa dahil parang sila ang ikakasal.

"Mas mainam kasi kung light color lang ang theme. Kasi summer naman na. Tangerine with a touch of orange and yellow would do. I've seen it work in my dresses, so I know it would work as a motif, too!" Pagpupumilit ni ate Aria. Napairap na lang ako sa hangin. Sa kabilang banda, natuwa ako dahil hindi ko maaaring kuwestiyunin ang sense of fashion ni ate Aria.

She's a skilled seamstress. She sews her dresses. She sew for a living actually. Kaya hindi rin siya pahuhuli when it comes to giving-out fashion statements. Napansin ko ang pag-iling ni Clariz. Mukhang may naiisip siya na maaaring magpataob sa tangerine motif ni ate.

"Bakit hindi natin ibagay sa personalities nilang dalawa? We've known Sir Kiefer as a serious type of guy. Ibig sabihin, his personality speaks a formal type of motif. Why don't we try a black and white motif with a touch of pale green? Exciting iyon!" Clariz giggles. Napakunot ang noo ko.

"Teka, nasaan naman ang personality ko doon? Ako ang pale green? Pale as in matamlay?" Medyo nakasimangot kong sabi.

"Bagay naman sa iyo girl ang pale green! Ibig sabihin medyo green, green-minded!" She stressed on the word green-minded. Natawa silang tatlo samantalang ako ay naiwang nakatulala habang namumula ang buong mukha sa kahihiyan.

Binato ko siya ng hawak kong planner. Sa sobrang tawa ni Clariz ay hindi na niya nailagan ang ibinato ko pero dahil rin sa sobrang kasiyahan na nararamdaman niya ay hindi niya naramdaman ang impact ng ginawa ko.

"Alam na alam mo iyan kasi mana ako sa iyo. Kung ako pale green, ikaw naman ang striking green. Malinaw pa sa kulay ng mga damo ang kaberdehan mo!" Natatawa ko na ring sabi.

"Ang ano mo! Wala na nga akong laban, okay! Sige na. Hindi ka na pale green. Ibang motif naman tayo. Baka lumubog ako sa pang-ookray mo, girl! Huy, Barbie, pagod na pagod ang panga mo kakatawa! Ang dami mong nai-contribute grabe!" Nabaling naman ang atensiyon namin kay Barbie na sa kasalukuyan ay hawak ang tab niya. Maybe she is browsing on the internet for a motif.

Namumula ang pisnging ipinakita ni Barbie ang ginagawa sa amin. Just like her name, she stands up to her choice which is pink. Natatawa na napapailing na lang kaming tatlo nila Clariz.

"You would love the motif, Jelai! Pink wedding dress, pink bridesmaid's gowns, pink bouquet! As in pink everything! You'll love it, I swear! That was my motif on my 18th birthday and people loved it!" Barbie's eyes are dreamy. Parang ang hirap basagin ng trip niya.

"But you have to consider Kiefer's stand on that motif, though," ate Aria butt in.

Natapik ni Barbie ang noo niya at pumalatak. She then looked at me with an apology that would make up for her flawed wedding motif. Ngumiti ako.

"I'll consider that, Barbie. I'll  consider. Anyways, thank you for all the wedding color motifs that you are trying to feed me. Lahat ng iyan ay sasabihin ko kay Kiefer. I'm sure papayag iyon sa pink motif, when my future daughter turns 18. Kidding! Thank you for today! Tara, kain tayo? Sagot ni ate Aria!" Mahaba kong litanya bago ko tuluyang patayin ang ilaw ng kuwarto ko upang lumabas.

Beautiful Heartbreak (Beautiful Series 1) • COMPLETED ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon