(Jelai)
...The day that Hero has been anticipating finally came. Ang inaakala kong simpleng house party ay naging magarbo bigla.
Kiefer never disappoints.
Ang paligid ay puno ng bouncing-themed inflatables suitable for kids and adults. Hindi pinalagpas ni Kiefer ang nag-iisang kahilingan ni Hero. I, myself, was surprised when the staff of the said bouncy theme rentals popped up and scanned the perimeters.
Ngayon ay natapos na nilang itayo ang pinakahuli at pinakamalaking inflatable sa lahat, the bouncy castle.
Binalot ako ng paghanga sa nakikita ko sa paligid. Kiefer was a lavish spender. Hindi ko na matatawag na generous dahil alam kong hindi biro ang inilabas niyang halaga para sa party ni Hero.
I glanced at my watch. Kaunting oras na lang ang natitira at darating na ang mga bisita namin.
Hindi ko man nasabi ng personal sa mga kaibigan ko ay nagawa ko pa ring iparating sa kanila na imbitado sila sa pamamagitan ng chat.
I gasped as a sign of admiration as I scanned my eyes around the area. Sa front porch namin ay naroon ang birthday banner ni Hero. Alongside stands a 7-inch thick joystick-inspired cake that was surrounded with different game logos.
Sa lamesa naman ay may iba't-ibang uri ng dishes mula sa catering team na si Ate Ariana naman ang may sagot. The menu consists of different party foods, some which are new to me. Nilapitan ko ito isa-isa at binasa.
The usual food are spaghetti, fried chicken, and salad bowls, while the yummy-looking ones are Crab Ricotta Fried Ravioli, Artichoke and Cheese-stuffed Mushrooms, and two more dishes. Mayroon ding choco bar at taco bar on the side, completing the palatable feast.
Napalunok ako. Things are too good to be true right now. Frankly, I don't like this feeling of elation. Sabi nila, kapag masyado kang masaya ngayon, kapalit nito ay kalungkutan.
I sighed and shook my head. I shouldn't be overreacting. Tinapik ko ang pisngi ko at pumasok na sa loob ng bahay.
As I enter the house to get ready for the party, nakita ko si ate Aria na abala sa pag-aayos ng buhok. Nilapitan ko siya at kinausap.
"Ate, how much did you pay for the catering team? The food all look expensive to prepare. I'm sure hindi basta-basta ang ginastos mo para sa mga iyon," bungad ko bago umupo sa isang wooden stool na ginagamit naming patungan ng paa kapag nanonood o nagpapahinga.
Tiningnan niya ako ng nakakunot ang noo bago ngumiti ng maluwang na halos mawala na ang mga mata. Iniipit niya ang ilang hibla ng buhok niya sa curling iron at sinagot ang tanong ko.
"Don't ask, Anjeline. Special day naman ni Hero ngayon kaya walang problema sa gastos. Anyways, my blue-eyed gorgeous beau gave me a bigger allowance this week kaya nagawa ko pang magdagdag ng choco and taco bar. How's that for a birthday party?" Taas-baba pa ang kilay ni ate Aria habang nakangisi.
Napasimangot naman ako sa narinig ko. Kung tutuusin sa aming lahat, ako ang may pinakamaliit na sagutin. Hindi ko akalain na yung sorpresa ko para kay Hero ay magiging sorpresa ko para sa sarili ko. Ni hindi ko nga alam na may bouncing stuff na bigla na lang tumubo sa bakuran namin.
Ginulo ni ate Aria ang buhok ko, pagkatapos ay nagpakawala ng mahinang pagtawa.
"Siguro iniisip mo na hindi sapat ang naibigay mo para sa kapatid natin? Hoy Anjeline, ikaw ang sumagot sa drinks ng lahat ng guests, be it alcoholic or plain juice. Malaking bagay na yun," pang-aalo ni ate Aria.
"Saka sa dami ba naman ng inimbitahan ni nanay na classmates ni Hero, paniguradong hindi rin bababa sa libo ang ginastos mo," natatawang bigkas niya na sa pagkakataong ito ay sumusubok na ng iba't-ibang klaseng hairstyle na babagay sa bilugan niyang mukha.
BINABASA MO ANG
Beautiful Heartbreak (Beautiful Series 1) • COMPLETED ✔️
RomanceKiefer Park is like a storm that comes raging in, ready to ruin the best of her. Parang nasa mata ng bagyo si Jelai na maaaring mawasak anumang oras. ••• Ni sa panaginip ay hindi inaasahan ni Jelai na mapapansin siya ng hot magnate slash Greek god...