(Jelai)
•••"Makangiti ka naman wagas. Anong meron at kahit tulala ay nakangiti ka pa rin? Mahipan ka ng hangin bahala ka," natatawang sabi ni Clariz habang nasa lobby kami ng Woodbearings at matiyagang naghihintay sa pagdating ng investors mula sa South Korea.
It's been three days since the interment of my father and I took no time to rest. Gusto ko na rin kasing balikan ang trabaho ko. Gusto ko nang balikan si Kiefer.
"Ako, tulala? Hindi naman. Sabik lang talaga ako sa pagpunta ng investors dito. I admire how Sir Kiefer convinced those businessmen to venture with our company. Ang responsable talaga niya, matalino, masipag, guwapo, thoughtful, caring, mabait, guwapo, gentleman---"
"Bakit hindi mo na lang sabihing perfect, ganoon? Dalawang beses mo pang sinabi ang guwapo, grabe ka," biro ni Clariz sakin.
"Ikaw naman girl, I just see good things in people. I can't help but to praise his good qualities. Ikaw ba hindi mo nakikita iyon? Saka guwapo naman kasi talaga siya so he deserved the double recognition," puno ng sinseridad kong sabi.
Saglit na nag-isip si Clariz at ngumiti. Itinaas pa ang isang kamay na parang nanunumpa.
"Nakikita ko naman girl ang good side ni Sir. Pero magkaiba tayo ng criteria for judging. Wala akong pagnanasa kay Sir, hindi tulad mo, kulang na lang hubaran mo si Sir each time you see him," magsasalita pa sana ako nang nakita kong bumukas na ang sliding door ng building.
From there, nakita kong umibis mula sa mga magagarbong sasakyan ang businessmen from across the country and overseas. They all look elegant and smart. Nakakalula. Napatunganga na lang kami sa kanila. They exude confidence and pride.
"Don't they have wives or girlfriends? Paano kaya nila nakakayanan ang pressure mula sa businessmen na iyan? Parang ang hirap maging asawa o girlfriends ng mga iyan. They all look intimidating," may halong pagtataka ang boses ko.
"Siguro parang tulad mo sila, they just see good things in them. They avoid accusations and doubts. Kapag umuuwi ng hatinggabi, hindi na magtatanong. Kapag hindi naman umuuwi, hindi na rin magtatanong. Business matters always matter. Yun nga lang, hindi pa kayo ni Sir Kiefer," bulong ni Clariz habang natatawa pa ng kaunti na ikinasimangot ko naman. Kinalabit niya ako at ngumuso sa labas.
"G-girl, nasaan? Papasok na ba dito? Nakatingin ba sakin?" Hindi ako makatingin sa labas knowing the fact na baka mahuli ako ni Sir Kiefer na nakatingin sa kaniya. Natatawang siniko ako ni Clariz.
"Oo, papasok na siya at nakatingin sayo ng masama na parang kakainin ka. May kasama siyang chick, hot chick," awtomatiko akong napatingin sa labas kung saan naroroon si Sir Kiefer.
The woman he's escorting with at this moment is elegant looking. Hindi ko mapigilang humanga sa pananamit niya although medyo revealing ang suot niyang dress, mas bibilhin pa rin siya sa market kung parehas kaming produkto.
I think I have seen her before but first, I have to figure out kung bakit hindi ako pipiliin ni Sir Kiefer over her.
There are few key points that steamed in my mind. Napansin ko how Kiefer wants her women delicate, finesse and sophisticated. Hindi ako iyon.
I was never the delicate one, not the girl who was accustomed to getting the boys' attention because I, myself, used to be one of the boys.
They arrived at the center of the lobby. Isa-isa kaming yumukod to welcome the investors. Nagngingitngit pa rin ang kaloob-looban ko.
Pagkatapos dumaan ang investors sa harap namin ay siya namang daan nina Sir Kiefer kasama naman ang members of the board.
Inangat ko ang ulo ko at hindi yumuko para salubungin sila. Nanatiling nakayuko sila Clariz, but I keep my head straight and blankly kept my stare in front.
![](https://img.wattpad.com/cover/17662118-288-k678684.jpg)
BINABASA MO ANG
Beautiful Heartbreak (Beautiful Series 1) • COMPLETED ✔️
RomanceKiefer Park is like a storm that comes raging in, ready to ruin the best of her. Parang nasa mata ng bagyo si Jelai na maaaring mawasak anumang oras. ••• Ni sa panaginip ay hindi inaasahan ni Jelai na mapapansin siya ng hot magnate slash Greek god...